Jericho Rosales on being friends with ex-girlfriend Heart Evangelista: "Siguro, not at this moment."

In a recent interview with Heart Evangelista, she admitted that ex-boyfriend Jericho Rosales was her "one true love." Asked to comment on this, Jericho said: “No comment na lang, I don’t wanna say anything.”


Marami ang nagulat sa pag-amin ni Heart Evangelista sa isang recent interview na ang dating kasintahang si Jericho Rosales ang kanyang "one true love."

Nagkahiwalay sina Heart at Echo dahil diumano sa pag-ayaw ng pamilya ng aktres sa aktor.

Sa ngayon, masaya at bukas ang relasyon ni Jericho sa Filipino-British model turned TV personality na si Kim Jones.

Si Heart naman ay nali-link kay Senator Chiz Escudero.

Sa panayam na PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Echo last Sunday, August 26, sa ASAP 2012, hiningan namin ng reaksyon ang aktor sa naging pahayag na ito ng dating girlfriend.

“No comment na lang, I don’t wanna say anything.”



UNETHICAL. Sa tanong ng PEP kung mayroon pa ba silang komunikasyon ni Heart, sabi ni Echo ay wala.

“No na, it’s not going to be nice. It’s unethical for me to answer that.

“I have a girlfriend na and I love her so much. I don’t wanna disrespect anyone.”



NO TO BEING FRIENDS FOR NOW. Si John Prats ay nagkumpirma kamakailan na nagkaayos na siya sa kanyang mga dating girlfriends na sina Heart at Shaina Magdayao.

Ganito rin daw ang gusto ni Echo, pero baka hindi pa ito ang tamang oras para maging magkaibigan sila ng ex-girlfriend.

“Being friends with my ex? I want to, ok lang sa akin, walang problema.

“With Heart? Siguro, not at this moment. Ok lang, relax lang ako. Alam mo naman ako, chill lang.”

Sa kabilang banda, bukas at very proud naman kay Kim si Echo.

“I’m happy, we’re happy. Actually, pareho lang kami, inaalagaan namin ang isa’t isa.

“Sinusuportahan namin yung career ng isa’t isa.

"Sa family namin, sa sports, sa lahat ng interes namin.”



COMMON INTERESTS. Ayon kay Echo, malaking tulong na nagkakapareho sila ng mga hilig at interes ni Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malaking bagay yun kasi pareho kaming busy. So, yung leisure time naming dalawa puwede naming pagsabayin.

“Isang paraan na rin yun para magkasama kami—nag-e-enjoy kami pareho, walang pilitan.

“Dagat, soccer, boxing... ’Nood tayo ng sine.’

"Jack of all trades talaga kami, it’s a spontaneous relationship.

“I guess its understanding each other. Give and take din ‘yan.”

Nabalita before na gusto rin daw subukan ni Kim ang pag-aartista, papayagan ba siya ni Echo?

“Kung gusto niya talaga. Ang pangarap niya, maging host, which is what she’s doing now with Etcetera and I Am Meg.

“I am very happy for her, she has two shows now.

"Kung magsu-showbiz siya, ok lang.

“Nag-aaral siya ngayon, nagwo-workshop siya para sa acting.

"Nag-aaral din siyang mag-Tagalog. She’s open to everything.”



NEXT TELESERYE. Ang huling teleserye ni Echo ay ang Dahil sa Pag-ibig kaya marami ang nag-aabang kung kailan siya muling mapapanood.

“Mayroon, under ABS-CBN din. Right now, I’m shooting for I Dare You and then yun na...

"Siguro pagdating ko galing Amerika.

“It’s under Sir Deo’s team," banggit ni Echo sa ABS-CBN Business Unit Head na si Deo Endrinal.

"May leading lady na ako. Somebody na di ko pa nakaka-partner.

“Misteryoso siya, may pagka-action,” pahaging na sambit niya.



INDIE MOVIE ON HUMAN TRAFFICKING. Masayang ibinalita ni Echo na katatapos lang ng shooting ng Alagwa, isang indie film na kanyang pinagbibidahan.

Proud na proud pati si Echo na kasama niya sa pelikula si Bugoy Cariño, na gumanap bilang anak niya.

“Ok siya. Katatapos lang. Si Gab ang nag-score ng movie. So, excited kaming lahat," banggit niya pa kay Gab Valenciano.

“Father ako ni Bugoy dito. Nakidnap siya. Hinanap ko.

"Unfortunately, biktima kami pareho ng human trafficking.

“It’s an advocacy film to create awareness pagdating sa human trafficking. It’s a very special project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malapit na siyang ipalabas this year, and the English title is Breakaway.

“Mahal na mahal ko ang batang yun," ani Echo tungkol kay Bugoy.

"’Pag nakikita ko siya dito sa ABS natutuwa ako. Ang galing niya.

"Kadalasan nga sa mga eksena, pinapalakpakan siya pagkatapos.

“Bilib ako sa kanya,” pagtatapos ni Echo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN