Iwa Moto says she had no intention of destroying Jodi Sta. Maria’s career with her revelation; claims she just wanted to tell the truth

“Wala naman akong planong sirain siya, to begin with. I’m just there to tell the truth,” says Iwa Moto about her revelation last June on the now-defunct Paparazzi Showbiz Exposed. Iwa claimed that Jodi had an affair with Iwa’s then boyfriend Mickey Ablan at a time when Jodi was still living with husband Pampi Lacson.


September 2008 nang huling lumabas sa cover ng FHM Philippines si Iwa Moto.

Pagkatapos nito’y sa iba pang panlalaking glossy magazine naman nakita ang kaseksihan ng dating Kapuso at Kapatid talent.

Sa latest na paglabas niya sa isa pang glossy men’s magazine, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iwa kung ano naman ang reaksyon ng boyfriend niyang si Pampi Lacson sa kanyang sexy pictorials.

“So far, okey naman siya. Hindi pa niya nakikita ang buong lay-out, ang buong magazine.

"Mamaya pag nagkausap kami iti-text ko kayo,” bungisngis na sagot ni Iwa nang makausap ng PEP sa City State Hotel sa Mabini, Manila nung Biyernes, Agosto 24.

Hindi ba ito maging dahilan ng paghihiwalay nila?

“Hindi naman siguro.

“Maniwala ka, mahal ako nun! ‘Chos!” pabading pa niyang sagot.

Pagseseryoso namang pahayag ni Iwa, naiintindihan daw ni Pampi ang kanyang trabaho.

“I’m sure he’ll love it,” sabi ni Iwa tungkol sa kanyang latest na sexy pictorial.

“Knowing him, he’s very supportive naman sa trabaho ko.

“Sabi naman niya sa akin as long as alam ko ang limitasyon ko, walang problema.”

Kuwento ni Iwa, sana raw nga ay sinamahan siya ni Pampi sa sexy photo shoot nito. Nagkataon lang daw na abala rin si Pampi sa sarili nitong trabaho.

“Nasa Subic siya noon, may inaasikaso siyang trabaho,” paliwanag ni Iwa.

“I wish sana nga nandoon siya. He’s supposed to come with me.

"Kaya lang, may kailangan siyang asikasuhin. Kailangan daw muna niyang magtrabaho.”

Paraan ba ni Iwa ang pagpapa-pictorial nang sexy para gumawa ng ingay?

“No,” sagot niya agad. “Ang ano naman sa akin, it’s more on kung ano lang ang kaya ko.

“Saka maganda naman, e,” pagtukoy niya sa kanyang latest photo shoot.

“Hangga’t sa maganda at kaya ng katawang lupa ko, why not?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maipapakita rin ba niya ang kanyang kaseksihan sa pelikula?

“Actually, I’m doing a movie right now, isang indie film,” pagbabalita ni Iwa.

“Doon medyo ano ako…

“First time kong makipag-love scene. Inaabangan ko yung scene na yun.

“Next week pa kasi isu-shoot yung love scene na yun kaya medyo kinakabahan ako, e.”



WHAT IWA WANTS... Kilala sa pagiging pasaway si Iwa.

Wala nga itong pakialam kung ano ang puwedeng balik sa kanya ng mga gusto niyang gawin.

Basta ginusto niya.

“Hindi ako si Iwa Moto kung hindi ako ganun, di ba?” may pagmamalaking pahayag pa niya sa PEP.

“Basta, as long as wala akong inaapakang tao, as long as alam ko sa sarili ko na I’m just doing my job, I know what’s right for me. So, ok lang.”

Pero pagdating kay Pampi, ano ang nakakapagpatiklop sa kanya sa boyfriend?

“Lahat,” nakangiting sagot ni Iwa.

“Actually, I’m very, very masunurin sa kanya.

“Maniniwala ba kayo na nananahimik ako kapag nag-uusap kami?

“Minsan lang yun, damdamin niyo na lang,” may kilig pang sabi niya.



ISSUE WITH JODI. Pagkatapos niyang magsalita noong Hunyo sa nawala nang TV5 showbiz talk show na Paparazzi Showbiz Exposed, nanahimik na si Iwa.

Doon ay sinabi niyang nagka-affair si Jodi Sta. Maria, ang asawa ni Pampi, kay Mickey Ablan, na noo’y boyfriend ni Iwa. Hiwalay na sina Jodi at Pampi.

CLICK HERE to read related story.

“E, hindi naman siya nagsalita, e,” ani Iwa tungkol kay Jodi.

“Ako, I’ve said my part na. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin. Nasa sa tao na yun kung saan sila maniniwala.”

Sa pagkakaalam ng PEP, nanahimik si Jodi dahil ito ang payo ng Star Magic, ang nagma-manage sa aktres.

Ang inside information namin ay minabuti ng Star Magic na huwag pasalitain si Jodi dahil may reputasyon nga si Iwa na palaban at mataray, at kapag sumagot si Jodi ay babalikan na naman siya ni Iwa, hanggang sa balik-balik ang sagutan at lalong lalaki ang masamang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga nagsabing tama ang naging desisyon ni Jodi. Liban doon, tingin ng marami ay hindi naapektuhan ang career ni Jodi ng mga pagbubunyag ni Iwa.

Sa katunayan daw, kinukonsiderang isa sa top-rated soaps ng ABS-CBN 2 ang show ni Jodi na Please Be Careful With My Heart.

“Congratulations sa kanya! I’m happy for her,” sabi naman ni Iwa.

“Wala naman akong planong sirain siya, to begin with. I’m just there to tell the truth.

“And wala naman sigurong masama kung ipagtanggol mo ang sarili mo, dahil ikaw na ang dina-down.”

Ang tinutukoy ni Iwa ay ang mga lumabas na kuwento na siya raw ang dahilan ng paghihiwalay nina Jodi at Pampi.

Nagsimula raw ito sa isang interview ni Jodi.

Ito raw ang nagtulak sa kanyang magsalita na noon tungkol kina Jodi at Mickey.

Ngayong tahimik lang si Jodi, hindi na lang din daw siya magsasalita pa tungkol sa isyu.

“Basta, hayaan mo na lang, ipagdasal na lang natin na…

"Basta sa akin, alam naman ng lahat ng mga tao sa paligid ko, ng mga reporters and staff, na ako, pag nagsalita ako hindi naman ako marunong magsinungaling, e.

“Ano ba naman yung… At least ako, nagsasabi nang totoo.

“Ganito na lang yun: ako nagsasalita, hindi ko siya sinisiraan,” diin ni Iwa.

“Wala akong sinasabi laban sa…

“As far as I know, nasabi ko na ang side ko, it’s up to her.

"At least ako nagsalita. Yun lang,” pagtatapos na niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN