John Lloyd Cruz on Instagram photo of him and Angelica Panganiban: "Oo, ako yun. Ako ang nag-click ng Send button."

Bagamat inamin ni John Lloyd Cruz na may kinalaman siya sa pag-a-upload ng Instagram photo na magkasama sila ni Angelica Panganiban, tumanggi namang magsalita ang aktor sa estado ng kanilang relasyon. Aniya, "This isn’t the right place, the right time to talk about it. Some other time, maybe."


Ayon kay John Lloyd Cruz, tumulong siya sa pag-upload ng pinag-uusapang Instagram photo collage kunsaan kasama niya si Angelica Panganiban.

Ang naturang photo collage ay may apat na litrato: nasa itaas ang larawan ni Angelica kunsaan kita ang magandang kulay sa kalangitan; nasa lower left portion ang isang picture ng mga isda na gini-grill; nasa kanan ang isa pang litrato ng makulay na kalangitan; habang nasa gitna naman ang larawan nina John Lloyd at Angelica.

Makikita sa Instagram photo, na kumalat sa mga social networking sites kamakailan, ang mga salitang “Perfect Sunday” at “According to the guy in pink.”

Ang tinutukoy na "guy" ay si John Lloyd, na nakasuot ng pink na polo sa isang larawan.

(CLICK HERE to read related story.)

Kahapon, August 26, natanong si John Lloyd tungkol sa naturang photo collage.

Pag-amin ng Kapamilya actor: "Oo, ako yun. Ako ang nag-click ng Send button."

REUNION MOVIE. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng media si John Lloyd sa press conference ng pelikulang The Mistress.

Ang The Mistress ay ang reunion movie nina John Lloyd at Bea Alonzo sa Star Cinema matapos ng huli nilang proyekto na Miss You Like Crazy (2010).

Dahil araw ng Linggo ginanap ang presscon, naitanong sa 29-year-old actor kung maituturing ba niyang "perfect Sunday" ang araw na iyon?

"Perfect kung paano kami tinanggap ng ating mga kaibigan na press," sagot ni John Lloyd.

Wala bang magseselos sa pagbabalik-tambalan nila ni Bea?

"Sa akin, wala," mabilis na tugon ni John Lloyd.

Ayon naman kay Bea, "Akin, wala, kasi iniintindi naman ni Zanjoe."

Si Zanjoe Marudo ang boyfriend ni Bea sa totoong buhay.


SOME OTHER TIME, MAYBE. Ngunit bago pa man matanong si John Lloyd tungkol sa estado ng relasyon nila ni Angelica Panganiban, inunahan na niya ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko ang pinupuntahan ng mga tanong...

"This isn’t the right place, the right time to talk about it. Some other time, maybe.

"Nandito kami ni Bea to celebrate our ten years in the industry, and we have a beautiful movie," sabi ng three-time Box-Office King.

Noong 2007 ay itinanghal sina John Lloyd at Bea bilang Box-Office King and Queen para sa kanilang pelikulang One More Chance.

Sa dalawang sumunod na taon, sina John Lloyd at Sarah Geronimo naman ang naging Box-Office King at Queen para sa kanilang mga pelikulang A Very Special Love at You Changed My Life.

THOUGHTS ON LOVE. Dahil ang pelikula nina John Lloyd at Bea ay tungkol sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, natanong sila sa kanilang paniniwala tungkol sa love.

Sagot ni John Lloyd dito, "I’m a strong believer of the saying, ’You don’t choose love, it chooses you.’"

Sa tingin ba niya ay pinili na siya muli ng pag-ibig?

"Lagi po akong pinipili ng pag-ibig. Araw-araw ng aking buhay," makabuluhang sagot ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN