Tween star Barbie Forteza wishes to do project with crush Dennis Trillo; says she’s not ready for a kissing scene

Barbie Forteza allays apprehension of JoshBie fans about Derrick Monasterio being a threat to the Joshua Dionisio-Barbie Forteza tandem. She says: “Actually, kahit ilang beses ko naman pong sabihin sa JoshBie na talagang trabaho lang talaga, e… yung iba, hindi talaga naiintindihan iyon.”


Isa si Barbie Forteza sa mga nai-launch na "TIMEbassadors" ng UniSilver Time na naganap sa Annabel’s Quezon City, nung Linggo, August 26.

Kasama niya bilang endorsers ng wristwatch line ng accessories brand si Enzo Pineda at iba pang Kapuso tween stars na sina Julie Ann San Jose, Bea Binene, Joshua Dioniso, at Derrick Monasterio.

Bilang isang TIMEbassador, ang nais daw mapaalala ni Barbie sa lahat ay ang kahalagahan ng oras at ng pagiging punctual.

“Pagdating nga sa trabaho, gusto ko on time ako lagi sa set,” aniya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Ayoko nung nagpapahintay ako sa mga katrabaho ko.”

Maraming beses na raw siyang nakaranas na pinaghintay ng ibang kasamahang artista.

Pero cool lang daw siya sa mga gano’ng pagkakataon.

“Hindi ako naiirita o nagta-tantrums kapag ganoon. Itinutulog ko na lang!” sabay bungisngis ng Kapuso young actress.

“Kesa mainis ako, itutulog ko na lang. Sayang pa yung time.”



BLOOMING AND READY FOR LOVE? Marami ang nakakapansin, parang nagbubu-bloom na si Barbie nang husto ngayon.

Hindi na raw "nene" ang kanyang hitsura, kundi dalaga na.

Dahil kaya may time na siya para sa lovelife ngayon?

“Wow!” nangiting reaksiyon ni Barbie. “Actually…wala.

“Wala nga akong time matulog nang sapat, e!” sabay tawa niya. “Tuluy-tuloy ang trabaho, e.

“I’m only 15 pa lang naman. So… bata pa ako para sa mga ganyang bagay.”



CLOSENESS WITH DERRICK. Usap-usapan din ngayon ang pagiging sobrang close daw nila ni Derrick.

Meron bang namumuong espesyal sa kanila bukod sa pagkakaibigan?

“Kasi nga po, araw-araw halos magkasama kami. Kasi, gawa nung Luna Blanca na taping.

“Actually, lahat kami nina Bea at Kristofer, close talaga.

"Na kapag nagsama-sama kaming apat, ang ingay-ingay namin."

So, walang special na nabubuo sa likod ng closeness nila ni Derrick?

“Wala naman po," tanggi ni Barbie.

"At kung sakaling meron man, PR lang po lahat yan!” biro pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ALARMED JOSHBIE. Marami ang nagsasabi, maganda ang chemistry nila ni Derrick at bagay sila bilang loveteam.

Ang fans tuloy ng tambalang Barbie at Joshua ay naaalarma na baka maging kaagaw si Derrick ni Joshua sa pagiging ka-loveteam ni Barbie.

“Actually, kahit ilang beses ko naman pong sabihin sa JoshBie na talagang trabaho lang talaga, e…

“Yung iba, hindi talaga naiintindihan iyon.

“Kaya ngayon… hayaan na lang natin. Kasi, kahit anong sabihin ko, hindi nila maiintindihan.

“Pero abangan nila kasi… mamaya, pasabog na ulit ang JoshBie.

"After Luna Blanca, may project na kami ulit ang magkasama.”



DERRICK VS. JOSHUA. Kanino ba siya mas kumportable makipagtrabaho, kay Joshua ba o kay Derrick?

“A… magkaiba kasi sila, e.

"Kasi si Derrick, siya yung kapag kasama ko, napapaingay niya ako.

“Kahit ayokong dumaldal, napapadaldal ako dahil sa kanya.

“Kami naman ni Joshua, since matagal na kaming nagkakasama as loveteam, so, iba na rin po yung closeness namin.

“Kaya talagang magkaiba rin po silang dalawa.”



LOVE AS DISTRACTION. Sa trabaho talaga gustong mag-focus muna ni Barbie, at isinasantabi niya ang magkaroon ng puppy love o someone special bilang inspirasyon.

“Yung lovelife kasi, nakaka-distract.

“Well, minsan nakaka-inspire nga. Pero madalas… nakaka-distract!” sabay tawa niya.

Pero imposible na wala siyang crush?

“Opo naman. Inaamin ko naman, may crush naman po ako.”

Sino?

“Si… Dennis Trillo po!” sabay bungisngis ni Barbie.

“Napanood ko po kasi siya sa Adik sa ‘Yo. Doon ko po siya nasimulang magustuhan.

“Hanggang sa… ngayon nakakatuwa, kasi parang… nagkakasalubong na lang kami sa GMA.

“Alam mo yun? Naging normal na lang sa buhay ko na nakikita ko siya madalas.”



DREAM PROJECT. Paano kaya kung biglang maging kapareha niya sa isang project si Dennis?

“Wow!” tila kinilig si Barbie.

“Sobrang magiging thankful po ako sa GMA!” tawa na naman niya. “As in… todo!”

Maii-starstruck ba siya kapag nakaeksena si Dennis?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo naman! Lahat-lahat na!”

If ever, anong klaseng project ang gusto niyang pagsamahan nila ni Dennis?

“Ahh… action,” sagot ng tinaguriang "Tween Queen" ng GMA-7.

E, kung may kissing scene sila, ok sa kanya?

“Ayyyy!” napatili si Barbie.

“Wait lang! I’m not yet ready!” tawa na naman ni Barbie.

Kagaya ba ni Dennis ang tipo niyang lalaki?

“Sa hitsura lang po. At saka mabait naman siya, e. And… crush ko lang po talaga siya.”



BARBIE’S ALBUM? Yung ibang Kapuso youngstars, sumasabak na sa recording, gaya ni Bea Binene.

May album na ngang pinu-promote ito ngayon.

E, si Barbie rin kaya?

“Abangan!” napabungisngis ulit si Barbie.

“Actually, abangan niyo na lang.

“Tutula ako na may tonong konti!” pahabol na biro pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN