Guni-Guni star Benjamin Alves believes their movie poster was not copied from Thai horror movie ad

“I don’t think they plagiarized, but I think if they were influenced…you can’t avoid that...” says Benjamin Alves on the accusation that Guni-Guni’s poster was copied from the ad of the Thai horror movie Alone.


Maagang dumating sa SM Megamall noong Martes, August 21 ang baguhang actor na si Benjamin Alves.

Nauna siya sa iba pang cast members ng pelikulang Guni-Guni, na nakatakdang mag-premiere nung gabing yun.

Maagap naman siyang lumapit sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang media na nakaantabay sa kanila, upang magpaunlak ng panayam.

Kahit nakangiti si Benjamin ay aminadong sobra siyang kabado sa kalalabasan ng kanyang kauna-unahang pelikula.

Bungad niya sa PEP, “Sobrang happy, pero nervous pa rin.

“Pero once na we go inside and makikita na yung mga fans, siguro mawawala na yung kaba, nervousness namin, kasi excited na po kaming lahat na makita yung movie, e.”

Since first movie niya ito at mainstream pa, ano ang naramdaman niya sa malaking break na ibinigay ng Regal Entertainment?

“First, I want to be scared.

“Sana maganda po yung reception ng audience. And we will find out tonight.

"And sana po, patuluy-tuloy yung success from tonight to tomorrow, Wednesday, kasi opening na po tomorrow.

“Just expecting great things and more blessings from it."

HONORED TO BE PAIRED WITH LOVI. Malaking karangalan din daw para kay Benjamin na ipinareha siya kay Lovi Poe.

Pagmamalaki ni Benjamin, “Sobrang nakakatuwa kasi everyone knows Lovi is a great actress.

“And it’s even better to work with her, kasi off-camera, we were able to develop a friendship.

“I’m looking forward to work with her again.

“Sayang nga, e. A part of me says that the movie has to end,” na ang tinutukoy ay ang shooting.

“But I’m looking forward to work with her again, be it on GMA or Regal Films.”

Biniro naman ng kaharap na members ng media si Benjamin na baka ang mami-miss niya ay ang pag-shoot nila ng maseselang eksena nila ni Lovi.

Natatawang tugon ng binata, “Hindi naman, hindi naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakaka-miss lang yung mga ano, friendship namin. Actually, with the whole cast.”

Na-develop na raw kasi ang friendship nila sa set, lalo na nung mga huling araw ng shooting na magkakasama na raw sila every day.



THANKFUL TO LOVI FOR BEING GAME. Sa mga nakapanood na ng trailer ng Guni-Guni ay may mga nagsasabing parang hindi baguhan si Benjamin pagdating sa halikan at love scene, paano kaya niya ito pinaghandaan?

Humalakhak muna siya bago sumagot, “May training tayo before that.

“Pero, yeah, I’m thankful to Lovi na game siya, at sobrang maalaga.

“Kaya, ayun, nagmukhang parang may experience na ako dati.

“Kasi ang galing ni Lovi mag-alaga ng co-artist, e. Pero, it was really my first.”



PLAGIARISM ISSUE. Sa huli, inusisa ng PEP si Benjamin kung aware ba siyang may akusasyon ng pangongopya or panggaya diumano ng poster ang Guni-Guni.

Kahawig kasi ng poster ng 2007 Thai horror movie na Alone ang poster ng pelikulang kinasasalihan niya.

(CLICK HERE to see the posters.)

Sagot ni Benjamin, “Really? I don’t know, I haven’t seen it.”

Sabi pa ng baguhang aktor, dapat daw ay ma-flatter pa ang kinopyahan kung kinopya nga ang poster.

“Because if it’s the same concept, ah, that’s nice.”

Pero aniya, hindi siya naniniwalang nangopya ang mga taga-Regal ng poster.

“I don’t think they plagiarized, but I think if they were influenced…you can’t avoid that...

“I trust the team in Regal," nasabi na lang niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN