FIRST READ ON PEP. Vice Ganda keeps mum about lovelife: “Hindi naman kailangan lahat, ibuyangyang mo at pagpiyestahan ng lahat ng tao, di ba?"

Vice Ganda on keeping personal life private: “...kailangan protektahan ko rin naman yung mahalagang tao sa buhay ko, di ba? Kasi ako, okay lang naman ako husgahan at sabihan ng kung anu-ano ng ibang tao, pero yung siya—mas magandang ako na lang.”

"


Nagmistulang stand-up comedy show ang interview ng press kay Vice Ganda kahapon, August 27, sa Studio 8 ng ABS-CBN, kung saan nagkaroon siya ng pictorial.

Para ito sa upcoming film niyang This Guy’s In Love With You, Pare, na hindi pa raw siya sigurado kung kelan ipapalabas.

“October, wala pang date,” ang bungad ng host-comedian.

Dugtong pa niya, “Wala ring year… basta month lang tina-target namin,” na umani ng tawanan mula sa mga reporters.

Interestingly, October din ipinalabas sa sinehan ang mga naunang blockbuster films ni Vice.

Aniya, “Nagtaka nga ako sa kanila. Ba’t nila ako binigyan ng pelikula?

“Ahm, isang taon din kasi…October din, e. Yung Petra [Petrang Kabayo], yung Praybeyt Benjamin, puro October.”

Kaya naman, sinabihan daw siya ni Wenn Deramas, ang director ng upcoming Star Cinema movie niya, na gawin na lang daw itong tradisyon.

Pahayag ng Showtime star, “Kailangan pag October, may Vice Ganda- Wenn Deramas movie.”

Biglang singit na tanong ng reporter na si MJ Felipe, “Can we label it that October is a Vice Ganda month?”

Ang punchline ng komedyante, “Of course you can, why can’t you?”

MOVIE CO-STARS. October 12 ang tentative playdate ng This Guy’s In Love With You, Pare, na pagbibidahan din nina Luis Manzano at Toni Gonzaga.

Nang tanungin si Vice sa rason ng pagtanggap niya sa project, nagbiro ulit ito ng, “Actually, hindi pa talaga ako umu-oo kaya hindi pa namin alam kung i-e-air ’to. Charot!”

In a more serious tone, pahayag niya, “Hihindi ka ba kung Luis-Toni ang kasama mo?

“At saka nung nag-meeting nga kami nun sa Star [Cinema] kung sino’ng gusto kong makasama, si Toni ang una kong sinabi talaga.”

"Si Luis?” usisa ng press.

Sagot ni Vice, “Pang-mga... pang-third siya sa last.”

Nang humupa ang tawanan, saka niya ipinagpatuloy ang kanyang totoong sagot, “Kasi si Luis, nag-uusap nga kami, parang halos lahat nung bonggang movies na nagawa ko, magkasama kami— In My Life, tapos a… Hating Kapatid, Petrang Kabayo, Praybeyt Benjamin—puro kasama si Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lucky talaga si Lucky.”

Si Toni naman ay isa sa mga itinuturing ni Vice na “closest” sa showbiz, at marami raw siyang “na-miss” sa The Buzz co-host.

Ang kuwento pa ng Kapamilya at Viva talent, “E, nung ang dami na niyang trabaho, tapos ako rin, marami na ring ganap, bihira na lang [magkita].

“Text na lang. ’Oy, nanonood ako ng GGV [Gandang Gabi, Vice], nakakatawa ka...’

“’O talaga? Hindi mo ba alam?’ sabi kong ganun.”


LUIS ENTERS FRAME. Sa kalagitnaaan ng interview, biglang dumating si Luis, na agad pumunta sa likod ni Vice at kumaway-kaway.

Tinanong si Vice tungkol sa kaibigan: “Delicious ba si Luis?”

“Hindi naman masyado,” astang-seryoso nitong sagot.

Nang tabihan siya ng nag-iisang anak ng unyon nina Edu Manzano at Vilma Santos, biglang-bawi ni Vice, “Omigod ang sarap! Ang sarap ni Luis, ’no? Paagaw nga lagi ’yan, sa dressing room pa lang.”

Kung yung eksena niya raw kay Derek Ramsay, na leading man niya sa Praybeyt Benjamin, ay “takaman,” itong kay Luis daw ay “ngasab!”

Sabad naman ni Luis, “Bed scene talaga kami. Nagpapakan talaga kami.”

Ang natatawang dugtong ni Vice, “Papunta na sa porn kasi itong ginawa namin.”

Since all three of them are into comedy, wala bang sapawan na nangyari?

Sagot ni Luis, “Hindi naman. Siguro, through Direk Wenn’s guidance din naman…

“At saka siguro, kahit pa’no naman, marami na rin nagawa [na pelikula], so each artist naman, alam na, for example, sa eksenang ito e para mag-shine ng ganito…So, sa amin lang siguro, walang sapawan factor.”

Dugtong pa ni Vice, “Sa last week ng shooting siguro, magkakabilangan kung sinong pinakamaraming nakunan.

“Tapos dun pa lang magkakalabasan ng sama ng loob. At saka hindi pa kasi namin nabibilang, e.”

Biglang binulungan ni Luis si Vice ng, “Si Toni, nahuli kong nagbibilang.”

Ang tila seryoso ring bulong ni Vice, “Talaga? Ako rin, nagbilang ako nung nakaraan, sumama nga ang loob ko. Ang dami nung sa ‘kin, pagod na pagod ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VICE’S BEAU. Saka lang bumaba ang energy level ni Vice nung nadako sa lovelife ang topic.

Una, klinaro niyang “hindi ko jowa” ang lalaking kasama sa picture na kumalat sa Internet kamakailan.

Paliwanag ng Phenomenal Box-Office Star, “Alam mo, nakakaloka yung ganyang tao. Pag nakita sa picture, mag-jowa na.

“E, yung picture nga namin [ni Luis], magkayakap, nakahubad pa siya…

“Kaibigan ko lang yun. Yung nasa picture, kaibigan ko talaga.

“Hindi ako sinungaling, no? Yun na nga lang pinanghahawakan ko…

“Kung magsisinungaling na rin lang ako, hindi na ako sasagot. Pero pag sinagot ko, ibig sabihin, totoo yung sinagot ko.

“Hindi ko naging jowa yun.”

Ang sumunod na tanong ay tungkol sa kanyang boyfriend. Pero kahit anong kulit at pilit ng press, naging maingat ang mga sagot ni Vice.

Aniya, “Wala lang. Hindi, parang ano, para mas safe ako, mas safe siya."

Yung guy ba ang nag-request na gawing private ang kanilang relationship?

“Nung family niya,” ang pabiro na naman niyang sagot. At saka niya idinagdag, “Kahit naman ano ka, kahit artista ka o celebrity ka, kahit papa’no dapat di ba may nire-reserve ka for yourself, di ba?

“Hindi naman kailangan lahat, ibuyangyang mo at pagpiyestahan ng lahat ng tao, di ba?

“Bukod nga dun, kailangan protektahan ko rin naman yung mahalagang tao sa buhay ko, di ba?

“Kasi ako, okay lang naman ako husgahan at sabihan ng kung anu-ano ng ibang tao, pero yung siya—mas magandang ako na lang.”

May follow-up question pa sana si Mash Zapanta ng The Buzz, pero pabirong hiniritan siya ni Vice ng, “Ba’t mo pinipilit?”

Kaya biglang segue ang usapan sa kanyang role sa This Guy’s In Love With You, Pare.

Aniya, “maraming similarities” ang kanyang character sa kung sino siya sa totoong buhay.

“Yung struggles ni ano, a… ni Lester, yun yung character ko, kasi yung mga pinagdaanan ni Lester…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi niya natapos ang pahayag dahil may napansin siya sa crew, “Kung makahikab naman itong cameraman na ‘to, bagot na bagot na sa interview ko. ’Nakakaabala pa ba ako sa ‘yo?’”

Tawanan ulit ang mga reporters.

Matapos ng punchline saka ipinagpatuloy ni Vice ang sinasabi, “Yung mga pinagdaanan ni Lester dito, na character ko, ay napagdaanan ko rin sa totoong buhay.

“At alam kong maraming nagdaan sa ganung sitwasyon din, kahit hindi bakla, kahit mga pangkaraniwang tao.”

Bago natapos ang interview, biniro ng mga reporters si Vice, “Wala kaming mai-ere dahil puro jokes!”

Kaya, nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung may pressure ba siyang nararamdaman sa kanyang upcoming movie, given the success of Praybeyt, heto ang kanyang sagot:

“Hindi, e… Hindi na ako napi-pressure kasi pag prinessure ko yung sarili ko, tapos in-entertain ko yung pressure, madidiskaril yung diskarte ko, e. Kaya hindi na.

“Diyusko, ang laki ng pressure sa ‘kin nung No Other Woman ano? Yung sinundan ng Praybeyt Benjamin? Pero hindi naman, enjoy lang, happy-happy lang.

“Lahat naman ‘to ginagawa natin para masaya tayong lahat. Masaya kami at masaya ang manonood. Ayoko nung pressure-pressure.

“I am an entertainer. I entertain, but I don’t entertain pressure.”

Ang huling linyang ito ay umani ng “whoa!” mula sa mga kausap ni Vice, na siya mismong humirit ng, “Ayun, pang-ere yun!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN