PART 1: Lorna Tolentino admits undergoing stem cell treatment to keep vital organs rejuvenated

Lorna Tolentino credits regular check-ups and a stem-cell treatment for keeping her healthy and young-looking: "Para ma-rejuvenate ang vital organs. Yung ating heart, kidneys, liver, stomach, intestines…”


Isang bihirang pagkakataon na nakausap uli ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang mahabang interview ang multi-awarded actress na si Lorna Tolentino.

Naganap ang panayam noong nakaraang Huwebes, August 23, sa faculty office ng Central Colleges of the Philippines (CCP), kung saan ginanap ang taping ng weekly supernatural mystery drama series na Third Eye ng TV5.

During dinner break, nabanggit ni Lorna ang tungkol sa pinsang si Zsa Zsa Padilla, who was diagnosed with Stage 1 cancer of the kidney.

"Ka-text ko si Zsa Zsa. Four weeks daw siya doon, tapos saka babalik dito.

“Four weeks after the operation, hindi pa siya puwedeng mag-work.”

August 27 ang naiulat noon na schedule ng operasyon ni Zsa Zsa sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, California.

Sixteen hours and delay ng oras ng U.S. sa Pilipinas, kaya’t malamang na ngayong araw na ang operasyon ni Zsa Zsa.

Tatanggalin ang mala-golf ball sa laking namuong laman sa kanyang kidney.

Patuloy ni Lorna, "Bale one month ang pahinga. Then, after one month, puwede na daw siya bumalik.

“Pero regular na yung check-up niya."


REMEMBERING RUDY. Kailangan ngang maging regular ang pag-monitor kay Zsa Zsa.

Dahil pagbabalik-alala ni Lorna, sumailalim din noon ng kaparehong operasyon ang yumao niyang mister na si Rudy Fernandez.

"Ganun din yung kay Rudy noon. Yun daw ang cure. Triple operation siya.

"Pero may nakalusot na lymph nodes niya. Yun ang mahirap."

Binawian ng buhay si Rudy nung June 7, 2008, matapos ang matagal na pakikipagbuno sa sakit na periampullary cancer.

Kung tutuusin nga raw, mas posible talagang magkaroon ng sakit na cancer ang side ng family ni Lorna, kesa kay Rudy.

"Kina Rudy, wala naman,” sabi ni Lorna. “Nasa lahi namin.”

Katunayan nga raw, namatay ang tiyuhin ni Lorna sa mother’s side niya, three months ago, dahil sa sakit na cancer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang lola namin, cancer…” malungkot pang dagdag ni Lorna tungkol sa pagkamatay rin ng lola niya sa sakit na cancer.

Kinumusta ng PEP si Lorna kung paano ba siya naka-cope sa pagkamatay ni Rudy.

Paglilinaw naman ni Lorna, “day by day,” pa rin daw siyang nagko-cope sa pagkawala ng kanyang mister.

Pasalamat na nga lang daw siya sa mga taong hanggang ngayon ay sumusuporta sa kanya at sa kanyang mga anak na sina Ralph at Renz.


DIREK MARILOU. Naalala tuloy ni Lorna ang isang taong malaki rin ang naiambag para makatawid sila sa kalungkutan ng pagkakaroon ng sakit noon ng kanyang mister.

Sumagi sa alaala ni Lorna ang taong ito, dahil kasalukuyang ito naman ngayon ang nakikipambuno sa sakit na dahilan ng pagkawala ni Rudy.

"Hindi pa kami nagkikita ni Direk, sabi ni Lorna.

Ang tinutukoy niya ay ang direktor na si Marilou Diaz-Abaya, na ngayo’y mayroon namang Stage 4 breast cancer.

"Ang hirap pagka gano’n talaga... ang hirap...

"E, siya, nung time ni Rudy... na si Rudy, maysakit, wala siyang ginawa kundi mag-text nang mag-text sa akin,” pagkuwento pa ni Lorna kung paano nagpakita ng moral support sa kanya ang direktor na nakatrabaho niya sa mga pelikulang Moral (1982), Kung Ako’y Iiwan Mo (1992), at May Nagmamahal Sa ‘Yo (1996).

Hindi na nga lang direktor niya ang turing ni Lorna kay Direk Marilou, kundi isa na ring malapit na kaibigan.

Kaya’t ganun na lang din ang lungkot na nadarama niya sa pinagdadaanan ngayon nito.



STEM CELL TREATMENT. Pero si Lorna ba, kumusta naman ang kalusugan?

Hindi ba niya nakakalimutang magpatingin din?

"Oo, check-up nang check-up. Kailangan, alaga,” sagot naman ni Lorna.

Aniya, sumailalim nga raw siya sa stem cell treatment—ang kontrobersiyal na teknolohiya ng pagre-repair ng luma o damaged cells sa katawan ng tao.

Sa procedure na ginawa sa kanya, tinurukan si Lorna ng injection sa kanyang pigi nang siyam na beses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sa hiwalay na panayam ng aktres sa tabloid, galing daw sa embryo ng black mountain sheep ang itinurok sa kanya.

Dahil daw sa stem cell treatment kaya nananatiling maganda, mukhang bata, at makinis ang balat ni Lorna.

"Para ma-rejuvenate ang vital organs. Yung ating heart, kidneys, liver, stomach, intestines...” dagdag pa niya.

"Mahirap, kasi kahit anong gawin mong alaga, kung tatamaan ka...

“Kaya regular check-up din ang kailangan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN