Gladys Guevarra quashes rumor she’s financially unstable; explains why she sold her restaurant shares to business partner

Kung bakit ibinenta ni Gladys Guevarra ang kanyang share sa restaurant nila sa kanyang business partner: "Hindi naman binenta ko lang yan, pinera ko lang yan. Nakatabi yung pera. So, nagpaplano ako na siguro darating yung panahon na ako, matutukan ko."


Kasama si Gladys Guevarra sa naging pocket presscon para sa Manny Many Prizes noong Biyernes, August 24, sa Studio 7 ng GMA-7 Network.

Isa sa co-hosts ng boxer-politician na si Manny "Pacman" Pacquiao ang komedyante sa nasabing game and variety program.

Kuwento ng comedienne sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), siya raw ay hand-picked ni Manny para maging co-host sa show.

Kasama rin kasi si Gladys sa dating sitcom ng Saranggani Province congressman na Show Me Da Manny mula 2009 hanggang 2011 kaya naging magkaibigan na sila.

"Sobrang lucky. Alam nating lahat, di ba, worldwide superstar siya? Manny Pacquiao na ’yan! World champ.

“Sabi nga ng uncle ko sa Amerika, ’You’re lucky,’ sabi niya.

"Kasi si Harry Potter pala really wants to meet Manny Pacquiao."

Ang star ng Harry Potter films na si Daniel Radcliffe ang tinutukoy ni Gladys.

"Ako raw, nakadikit pa.

"That time, fan na fan pa lang ako. Yun lang na ma-recall niya yung name ko, malaking bagay yun.

“Pero, ako pa personally, hand-picked niyang isa sa maging co-host.

"Big big blessing yun for me," paliwanag niya.



FINANCIALLY STABLE? Sa maikling panayam ng PEP ay may ipinakiusap si Gladys na nais niyang ipaliwanag.

May mga lumabas kasing balita na naghihirap na raw siya dahil ibinenta niya ang kanyang shares sa Lugawan Republic sa kasosyo niya sa restaurant.

Ayon kay Gladys, 50/50 ang hatian nila ng kanyang business partner dito.

Inamin naman ni Gladys na totoong ibinenta na niya ang kanyang share sa kasosyo. Dito nag-ugat ang isyu.

Paliwanag ng komedyana, ibinenta niya ang shares dahil hindi na niya ito maasikaso at hindi dahil sa kailangan niya ng pera.

Saad niya, "’Binenta ko yung share ko sa Lugawan Republic, bilang tumagal din siya ng anim na taon, pitong taon.

“Suwerte lang namin dun. Nung nabili namin yun, tumatakbo na yung negosyo.

"Ngayon, kahit sa partner ko, sinabi ko na, ’Nahihiya na ako sa iyo, kasi hindi ako makatutok, hindi naman ako hands-on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’May mga maliliit at malalaking bagay na hindi ako nakakapagdesisyon bilang partner mo,’" sabi pa raw niya sa kapartner.

Ayon pa kay Gladys, nararamdaman niya raw kasing pabigat na siya sa nasabing negosyo.

"Though sabi naman niya, ‘Wala naman kasing problema, tumagal nga tayo ng ilang taon nang hindi ka nakatutok.’

“Pero bilang ako, yung sa akin ba, hindi na ako nakakatulong, e.

"Minsan, maliliit na bagay, malalaking desisyon, ite-text nila, tapos ang sagot ko, text din.

"Di ba parang nakakahiya yun bilang fair naman yung hatian namin?

“So, sabi ko naman sa kanya, iano na lang namin.

"Maayos naman na naging partner siya," ayon pa kay Gladys.

Pagpapatotoo pa niya, bakit daw siya maghihirap e marami siyang out-of-town shows at co-host din siya sa Manny Many Prizes?

Aniya, "Di ko nga alam, e. Kasi yun yung term.

"Bakit ko raw ibebenta e hindi ko kailangang-kailangan ng pera?

“E, bakit ako maghihirap e ang dami kong trabaho sa GMA?

"’Tapos kararating lang namin, galing ako ng biyahe."



PLANS TO PUT UP OWN BUSINESS. Itinabi raw ni Gladys ang pera para makapagtayo ng sarili niyang restaurant kung may panahon na siya.

Pangarap niya raw kasi talaga ito.

"Iniisip ko rin ’yan. Siyempre naglulutu-luto ako. Hindi naman binenta ko lang yan, pinera ko lang yan.

“Nakatabi yung pera. So, nagpaplano ako na, siguro, darating yung panahon na ako, matutukan ko," pagtukoy ni Gladys sa negosyong pinaplanong pasukin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN