Ogie Alcasid on showing skin in I Do Bidoo Bidoo: “Nahiya lang ako kasi hindi maganda ang katawan ko. Pero nandun ka na, e.”

Nakadama ba siya ng hiya nung naka-brief lang siyang humarap sa co-star niyang si Eugene Domingo? “Hindi. Wala naman akong ganun,” sagot ni Ogie Alcasid.


Naaaliw si Ogie Alcasid na tila aprubado ng lahat ng nakapanood ng I Do Bidoo Bidoo ang ginawa niyang paghuhubad sa pelikula.

Naka-brief lang si Ogie habang naka-bra’t panty naman ang co-star niyang si Eugene Domingo sa choreographed dance love scene nila rito.

Nakapanayam si Ogie ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng advanced screening ng I Do Bidoo Bidoo, sa Gateway Cineplex 3 nung Agosto 23, Huwebes.

Natawa raw ang misis niyang si Regine Velasquez noong ikinuwento niya ang eksenang ito.

Kaya’t inaasahan niya raw na mas matatawa pa ito sa sandaling mapanood na ang kabuuan ng pelikula.

Hindi naman daw ito ang unang pagkakataon na naghubad si Ogie sa harap ng kamera.

“Sa Bubble Gang medyo ginagawa na namin ‘yan, ‘no,” aniya. “Pero sa pelikula, first time lang.”

Sa long-running gag show na kinabibilangan ni Ogie, sikat na sikat nga ang paglabas niya nang naka-skimpy boxer briefs bilang miyembro ng all-male singing group na Sex Balls.

Kasama niya sa Sex Balls sina Michael V., Antonio Aquitania, at ang Kapuso pa noon na si Wendell Ramos.

Sa paglabas ni Ogie sa pelikula nang naka-brief lang kasama si Uge, hindi ba siya nailang o na-conscious?

“Hindi!” mabilis na tugon ng singer-songwriter-comedian.

“Wala naman akong ganun, no!

“Nahiya lang ako kasi hindi maganda ang katawan ko,” natatawang pag-amin ni Ogie.

“Pero nandun ka na, e.

“Kung may abs ba ako e di sige, wala akong pakialam. E, wala!” natawa uling sabi niya.



GOD’S PLAN FOR THEIR MOVIE. Sa August 29 na ipapalabas nationwide ang I Do Bidoo Bidoo. Pero ani Ogie, sa orihinal na plano ay mas maaga dapat ang pagpapalabas nito.

“I think it’s all God’s plan.

“Maraming dahilan—sa ulan, kami, yung schedule namin, Tito Dolphy passed away… Siyempre we have to pay our respects also to Tito Dolphy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then si Zsa Zsa nga, yung concern din namin." Ang co-star niyang si Zsa Zsa Padilla ay kamakailan lang napabalitang may Stage 1 kidney cancer.

“God wanted it to come out August 29,” patuloy ni Ogie.

Natutuwa naman siya sa direktor nilang si Chris Martinez at sa producer ng pelikulang si Tony Gloria.

“I’m so happy for Chris, I’m so happy for Mr. Gloria. Kasi sumugal sila, e.

“Hindi lang ng pera, kundi sa pangalan nila. Itinaya nila yung pangalan nila.

“Eto, ‘All in ako dito,’ and it paid off.

“Naniwala sila, naniwala sila sa amin,” sabi pa ni Ogie tungkol kina Direk Chris at Mr. Gloria.



THE APO MOVEMENT. Binanggit din ni Ogie ang movement na kinabibilangan niya, kasama ang iba pang mga lokal na mang-aawit at musikero.

“Kami, we’re all just a part of a big movement, which I called the APO Movement.

“That’s why it’s a thrilling experience. It’s bigger than what it seems, e.

“Kasi ako, I’m with OPM,” tukoy ni Ogie sa Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) kunsaan siya ang halal na presidente.

“Ako, natutuwa ako for OPM, natutuwa ako for APO—Jim, Danny, and Buboy—who are my dear friends. Natutuwa ako for the film industry."

Siyempre pa, ang tinutukoy niya ay ang APO Hiking Society members na sina Jim Paredes, Danny Javier, at Buboy Garovillo. Ang APO ay tagapagtaguyod ng original Pilipino songs.

At ang mga awitin ng singing group na ito, na sumikat noong late 1970s at tumuloy-tuloy sa mga sumunod na dekada, ang featured sa I Do Bidoo Bidoo.

“Finally, we’re coming up with a film na people deserve to watch,” patuloy ni Ogie.



MUSICAL FOR TV. Nakikita ba ni Ogie na mauuso muli ang “kantaserye” dahil sa pelikula nilang ito?

“Well, ginawa na ni Regine ’yan sa kanyang Diva, which I really love. I thought that was a good project for her,” pagbanggit pa ni Ogie sa 2010 musical dramedy ng kanyang misis sa Siyete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But yeah, we should do more. Pero sana, Original Pilipino Music or OPM. Mahal nga lang kasi, e.”

Paano nga ba nagiging mahal ang paggawa ng isang musical?

“I don’t know the budget. But you see, when you do musicals, you have to shoot again and again, and again.

“It eats a lot of time. So, with the film, ok lang. You’re allotted months and months to shoot.

“But for TV, you’re only allowed to shoot one whole day to shoot so many scenes.

“It makes it more difficult for TV.”



NEXT: ALBUM. Samantala, magpapahinga raw muna sa paggawa ng pelikula si Ogie matapos ng I Do Bidoo Bidoo.

“Rest na ako, I’m preparing for my album,” katuwiran niya.

“It’s a special album, because I’ll be having guests in my album.

“It’s a secret muna,” sagot ni Ogie nang tanungin ng PEP kung sino ang kanyang mga magiging guests.

“But the concept is something like David Foster & Friends,” paghahawig pa ni Ogie sa 2008 album ng Canadian singer-songwriter na si David Foster, na pinamagatang Hitman: David Foster & Friends.

“I write the music and, ako, konti lang ang kakantahin ko.”



BIRTHDAY. Ibinalita rin ni Ogie na na-receive na niya ang birthday gift niya mula sa asawang si Regine.

Sa August 27 ang birthday ni Ogie.

“Meron na, binigyan niya ako nang LV na bag.”

LV is short for Louis Vuitton.

“Maganda siya, it’s a duffle bag na katerno nung iba kong bag.

“Ewan ko, naimpluwensyahan niya ako sa mga bag-bag na ‘yan,” napatawa pagkatapos si Ogie.

“As a rule hindi talaga ako mahilig sa ganyan, e. Pero na-appreciate ko siya dahil maganda siya. Maganda siyang tingnan.

“Nung nakita ko siya, binuksan ko na agad. Itinabi ko na agad. Kasi blue yun, e. Yung monochrome na blue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, meron ako nung trolley bag at yung isa naman na lalagyan ng…ano ba’ng tawag dun? Excutive ba yun? Tapos itong duffle bag. E, di sosyal na sosyal!” nakangiting sabi ni Ogie na ipinagmalaki pang meron na rin siyang sapatos na LV.

“Kulang na lang, suit. Mukha na ‘kong LV!” napatawang biro ng singer-actor.

Binanggit din ni Ogie na sa September, bilang post-birthday treat ay magsi-Singapore sila nina Regine at Baby Nate.

Makakasama pa nila rito ang dati niyang asawa na si Michelle Van Eimeren, husband nitong si Mark Murrow, at mga anak nina Michelle at Ogie na sina Leila at Sarah.

Excited daw siya rito at excited din sa birthday ni Baby Nate sa November 8.

“Excited ako sa lahat!” ani Ogie.



GETTING REGINE INTO SHAPE. “Excited din ako dahil si Misis magku-concert na rin para sa 25th anniversary niya.”

Sa Nobyembre rin nakatakdang gawin ang anniversary concert ni Regine.

Hinahanda na nga raw ni Ogie si Regine para sa concert.

“Pini-prepare ko rin siya dahil kanina, nag-gym kami bago ako pumunta dito sa presscon,” kuwento niya.

“Marami kasing excuse yun, e.

“’Eeeh…inaantok pa ako.’ Sabi ko, ‘Binayaran ko na yun, halika na.’

“Nakonsiyensiya naman. Ang cute-cute niya.

“Dinala ko siya sa gym, nag-Zumba siya. Pinapanood ko siya, sumasayaw naman siyang ganun,” inakto pa ni Ogie ang galaw ng Columbian dance fitness program na workout ngayon ni Regine.

“Ang cute-cute niya. Nakatatlong kanta lang, napagod na.

“Sabi ko, ‘Ok lang yan. Bukas, ano’ng gagawin mo?’

“Sabi niya, ‘Maggu-golf ako.’

“Sabi ko, ‘Ay, hindi! Samahan mo ako. Samahan nga kita.’

“I go to the gym, e. Pero siya, hindi. So, isinasama ko siya.

“I want her to get into the habit of going on her own. Para may ‘me-time’ siya with her amigas or kung anuman,” pagpapatuloy ni Ogie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



HOW IS MANG GERRY? Kumusta nga pala ang ama ni Regine na si Mang Gerry?

Kamakailan kasi’y nababanggit sa Twitter account ni Regine na @reginevalcasid na may sakit ito.

“Well, Papa is doing much better. Nagre-recuperate na siya. Nasa bahay siya lagi.

“So, si Papa, nakakabiruan na namin.

“He’s doing a lot better, and nakikita ko kay Regine na hindi na siya gaanong ka-worried, lalo na pag nakikita niyang gumaganda na yung health ng father niya.

“Of course, there was a time na she was concerned at saka hirap siya.

“May mga ilang araw rin siyang hindi makatulog.

“So, nandito lang ako. Ayokong guluhin yung utak niya.

“Sabi ko lang, ‘Hon…’ Basta, dasal lang kami nang dasal. Lagi ko siyang nili-lead sa prayer, inaalalayan ko lang siya.

“Nung pumunta si Papa sa ospital, inalalayan ko lang siya doon.

“Kasi si Misis, mas matibay pa yun kaysa sa akin, e.

“Kaya lang, you know…kung ano lang ang dapat gawin ng asawa ko.

“I’m happy to say that Papa is much, much better now than two weeks ago.

“Two weeks ago, medyo nag-worry kami nang kaunti.

“Nakuha naman sa dasal. Nakuha sa galing ng mga doktor niya sa ospital at sa mga gamot niya,” pagbabalita pa ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN