Transsexual Justine Ferrer happy her group Ganda Filipinas has invitation from the World Health Organization

“This is a new age of transgender people who will not just uplift gender equality but also uplift the lives of our fellow Filipinos,” says transsexual and Ganda Filipinas member Justine Ferrer.


Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kalagayan ng fiancé ni Survivor Philippines: Palau castaway Justine Ferrer.

Nakausap ng PEP si Justine via the social networking site Facebook.

Kasalukuyan kasing nasa ibang bansa si Justine nang magpadala ang PEP ng mensahe sa kanya noong August 15.

Matatandaang na-diagnose ng Stage 1 kidney cancer ang kanyang fiancé na si Richard Lyle noong nakaraang June.

Inasikaso nila agad kung saan ito puwedeng maoperahan para matanggal ang namuong mass sa bato nito.

“Richard is recovering well after the operation in his left kidney. But still suffering pain, pero normal lang naman daw iyon,” pagbabalita ni Justine tungkol sa kalagayan ng kanyang fiancé.

“Survivor din siya na tulad ko. Alam ko na dumadaan siya sa malaking pagsubok, pero nandito naman ako para samahan siya at alagaan siya.”

Alaga raw talaga sa gamot at pagpapa-check up sa doctor ang kanyang fiancé.

Sinasamahan daw niya ito palagi, lalo na kapag wala naman daw siyang ibang inaasikaso.

“Noong time na nalaman ko na he was diagnosed with kidney cancer, lahat ng mga dapat kong gawin dito at sa ibang bansa, kinansela ko muna lahat.

“I really took that time na maasikaso ko ang mga pangangailangan niya.

“Medyo matigas kasi ang ulo, e. Naiintindihan ko naman, kasi nga sa age niya ngayon, medyo bugnutin na.”

Sixty-two years old na si Richard.

“Ako na ang nagpapasensiya dahil ako yung malakas at ako ang mas nakakaintindi ngayon sa kalagayan niya.

“In fairness, good boy naman si Richard.

“Kapag sinabi kong inumin niya ang mga gamot niya or kainin niya ang mga pagkain na sabi ng doctor niya, sinusunod niya.

“Medyo may struggle lang, pero wala naman siyang choice. Kakainin pa rin niya yung food at iinumin pa rin naman niya ang mga gamot niya.

“Kaya ang drama ko, nurse at caregiver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey lang dahil mahal ko ang fiancé ko at gusto ko siyang gumaling kaagad,” pagsasalaysay pa ni Justine.



GANDA FILIPINAS. Dahil nga sa bumubuti na ang kalusugan ni Richard, hinaharap naman ngayon ni Justine ang ilang mga bagay na kanyang ipinagpaliban noon.

Kasama na nga rito ay ang kanyang itinatag na community organization na Ganda Filipinas na isang gender development advocacy group.

“Nagpaalam naman ako kay Richard na kung puwede bang ayusin ko naman ang mga naiwan kong trabaho. Medyo ayaw pa niya kasi gusto niya na lagi akong kasama.

“Pero pinaliwanagan ko naman siya na kailangan ko lang tapusin ang mga nasimulan ko.

“Tutal may nakuha naman na akong nurse para alagaan siya kapag wala ako.

“Nagbigay naman ako ng specific instructions sa mga gagawin para sa kanya kapag wala ako. Ayun, pumayag naman siya.

“Nag-promise naman ako na saglit lang ito, at matapos lang lahat, ako na ulit ang magiging nurse niya,” kuwento ni Justine.

Tungkol nga sa Ganda Filipinas, naka-focus daw sila sa pagsuporta at pagtulong, lalo na sa usapin ng health, feeding programs, at livelihood projects.

“Hindi lang naman sa tulad namin na mula sa LGBT ang tutulungan ng Ganda Filipinas. Lahat ng communities sa buong Pilipinas ay bukas kami sa pagbigay ng tulong.”

LGBT ang initials ng Lesbian, Gays, Bisexuals, and Transgenders.

“We are open to give help to government and non-government organizations and even private sectors.”

Hindi naman ikinahihiya ni Justine na lima sa kanilang mga miyembro ay transsexuals.

“There are five members of this organization, namely myself, Ms. Naomi Fontanos, Yasmine Lee, Seanel Caparas, and Princess Jimenez who are all transsexuals.”

Transsexuals ang tawag sa mga taong sumailalim na ng sex reassignment surgery o SRS dahil hindi nila gusto ang kanilang assigned sex o kasarian nung ipinanganak sila.

Napapalitan through SRS ang itsura at kasarian ng isang individual. (source: “What Transsexuality Is: Definition, Cause, and History.")

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Justine, pati na rin ang mga nabanggit niyang miyembro ng Ganda Filipinas ay dating mga lalaki na sumailalim ng SRS para maging babae.

Kumpara sa salitang “transgender” na “umbrella term” para sa iba’t ibang klase ng physical expression ng mga taong hindi gusto ang kanilang assigned sex, (source: “What Does Transgender Mean?” by The American Psychological Association.), ang transsexual ay mas specific dahil sa SRS.

“This is a new age of transgender people who will not just uplift gender equality but also uplift the lives of our fellow Filipinos,” deklara pa ni Justine tungkol sa kanilang organisasyon.



WHO RECOGNITION. Ikinatutuwa naman ni Justine na naimbitahan ang kanilang organization ng World Health Organization (WHO) para sa isang malaking seminar ngayong September na gagawin dito sa Pilipinas.

Ang WHO ay ang United Nations (UN) agency na concerned sa international public health.

“We are thankful sa mga sumusuporta sa group namin via Facebook (http://www.facebook.com/gandafilipinas)

“Doon kami nakakuha ng ilang mga followers na gustong maging members ng Ganda Filipinas.

“Through them ay unti-unti na kaming nakikilala.

“Yung invitation ng WHO ay magandang simula sa amin. We will be able to do our vision the soonest possible time with their help and recognition.

“May mga monthly update kami sa mga gagawin naming mga projects.

“Noong nag-launch nga kami a month ago, nagkaroon kami ng feeding program sa mga bata in Caloocan City.

“Marami kaming naka-line up na mga gagawin pa kaya tingnan na lang nila ang Facebook page namin. Sumama sila kung feel nilang tumulong din.”



WEDDING HAS TO WAIT. Dahil nga sa busy si Justine sa kanyang mga adhikain sa buhay, ang kanyang matagal nang hangad na magpakasal sa kanyang fiancé ay mukhang matagal pa bago matupad.

“Wala munang pressure, nagpapagaling pa si Papa, e!” sabay tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung plano na ‘yan, na may two years na yata in the works, ay matutupad pa rin naman. Hindi ko lang alam kung kelan, but I know that it will happen.

“Magkakasunod nga kasi ang mga pangyayari sa buhay naming dalawa, kaya nauudlot ang mga plano naming magpakasal. Mga pagsubok lang naman ang lahat ng ito.

“What’s important is that my fiancé is doing well. He is recovering fast. Basta magkasama kaming dalawa, happiness na,” pagtatapos ni Justine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN