Tuesday Vargas on having a baby with husband Coy Placido: “Gusto ko na. Pero gusto ko rin na hindi kami napi-pressure, na parang ginagawa niyo nang trabaho yun, yung chuva.”

Tuesday Vargas says she’s ready to get pregnant: “I’m sober for two months, ibig sabihin no, nothing. Wala akong alcohol. Wala akong masyadong pagpupuyat. Wala akong kahit na anong bisyo. Wala talaga. Kasi hindi rin naman ako naninigarilyo, regular yung exercise, tsaka ngayon nagpo-folic acid na ako.”


Walang pagsidlan ng tuwa ngayon si Tuesday Vargas dahil malapit nang matapos ang ipinagagawa nilang bahay ng asawa niyang si Coy Placido.

By October daw ay matatapos na ito at dito na rin daw sila maninirahan for the rest of their lives.

Pero kahit hindi pa ito lubusang tapos ay magsisimula na silang manirahan dito.

“Next month lilipat na kami sa bahay namin na mahigit isang taon naming pinagpaguran, pinagdanakan ng dugo…charot!” biro muna ni Tuesday nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng isang magazine cover nung Martes, August 21, sa The Fort.

“So, ayun, nakakatuwa. Kasi kahit na namamaos na ako, meron palang pinatutunguhan.”

Bukod sa paglabas sa TV ay kumakayod din sa pagkanta si Tuesday sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, kasama ang banda nila ni Coy na Top Junk.

Dugtong pa niya, “Blood, sweat, and tears. Tsaka hindi lang one year ‘yan.

“Yung pag-iipon, basta buong career ko ‘ata, dahan-dahan-dahan.

“Kasi gusto ko, yung magpatayo ng bahay na yun na yung gusto ko.

“Mismo, isang pasada.

“Puwede kong masabi na dream house ko na ‘to,” sabi pa ni Tuesday.

Ang nasabing bahay ay nakatayo sa isang subdivision sa Fairview, Quezon City.


AFTER THE HOME, A BABY. Malawak ang lupa na nakuha nila, dahil gusto raw kasi nilang may tatakbuhang playground ang magiging anak nila ni Coy.

Ani Tuesday, gusto na raw talaga niyang magkaanak sila ng asawa.

“Gusto ko na. Pero gusto ko rin na hindi kami napi-pressure, na parang ginagawa niyo nang trabaho yun, yung chuva,” may makahulugang ngiti na sabi ng singer-comedian.

“Pag ibibigay, magkakaroon naman.

“’Tsaka gusto ko, nasa tamang kundisyon talaga yung katawan ko.

"Yung nakakapagpahinga ako para ma-enjoy ko naman yung pagbubuntis. Ang pagiging mommy, matutukan.”

Nagbuntis na noon si Tuesday ng anak sana nila ni Coy, pero sa kasamaang palad ay nakunan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inamin naman niyang hindi pa siguro panahon talaga noon na maging ina siyang muli.

Bago nakilala ni Tuesday si Coy ay may anak na ang komedyante/singer mula sa naunang nakarelasyon.


NO ALCOHOL, NO LATE NIGHTS, NO VICES. Sa ngayon daw ay ginagawa na nilang mag-asawa ang mga nararapat na pag-iingat para matuloy na ang pagbubuntis niya.

Sabi nga ni Tuesday, “Ok naman. I’m sober for two months, ibig sabihin no, nothing.

“Wala akong alcohol. Wala akong masyadong pagpupuyat. Wala akong kahit na anong bisyo. Wala talaga.

“Kasi hindi rin naman ako naninigarilyo, regular yung exercise, ’tsaka ngayon, nagpo-folic acid na ako.”

Isa umano sa maraming pakinabang ng pag-inom ng folic acid o Vitamin B9 ay ang maayos na pagpo-produce ng DNA (deoxyribonucleic acid) at RNA (ribonucleic acid) ng katawan ng tao.

Ang DNA at RNA ay ang mga genetic materials na kailangan sa paggawa ng bagong buhay o sanggol. (source: Vitamin B9 or Folic Acid by University of Maryland Medical Center)


WAKE-UP CALL. “Parang praning ako. Parang wake-up call yun, e," sabi ni Tuesday tungkol sa hindi natuloy na pagkabuo ng baby sana nila.

“Kasi it’s your body na telling you na:

‘Hoy, masyado kang busy! Kailangan mong mag-relax. Kailangan mong mag-pull back, and it’s time to reflect kung bakit ganun ang nangyayari sa katawan mo. Parang inaabuso mo na!’

“Ako kasi, parang hangga’t kaya, hindi na humihinga sa trabaho.

“Kasi ako naman hindi naman ako habang-buhay na nandito.

“Hindi mo rin masabi ang panahon na hawak mo, ngayon lang.

“Kaya pag binigyan ka ng biyaya at binigyan ka ng grasya, take advantage of it and ipakita mo na kaya mong magpursige.

“Ako naman palo lang nang palo. Kailangan mong isipin na magpahinga din minsan.”


COY WHISPERS. Kapag nakikita raw si Tuesday ng asawa niya, na tila ayaw na niyang magpahinga sa pagtatrabaho, sinasabihan daw siya ni Coy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung husband ko is very, very supportive.

“Kapag nakikita niya akong napapagod na—ako kasi hindi ako nagku-complain, e—hihilahin na nun yung kamay ko at, ‘Umupo ka nga nang magpahinga ka.’

“Siya yung taga-bulong ko na, ‘Sobra na yun, magpahinga ka. Preno.’”

CELEBRITY CLOSET. Bukod sa pag-aartista at pagkanta, may isa pang pinagkakaabalahan si Tuesday para kumita.

Ipinakita nga niya sa PEP ang mga dala-dala niyang mamahaling bags na nasa sasakyan niya.

Dala raw niya ang mga ito kahit saan siya magpunta.

“Nagre-resell ako ng pre-owned bags, tapos nagbebenta rin ako ng mga brand new luxury items, designer bags,” sabi ni Tuesday tungkol sa kanyang negosyo.

Makikita raw ang mga paninda niyang pre-owned at brand new bags sa Facebook niyang Celebrity Closet kasama ang iba pang artistang nagbebenta rin ng iba pang mga items.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN