Eugene Domingo on love scene with Ogie Alcasid in I Do Bidoo Bidoo: “Ito yata, kailangang magpaliwanag na ako sa mga magulang ko!"

Eugene Domingo on daring scenes in recent projects: “Ako’y takang-taka bakit ba ako binibigyan ng ganito. Ano bang klaseng pangitain ito? Ano ba? Bakit ba? Siguro dahil safe ako, e, wala talaga akong kamali-malisya. Duty lang talaga, tawag lang talaga ng sining, ika nga."


Very busy si Eugene Domingo dahil sunud-sunod at halos sabay-sabay ang mga proyekto niya.

Ipalalabas na bukas, Agosto 29, ang pelikula niya with Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Sam Concepcion at Tippy Dos Santos—ang I Do Bidoo Bidoo sa ilalim ng Unitel Productions at Studio 5.

Ongoing na rin ang pagpapalabas ng play niya sa PETA with Edgar Allan Guzman, ang Bona.

Pero kapansin-pansing nalilinya si Uge ngayon sa mga proyektong meron siyang kissing scene at love scene.

Isa sa highlights ng I Do Bidoo Bidoo ay ang love scene nila ni Ogie bilang mag-asawa.

Sa Bona naman ay may matindi siyang kissing scene sa mas batang aktor na si Edgar Allan.

Kaya naman nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Uge ay tinanong namin kung nababahala ba siya dahil nalilinya siya sa mga mapangahas na eksena.

Natatawa namang sagot ng magaling na aktres, “Hindi ako nababahala.

“Ako’y takang-taka bakit ba ako binibigyan ng ganito. Ano bang klaseng pangitain ito? Ano ba? Bakit ba?

“Siguro dahil safe ako, e, wala talaga akong kamali-malisya.

“Duty lang talaga, tawag lang talaga ng sining, ika nga.

“At saka naniniwala ako pag ganun, kailangan.

“Hindi mo ginawa lang yun dahil parang may kung anuman, di ba?”


MOST DARING SCENE IN HER CAREER. Maituturing nga ni Uge na pinakamapangahas at pinakamatapang na eksenang ginawa niya sa buong career niya ang love scene nila ni Ogie sa I Do Bidoo Bidoo.

“Noong napanood ko nga noong dubbing, sabi ko, ‘Dyusko, kaya ko ba ito [mapanood] sa malaking screen?’

“Doon pa lang sa maliit na screen, parang gusto ko munang mag-tatlong brandy! Sa totoo lang, e.

“Ito yata, kailangang magpaliwanag na ako sa mga magulang ko!

“It’s either magpaliwanag o lakihan ko yung sustento, ganun. Basta kailangan makalma sila.

“‘Ano nangyari? Anak, bakit umabot ka sa ganyan? Ano ba, kapos na kapos na ba?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero natutuwa naman ako dahil naiintindihan niyo na bilang mag-asawa, natural siya, di ba?”

Pero paano niya kinundisyon ang sarili noong kunan ang eksenang ito?

“Alam mo, ang istorya doon, ano na yun, cut-off ko na yun.

“Sabi ko, ‘Itutuloy pa ba ito? Pwede ba next time na lang ito?’

“E, kaso, last day na namin sa bahay na yun. ‘O, sige na!’

“Anong oras yun, ha, alas-tres na ng madaling-araw—hubad pa kami nang hubad!

“Tapos yung mga cameraman, nung una parang hagikhik lang, wala na. Nung sumunod, pag cut, tawanan na!

“Ako, lakad lang nang lakad, si Ogie pa ang nagta-towel!

“Kasi nagsisimula talaga iyan sa naniniwala kami sa ginagawa namin kaya buong puso naming ibinibigay ang lahat.

“Pero ni wala nga kaming kissing scene, di ba? Nagdikit lang ang mga balat, di ba?”

REGINE’S REACTION. Hangang-hanga nga si Uge kay Ogie dahil napaka-professional din daw nito katrabaho. Nag-enjoy raw siyang maging asawa nito sa pelikula.

Sabi ng aktres, “Sabi ko nga, if I will be given a chance to choose who will play my husband in the future—kunwari magkaroon ako ng sitcom, ganyan—I hope it’s Ogie.

“Favorite husband ko siya sa comedy.”

Inihanda na ba niya ang sarili sa magiging reaksiyon ng asawa ni Ogie sa totoong buhay, si Regine Velasquez, kapag napanood nito ang love scene?

“Oo, kasi nga, bago nga kami nag-shooting nung gabi, dumalaw siya sa set, nasabunutan na ako, e!

“Hindi, joke lang.

“Magkakaibigan naman kami, ganun lang yun.

“All the time na nagsu-shooting kami, wala akong ibang inisip kundi si Regine Velasquez.

“Gusto ko talaga pag napanood ni Regine Velasquez ito, mahulog siya sa upuan niya!” biro ni Uge.


HOPING FOR ANOTHER BLOCKBUSTER HIT. Umaasa si Uge na maging big hit din ang I Do Bidoo Bidoo.

Sana raw ay mahigitan pa nito ang kinita ng recent blockbuster movie niya under Star Cinema, ang Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I really hope so, gusto ko talaga.

“Kasi kanyo nga, marami sa inyo ang nagsasabi na isa ito sa magandang pelikulang napanood niyo ngayong taon na ito.

“At gusto ko talaga bumalik nang doble, triple, kay Mr. Tony Gloria, sa mga producer—ang Unitel Productions at Studio 5.

“Kasi all-out sila, nararamdaman niyo rin naman yun, di ba?

“Para makapag-produce pa tayo ng maraming-marami pang pelikulang maganda.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN