Bea Alonzo says longtime screen partner John Lloyd Cruz is "one of the greatest gifts" from God

Bea Alonzo on playing a mistress: “Na-challenge ako na hindi pa ako nakakagawa ng ganitong istorya...Pero sina Inang [Olivia Lamasan] na ang nagsabi...’At some point in your career, magkakaroon ka talaga ng hunger, magkakaroon ka ng thirst for the next level.’ Para sa akin, isa siyang milestone sa career ko."


Sa tuwing nagkakaroon ng presscon para sa balik-tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ay lagi silang natatanong kung bakit hindi sila nagkaroon ng relasyon sa totoong buhay, gayong umabot na ng sampung taon ang kanilang loveteam.

Muli nga itong naitanong sa presscon ng reunion movie nila sa Star Cinema, ang The Mistress, na ginanap noong Linggo, Agosto 26, sa Cravings restaurant sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Paliwanag ni Bea, “Parang totoo yata yung sinasabi nila na lahat ng bagay, may rason.

“Pagka nandun ka sa pagkakataon na yun, hindi mo pa maintindihan kung anong rason—bakit nga ba?

“Ngayon, naiintindihan ko na.

“Para sa akin, one of the greatest gifts na ibinigay sa akin ni Lord, na binigyan ako ng isang John Lloyd Cruz sa buhay ko—na lagi kong makakatrabaho.

“Alam mo yun, kasabay kong natututo, parang sabay kayong umaakyat sa bawat step ng buhay ninyo.”

Ano bang meron sa kanilang dalawa ni Lloydie kaya hindi nawawala ang chemistry at mystery sa kanilang tambalan?

“Hindi ko rin po alam, actually.

“Baka yun na nga po yung tinatawag na blessing, na hindi mo talaga maintindihan na meron talaga kayong chemistry.

"Hindi mo siya mapipilit, e.

“Pero siguro, kagaya ng sinasabi ng lahat ng tao, baka nakakatulong din yung pagiging kumportable namin sa isa’t isa at nakakatulong din yung sense of familiarity namin sa isa’t isa.

“I am very familiar with John Lloyd, and yet, hindi ko rin siya kilalang-kilala, na parang laging merong something to discover about him—and it helps.

“Kasi parang minsan, medyo nahihiya pa rin ako sa kanya, minsan sobra ko namang kumportable.

“Parang may ganun na hindi mo maipaliwanag,” saad ng Kapamilya actress.

Pero may pagkakataon bang na-attract sila sa isa’t isa?

“Dyusko naman, lahat ng babae napapaibig ni John Lloyd!” ang maikli pero makahulugang sagot ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NO COURTING. Pagkatapos ng presscon proper ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na makausap sina Bea at John Lloyd.

Dahil nga sa pag-amin nila na na-attract naman sila sa isa’t isa dati, hindi ba talaga sila dumating sa punto ng ligawan man lang?

Sagot ng 24-year-old actress, “Hindi, walang ganun, hindi umabot sa ligawan.

“Siyempre, noon mga bata pa kami, hindi nga namin ma-define kung ano yung nararamdaman namin.

“So, the mere fact na hindi siya hinayaang mangyari kung anuman yung pangyayari na iyon, ibig sabihin…

“Di ba, mas maganda nga yung how it turned out, na hindi pinilit?

“So, yun, baka hindi kinailangang mangyari kaya umabot kami sa sampung taon.”

Kahit ang magkakaibigan ay nagkakaroon din ng selosan. Pero hindi naman daw sila umabot sa punto na may pinagselosan sila sa isa’t isa.

Ang natatandaan daw nila ay pagkakaroon nila ng pikunan lalo na pag nagbibiruan sila.

Kuwento ni Bea, “Dati nga may issue sa amin na pikon nga noon.

“Lalo na nung mas bata ako, hindi ko kasi ma-gets yung mga jokes niya, di ba? Lagi niya akong ipinapahiya tungkol sa weight ko.

“Siyempre noon, napipikon pa ako. Pero ganun lang siya.”

Speaking of selosan, hindi ba nagseselos ang boyfriend ni Bea na si Zanjoe Marudo sa kissing at love scenes nila ni John Lloyd?

“Wala namang ganun, walang selosan.

“Alam naman niya na trabaho lang lahat. Bilang artista din, alam naman niya yun,” sagot ng aktres.



BIG CHALLENGE. Sa lahat ng mga pelikulang nagawa nina John Lloyd at Bea, ang The Mistress daw ang pinaka-daring at kontrobersiyal pa ang tema.

Dahil gumaganap na isang kabit dito si Bea, natanong ang Star Magic prime talent kung paano siya napapayag na tanggapin ang role na ito.

Sagot niya kay direktor Olivia Lamasan, na tinatawag niyang Inang, “Nung tinanong ako, sabi ko, ‘Inang, natatakot ako pero gusto kong gawin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi parang na-challenge ako na hindi pa ako nakakagawa ng ganitong istorya.

“Hindi ko nga alam kung paano ito ide-define before, pero sina Inang na ang nagsabi na, parang, ’At some point in your career, magkakaroon ka talaga ng hunger, magkakaroon ka ng thirst for the next level.’

“Para sa akin, isa siyang milestone sa career ko.

“Hindi ako nag-e-expect ng kahit ano, pero para mabuo namin yung ganitong klaseng pelikula, yung ganitong klaseng istorya, yung ganitong klaseng materyal, napakalaking bagay na sa akin.

“Ito yung something na hindi ko talaga makakalimutan sa buong buhay ko—that’s why I accepted it right away.

“Ano pa ba yung perfect venue para ma-explore mo yung next level? Siyempre, makatrabaho mo yung isang Olivia Lamasan.

“That time, hindi ko pa alam na si John Lloyd yung makakatrabaho ko.

"Tapos nung nalaman ko na si John Lloyd ang makakatrabaho ko, talagang ‘Wow!’

“Napaka-blessed ko na na-offer sa akin ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN