Katrina Halili is now ready to be a mom: “Hindi naman kinakailangan ng preparasyon yun."

Excited na raw magsilang ang aktres na si Katrina Halili sa baby nila ng singer na si Kris Lawrence. Sabi ni Katrina: “Siyempre po, kasi bagong challenge sa akin. Saka first time kong magkakaroon ng baby. Saka naiinggit po kasi ako sa iba na may mga baby. Kasi cute, di ba? Mahilig po ako sa mga babies. Tapos, gusto ko na rin kasi hirap na rin ako. Hirap na rin talaga ako."


Anumang araw ngayong linggong ito ay manganganak na ang Kapuso actress na si Katrina Halili sa anak nila ng boyfriend niyang si Kris Lawrence.

Babae ang isisilang na sanggol ni Katrina.

Noong nakaraang linggo ay dinalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Katrina sa bahay nito sa may Quezon City.

Noong araw na iyon ay may baby shower party na inihanda para sa kanya ang ilang malalapit niyang kaibigan sa loob at labas ng showbiz.

Mas maraming bisitang non-showbiz si Katrina, kabilang na ang make-up artist at fashion stylist niya. Pero naabutan ng PEP doon sina Ynna Asistio, Jay Aquitania, IC Mendoza, at ang manager ni Katrina na si Omar Sortijas.

Umaapaw ang pagkain sa loob ng bahay ni Katrina.

Sabi ng aktres, hindi na siya nagluto dahil nagdala na ng kung anu-anong pagkain ang mga kaibigan niya.


NORMAL DELIVERY. Dahil kabuwanan na niya ay malaki na ang tiyan ng aktres. Tumaba rin siya ng konti, pero mababanaag sa kanyang mukha ang kasiyahan.

Ano ang nararamdaman niya ngayong malapit na siyang manganak?

Sabi ni Katrina, “Kinakabahan rin, pero hindi ko pa masyadong iniisip. Siguro po pag nandoon na.

“Saka, nandito naman lahat ng family ko.

“Malapit lang naman yung hospital. So, anytime, madali lang akong maitatakbo pag ramdam ko nang manganganak na ako.”

Nakatakdang manganak si Katrina sa St. Luke’s Hospital sa E. Rodriguez Sr., Quezon City.

Gusto niya na normal delivery ang paraan ng panganganak niya.

“Noong una po, sinabi ko sa doctor ko na hindi ako magpapalagay ng pampamanhid [anaesthesia] habang nagle-labor ako.

“Pero nagbago isip ko. Sabi ko, pag sumigaw na ako at hindi ko na kaya, saksakan na nila ako.”


KATRENCE. Gaya ng nabanggit ni Kris Lawrence sa hiwalay na panayam ng PEP, “Katrence” ang pangalan ng magiging baby nila ni Katrina.

(CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero paglilinaw ng aktres, hindi “Kat-rence” ang pronunciation ng pangalan ng anak nila kundi “Kate-rence.”

“Tawag nga nina Mama, Kat-rence!” natatawang sabi ni Katrina.

“Katy” daw ang magiging palayaw ng kanilang baby.

Baby pink, light pink, at white naman ang motif ng nursery ng baby nina Katrina at Kris. Yun nga lang, hindi pa raw tapos ang pagpapaayos sa kuwarto.

Plano rin daw ni Katrina na hindi itabi sa pagtulog ang baby niya sa takot na baka masaktan niya ito.

Paliwanag ng aktres, “Kasi malikot akong matulog.

“Doon siya matutulog sa crib niya at nasa tabi lang niya ako.

“Ayokong subukan na itabi ko siya sa pagtulog ko, ayokong isugal.

“Minsan pa naman, magulo akong matulog. Minsan yung mga unan ko, nasa sahig na… ayoko!

“Pag laki-laki na.

“Hindi ko talaga maaasahan ang sarili ko pag tulog.”

Hindi siya kukuha ng yaya?

“Maghahanap po, pero hindi muna rush. Kasi mahirap mag-rush. Marami po namang tao dito [sa bahay], e.”



WATER BREAKING. Kapansin-pansin ang kakaibang aura ni Katrina ngayon.

Umayon naman ang aktres kasunod ng pagsasabing gusto na niyang manganak.

“Gusto ko na rin siyang lumabas.

“Mahingal… hinihingal na ako ngayon. Lalo na nung nandito siya,” sabay turo sa isang parte ng tiyan niya.

Wala raw pinipiling oras ang panganganak lalo na pag normal delivery.

“Kailangan mag-contract ka, tapos mag-water break.

“Kasi sabi, magku-contract muna, tapos bibilang ka.

“May bilang kasi yun, e. Pag nag-contract ka ng… after forty seconds, nag-contract ka uli, tapos yung susunod, ganun uli.

“Ayun, malapit na yun. Puwede ka nang tumawag sa doctor mo.

“Tapos, kung ang contraction is four hours yung pagitan, or five hours, hindi pa raw yun. False labor lang daw.

“Pag nagpapa-check ka po, itinuturo yun ng doctor. Sinasabi naman nila.

“Tapos, minsan pag emergency lang, bigla kang nag-water break, kailangang itakbo sa ospital agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi pag nag-water break ka, ibig sabihin, magle-labor ka.

“Pero mas magandang hindi ka mag-water break sa labas.

“Kailangan sa hospital ka mag-water break. Dapat nasa labor room ka na kasi water yung laman nung tiyan mo. Delikado raw kung sa labas ka nag-water break.

“Pero may mga hindi raw nakakaramdam ng contraction. Nagwa-water break na lang.

“Pero mararamdaman mo naman yun kasi tutulo yun.

“E, malapit naman yung hospital. So, dito na lang ako naglalagi.”


MOM-TO-BE. Excited na rin daw si Katrina sa haharaping buhay bilang isang ina.

“Siyempre po, kasi bagong challenge sa akin. Saka first time kong magkakaroon ng baby.

“Saka naiinggit po kasi ako sa iba na may mga baby. Kasi cute, di ba? Mahilig po ako sa mga babies.

“Tapos, gusto ko na rin kasi hirap na rin ako. Hirap na rin talaga ako.

“Ang hirap matulog nang… hindi na ako mapakali pag nakahiga.

“Minsan nga, gusto ko na lang ng remote na, ‘O, tulog.’ Pero hindi, e.”

Paano nabago ang buhay niya ng kanyang pagbubuntis at sa napipintong pag-aalaga ng bata?

“Masaya po, meron kang inaalagaan na iba.

“Kasi once na tanggapin mo yung baby, responsibility mo na yun kahit nasa tiyan mo pa lang, e.

“Hindi ka pwedeng madapa, hindi ka pwedeng madulas.

“Hindi pwedeng kung anu-ano lang ang kakainin mo. Siyempre puro mga masusustansiya, iinom ka ng vitamins, gatas… responsibility talaga.”

Hindi ba siya natakot nang malaman niyang buntis siya?

“Siguro ano… mga two days bago ko siya natanggap. Kasi hindi naman ako prepared, ‘no?

“After two days, go!

“Ibinigay sa akin, e, siguro next chapter ng buhay ko.

“Hindi naman lahat na okey, gusto ko.

“Lahat naman ng tao mag-iisip, ‘Teka, wait lang, mag-iisip muna ako.’”

Dagdag ni Katrina, “Ngayong nagma-mature na ako, naiisip ko na kailangan bata ka pa, gawin mo na yung kailangan mong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung paggawa ng family, diyan ka naman talaga pupunta, e.

“Pero yung gagawin mo para sa sarili mo, ‘eto na lang yun, konting taon na lang yun.”

Handang-handa na raw si Katrina sa panibagong role niya bilang nanay.

“Hindi naman kinakailangan ng preparasyon yun. Ganun talaga.

“Kusang mararamdaman na lang yun, mangyayari na lang yun.

“Kailangan talagang ganun para mag-mature ka.”

SHOWBIZ COMEBACK. Tiniyak din ni Katrina ang pagbabalik niya sa GMA-7 sa January 6, 2013.

“Pinapili nila ako kung kailan ako ready, e. So, January 6 ang napili namin ng manager ko,” sabi niya.

Mukha raw kakayanin ni Katrina ang magpapayat agad.

“Feeling ko naman, kaya ko, kasi hindi naman talaga ako tumaba nang husto.

“Yung pata [hita] ko, konti lang naman. Hindi naman ako sobrang lobo.

“Nandiyan na nga po yung machine, e,” sabay turo niya sa nakatakip pang workout machine na nakalagay sa lanai ng bahay niya.

Yung mga iba’t ibang workout and beauty machines ni Katrina ay nasa treatment room na ipinagawa niya. Ilang buwan na niyang hindi ito nagagamit dahil ipinagbawal ng kanyang doktor.

“Pag ilang weeks na siguro after kong manganak. Naka-ready naman yung mga yun anytime,” sabi niya.

Wala ba siyang balak magpa-pictorial nang nude habang buntis siya, gaya ng ginawa noon ng Hollywood actress na si Demi Moore para sa isang magazine?

“Dapat nga po. Akala ko kasi lalaki pa siya, pero hindi na pala,” sabi ni Katrina, na ang ibig niyang sabihin ay ang kanyang tiyan.

Pero dagdag niya, “Gusto ko rin, baka pwede pa.”

Mula ba nung lumaki ang tiyan niya ay hindi na siya lumabas ng bahay?

“Ay, hindi po. Lumalabas-labas rin naman po ako.

“Nagda-drive, naglalakad lang po dito sa treadmill. Nagmu-mall din po pag may bibilhin,” sagot niya.



ARRANGEMENT WITH KRIS. Ano ang magiging arrangement nila ni Kris pagkasilang ng baby nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala po. Magwu-work po ako, magwu-work din po siya para sa baby namin.”

Sa bahay na ba ni Katrina titira si Kris para mas makita nito nang madalas ang baby nila?

“Pumupunta-punta naman po siya dito, e,” sagot ni Katrina.

Wala raw sa isip ni Katrina ang makipag-live-in kay Kris kahit ngayong may aalagaan na silang baby.

“Puwede naman po siyang pumunta-punta dito, e, mga ganyan. Okey naman po na pumupunta po siya dito.

“Pero yung mag-aasawa na, hindi na muna. Mahirap.”


ANOTHER BABY SHOWER. Sa Biyernes, August 31, ay birthday ni Kris Lawrence. Ayon kay Katrina, balak daw ng singer na mag-organisa ng isa pang baby shower.

Kuwento ng aktres, “Gusto po niya ng baby shower. So, doon siya maghahanda sa bahay nila. Pupunta na lang po ako doon.

“Yung baby shower naman ay para sa mga friends niya, ganun na lang po yun.

“Kasi ayoko naman pong mag-invite. Ayokong nakakaubos ng oras nung mga tao, kaya close friends na lang.

“So, sa binyag na lang silang invited.

“Kasi po, di ba, yung iba, sa baby shower lang pupunta, tapos yung iba sa binyag lang.

“So, sabi ko, ‘Sige, sa binyag na lang kayo lahat pumunta para, at least, makita na rin nila yung baby.’”

Meron na bang naiisip si Katrina na kuning ninong at ninang para sa baby nila ni Kris?

“Opo, kinausap ko na si Jennylyn [Mercado], si Cristine Reyes, si Marian [Rivera], Paolo Contis… Si Mark Herras, hindi ko pa ata nasasabi sa kanya.”

Paano niya sinabihan si Marian?

“Sa last taping namin... teka, sa text ko na lang yata siya sinabihan,” sabi ni Katrina.


DOUBLE CELEBRATION. Magiging doble na raw ang okasyon sa January dahil maliban sa binyag ng anak nila ni Kris, birthday celebration na rin daw iyon ni Katrina.

Magtu-27 years old na si Katrina sa January 4, 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Papayagan ba ni Katrina ang anak kung sakaling gusto nitong mag-artista?

“Bakit hindi? Para siya naman ang mag-work!” natatawang biro niya.

Tiyak naman ang pagdating ng pamilya ni Kris galing ng Amerika para sa binyag ng anak nila ni Katrina.

Kuwento ng StarStruck alumna, “Darating sila sa January, kasi busy rin sila.

“Yung kapatid niya, buntis rin, e, kaya inaalalayan ng mommy niya.

“Five months ngayon yung kapatid niya. I think sa December yun manganganak.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN