John Lloyd Cruz admits to having once been in a love triangle

John Lloyd Cruz admits to having once been in a love triangle" data-url="https://www.pep.ph/news/35459/john-lloyd-cruz-admits-to-having-once-been-in-a-love-triangle" data-desc="Walang kurap-matang inamin ni John Lloyd Cruz na na-attract siya kay Bea Alonzo: “Imposible naman para sa akin na at one point hindi ako nabighani ni" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/cb8fa2821.jpg"> John Lloyd Cruz admits to having once been in a love triangle" data-url="https://www.pep.ph/news/35459/john-lloyd-cruz-admits-to-having-once-been-in-a-love-triangle" data-desc="Walang kurap-matang inamin ni John Lloyd Cruz na na-attract siya kay Bea Alonzo: “Imposible naman para sa akin na at one point hindi ako nabighani ni" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/cb8fa2821.jpg"> John Lloyd Cruz admits to having once been in a love triangle" data-url="https://www.pep.ph/news/35459/john-lloyd-cruz-admits-to-having-once-been-in-a-love-triangle" data-desc="Walang kurap-matang inamin ni John Lloyd Cruz na na-attract siya kay Bea Alonzo: “Imposible naman para sa akin na at one point hindi ako nabighani ni" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/cb8fa2821.jpg">

John Lloyd Cruz admits to having once been in a love triangle" data-url="https://www.pep.ph/news/35459/john-lloyd-cruz-admits-to-having-once-been-in-a-love-triangle" data-desc="Walang kurap-matang inamin ni John Lloyd Cruz na na-attract siya kay Bea Alonzo: “Imposible naman para sa akin na at one point hindi ako nabighani ni" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/cb8fa2821.jpg"> John Lloyd Cruz admits to having once been in a love triangle" data-url="https://www.pep.ph/news/35459/john-lloyd-cruz-admits-to-having-once-been-in-a-love-triangle" data-desc="Walang kurap-matang inamin ni John Lloyd Cruz na na-attract siya kay Bea Alonzo: “Imposible naman para sa akin na at one point hindi ako nabighani ni" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/cb8fa2821.jpg"> John Lloyd Cruz admits to having once been in a love triangle" data-url="https://www.pep.ph/news/35459/john-lloyd-cruz-admits-to-having-once-been-in-a-love-triangle" data-desc="Walang kurap-matang inamin ni John Lloyd Cruz na na-attract siya kay Bea Alonzo: “Imposible naman para sa akin na at one point hindi ako nabighani ni" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/cb8fa2821.jpg"> John Lloyd Cruz admits to having once been in a love triangle" data-url="https://www.pep.ph/news/35459/john-lloyd-cruz-admits-to-having-once-been-in-a-love-triangle" data-desc="Walang kurap-matang inamin ni John Lloyd Cruz na na-attract siya kay Bea Alonzo: “Imposible naman para sa akin na at one point hindi ako nabighani ni" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/cb8fa2821.jpg">

Sa punto kung bakit nagtatagal sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa industriya, may paliwanag si John Lloyd: “Mula noon, we offered nothing but sincerity. Hindi namin dinis-illusion yung aming mga fans. Hindi namin dinis-illusion yung mga sumusuporta sa amin. Na parang kunwari, magliligawan kami, kunwari, parang kami, para sundan kami.”


Usaping love triangle ang tema ng The Mistress, ang bagong pelikulang pinagbibidahan ng tambalang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.

Reunion movie nina John at Bea sa Star Cinema ang The Mistress, pagkatapos ng Miss You Like Crazy na ipinalabas pa noong 2010.

Sa kuwento, isang lalaking kayang kunin ang lahat ng gusto niya ang ginagampan dito ni John Lloyd.

Ngunit nakaramdam siya ng totoong pag-ibig kay Bea, na sa kasamaang-palad ay karelasyon na ng mas nakatatandang si Ronaldo Valdez.

Sa kalaunan, pumayag si John Lloyd na makihati kay Ronaldo sa pag-ibig ni Bea.

Isang mayamang businessman dito si Ronaldo na kasal kay Hilda Koronel.

Taliwas sa imahe ni John Lloyd, na parang halos lahat ng babae ay kaya niyang mapaibig, ang ginampanan ng mahusay na aktor sa The Mistress.

Hindi iisiping papayag ang isang John Lloyd sa isang sitwasyon na magmamahal ito habang may kahati pang iba.

Sa presscon nitong nakaraang Linggo, August 26, para sa The Mistress sa Cravings Restaurant sa Katipunan, QC, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John Lloyd.


SIMILAR SITUATION. Inamin dito ni John Lloyd na minsa’y nasangkot na rin siya sa sitwasyong halos kaparehong trianggulo ng pag-ibig.

Pag-amin niya, “Ako, at one point in my life—yes.”

“Parang pumayag ako na, ‘Sige, kahit number two, okey na ako doon,’ etcetera.”

“I thought medyo… I was so much younger then. Siguro, I was twenty or in my early twenties, ‘no?...nung nangyari yun.

“So, talagang, parang hindi ko rin alam. Parang the feeling was too strong—hindi ko ma-contain…and wala.

“Siya [lovelife] yung nag-take over. Wala, e… pumayag na ako.

“Nabigkas ko na yung salitang, ‘Okey lang, kung kelan ka na lang na may time.’

“Okey na ako doon… So, oo,” kuwento niya sa naging experience.

Gaano kahirap ba yung sitwasyon?

“Mahirap,” pag-amin niya. “Kasi nawawala yung… hindi naman sa immoral siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero parang dini-dare ka niya to be someone you’re not?

“Kasi yun nga, parang masyadong malakas yung nararamdaman mo for that person.

“It’s quite a struggle, definitely. Kasi alam mo na mali, e—mali talaga, e.”

Dugtong pa niya, “Pero lagi ko ngang sinasabi na, ‘You can’t argue with love.’ So, yun.

“But I found out later on na I was only infatuated! I was really infatuated,” natawa niyang pag-aalala sa karanasan.


BREAKUP. Yun ba ang turning point ni John Lloyd para kumalas sa relasyon?

“Oo,” mabilis niyang sagot. “And I realized na rin na she deserves better.

“She did not deserve to be in that kind of situation.

“So, in a way, naging instrumental ako na kaya siya nalalagay sa ganong sitwasyon dahil hindi ko siya ’nilalagay sa tama.”


AUDIENCE APPEAL. Pagdating naman sa kanilang dalawa ni Bea bilang screen-partners, may kakaibang panghatak daw ang kanyang leading lady sa tuwing gagawa sila ng pelikula.

At mayroon siyang mga hindi ginagawa na ginagawa lang niya kapag kasama niya si Bea.

Ano ang ibig sabihin ni John Lloyd dito?

“Ahmm, ganito lang ‘yan—there are scenes na I can only do with Bea as my partner.

“And as much as there are scenes I can only do with Sarah [Geronimo] or Toni [Gonzaga], parang may kanya-kanya silang mode.

“But lately, sa mga projects na meron ako, like A Beautiful Affair and itong The Mistress, yun ang mga hinihingi ng mga scripts na ito.

“Feeling ko, si Bea yung tama para sa mga hinihingi ng mga eksenang ito.

“Nagpapasalamat ako na siya yung kasama ko. Hindi niya na ipinagkakait na…

“There are scenes na talagang magagawa ko lang, na kung paano ko siya napi-picture gawin kapag siya yung kasama ko.”


UNEXPLAINABLE CHEMISTRY. Matagal nang katanungan kina John Lloyd at Bea kung kahit minsan ay na-in love sila sa isa’t isa sa ganda at husay ng kanilang onscreen chemistry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ninyo, yun ang pinakamagandang blessing na naibigay sa amin ni Lord…

“At ng pagkakataon na hindi namin grinab [grab] o hinaluan ng personal yung isang bagay na puwedeng mag-last at maging napaka-special,” sagot ng aktor.

“Hindi lang para sa amin kundi para sa mga sumuporta at sumusuporta sa amin hanggang ngayon.

“Kasi alam naman natin na kapag may halong personal, madalas nagkaka-problema.

“Ahmm... more often than not, ang nangyayari, nabubuwag yung tandem.

“So, kami natutuwa at talagang… Ako, personally talagang masayang-masaya dahil hanggang ngayon, kaya pa naming gumawa… We’re very much able to do a movie—sell a movie.

“Now, very soon we’ll be back with a beautiful teleserye.

“Kumbaga po, siguro kung meron mang nagbago na kahit maliit na… kahit konti sa nakaraan namin ni Bea…

“Baka hindi kami nakaharap sa inyo na magkasama ngayon…Yun po.”


SINCERITY. Ano ba meron sa team-up chemistry nila at nanatiling matatag ang estado ng kanilang career hanggang ngayon?

“Alam ninyo, siguro isang dahilan kung bakit tumagal kami nang ganito ay, para sa akin, yung sincerity na ino-offer namin magmula noong kami’y magsimula sa Kaytagal Kang Hinintay.

“Tapos nasundan, nagka-pelikula kami.

“Mula noon, we offered nothing but sincerity. Hindi namin dinis-illusion yung aming mga fans.

“Hindi namin dinis-illusion yung mga sumusuporta sa amin.

"Na parang kunwari, magliligawan kami, kunwari, parang kami, para sundan kami.

“Magmula noon… dumating kami sa puntong nag-away kami, hindi kami nagpapansinan… Totoo, yun talaga ang nangyayari sa amin.

“Siguro, malaking factor sa itinagal ng tandem namin yung sincerity na ibinibigay namin sa audience.”

May mga panahon, pagkakataon, o oras bang na-attract sila sa isa’t-isa?

“Alam ninyo, imposible namang… Diyos ko naman po!

“That’s an old play na… I mean, tingnan naman po ninyo si Bea.

“Imposible naman para sa akin na, at one point, hindi ako nabighani ni Bea.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

John Lloyd Cruz admits to having once been in a love triangle" data-url="https://www.pep.ph/news/35459/john-lloyd-cruz-admits-to-having-once-been-in-a-love-triangle" data-desc="Walang kurap-matang inamin ni John Lloyd Cruz na na-attract siya kay Bea Alonzo: “Imposible naman para sa akin na at one point hindi ako nabighani ni" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/cb8fa2821.jpg"> John Lloyd Cruz admits to having once been in a love triangle" data-url="https://www.pep.ph/news/35459/john-lloyd-cruz-admits-to-having-once-been-in-a-love-triangle" data-desc="Walang kurap-matang inamin ni John Lloyd Cruz na na-attract siya kay Bea Alonzo: “Imposible naman para sa akin na at one point hindi ako nabighani ni" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/cb8fa2821.jpg"> John Lloyd Cruz admits to having once been in a love triangle" data-url="https://www.pep.ph/news/35459/john-lloyd-cruz-admits-to-having-once-been-in-a-love-triangle" data-desc="Walang kurap-matang inamin ni John Lloyd Cruz na na-attract siya kay Bea Alonzo: “Imposible naman para sa akin na at one point hindi ako nabighani ni" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/cb8fa2821.jpg">


John Lloyd Cruz admits to having once been in a love triangle" data-url="https://www.pep.ph/news/35459/john-lloyd-cruz-admits-to-having-once-been-in-a-love-triangle" data-desc="Walang kurap-matang inamin ni John Lloyd Cruz na na-attract siya kay Bea Alonzo: “Imposible naman para sa akin na at one point hindi ako nabighani ni" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/cb8fa2821.jpg"> John Lloyd Cruz admits to having once been in a love triangle" data-url="https://www.pep.ph/news/35459/john-lloyd-cruz-admits-to-having-once-been-in-a-love-triangle" data-desc="Walang kurap-matang inamin ni John Lloyd Cruz na na-attract siya kay Bea Alonzo: “Imposible naman para sa akin na at one point hindi ako nabighani ni" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/cb8fa2821.jpg"> John Lloyd Cruz admits to having once been in a love triangle" data-url="https://www.pep.ph/news/35459/john-lloyd-cruz-admits-to-having-once-been-in-a-love-triangle" data-desc="Walang kurap-matang inamin ni John Lloyd Cruz na na-attract siya kay Bea Alonzo: “Imposible naman para sa akin na at one point hindi ako nabighani ni" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/cb8fa2821.jpg"> John Lloyd Cruz admits to having once been in a love triangle" data-url="https://www.pep.ph/news/35459/john-lloyd-cruz-admits-to-having-once-been-in-a-love-triangle" data-desc="Walang kurap-matang inamin ni John Lloyd Cruz na na-attract siya kay Bea Alonzo: “Imposible naman para sa akin na at one point hindi ako nabighani ni" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/cb8fa2821.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN