Iwa Moto says Pampi Lacson’s son calls her “Mommy”

Iwa Moto says that she spoke up in the past because she did not want Thirdy thinking that she caused the separation of his parents, Pampi Lacson and Jodi Sta. Maria. "Ang gusto ko lang i-klaro, I am not the reason kung bakit nag-separate silang mag-asawa," says Iwa.


Sobra-sobra ang saya na nararamdaman ni Iwa Moto sa kanyang current boyfriend na si Pampi Lacson.

Nang tanungin si Iwa na i-rate ang kasiyahan niya sa relationship niya kay Pampi, sagot ng aktres: “Rate from 1-10? Hindi mabilang. Siguro mga 1 million. Masayang- masaya. Wala na akong hahanapin.

“I’ve found a guy who would understand me and accept who I am.

"’Saka he knows my story. Everybody knows my name but not my story. Pampi is the guy who knows me,” sabi ni Iwa sa presscon na inihanda kamakailan ng Playboy Magazine, sa Ristorante D’Amore, Citystate Hotel, Manila.

Si Iwa ang cover ng men’s magazine.

Ano ang reaksiyon ni Pampi sa desisyon ni Iwa na mag-pose para sa Playboy?

“Seloso siya and he’s very, very conservative, but this is work,” paliwanag ni Iwa. “Alam naman niya na I know my limitations.”

Napag-usapan na ba nila ni Pampi ang tungkol sa pagpapakasal?

“Yung tungkol sa kasal, hindi namin pinag-uusapan, pero ang pinag-uusapan namin, ang future.

"Gusto namin, magkasama kami nang matagal na matagal na panahon.

"Walang details tungkol sa kasal—’saka na, baka maudlot!”

Sa tingin niya ba ay si Pampi na ang “The One”?

“Lagi naman e wini-wish naman natin na pag may partner tayo, sana siya na,” sabi ng sexy actress na may matamis na ngiti.

Alam ba ni Iwa kung legally annulled na ang kasal ni Pampi at Jodi?

“Labas ako, e. Kung ano man ang meron sila ng ex niya, labas na ako dun.

“I’d rather not comment. I leave it to him kasi I know he respects me and alam ko na hindi lang laro ang meron kami ngayon.

“Sabi rin niya sa akin na he’s doing everything he could para matapos na lahat ng kailangan niyang gawin.”



RELATIONSHIP WITH THIRDY. Kamusta naman ang relasyon ni Iwa sa anak ni Pampi na si Thirdy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So far, masaya ako sa nangyayari at masaya ako sa relasyon namin ng bata.”

Ayon pa kay Iwa, "Mommy" ang tawag sa kanya ni Thirdy, ang anak ni Pampi sa estranged wife niyang si Jodi.

Ani Iwa, “Hindi ko naman tinuruan, hayaan niyo na!”

Ikinuwento ni Iwa ang naging pag-uusap nila ni Thirdy tungkol dito:

“Sabi niya, ‘Mommy na lang itatawag ko sa ‘yo ha.? Sabi ko, ‘Why?’ Sabi niya, ‘Kasi inaalagaan mo ako.’

“I always tell him, ‘I’m not here to take your mom’s place. Hindi ganun. Nandito lang ako kasi gusto lang kita alagaan.’”

Ayon pa sa sexy actress, “Super close na kami. Every other week, palitan sila [ni Pampi ng custody]. I find time for him and sobrang masaya kami together.”

ENCOUNTER WITH JODI STA. MARIA. Nagkita na nang personal sina Iwa at Jodi Sta. Maria. Ayon kay Iwa, hindi raw sila nagbatian.

“The last time I saw her, hindi naman siya nakatingin sa akin. Sinundo niya si Thirdy, then pagsundo niya kay Thirdy, ako yung may dala.”

Ano ang reaction ni Iwa sa pananahimik ni Jodi tungkol sa mga kontrobersyal na pahayag ni Iwa dati?

“Ako, nagsalita lang ako, kasi baka dumating ang panahon na nanahimik ako, then biglang isipin ni Thirdy na totoo yung mga lumalabas na ako ang reason.

"Ang gusto ko lang i-klaro, I am not the reason kung bakit nag-separate silang mag-asawa.

“Kung hindi man siya nagsalita, it’s up to her. Basta ako, I said my piece. Nasa tao na iyon.

"Kontrabida kasi ako, so people are doubting me ,pero ito na lang ang isipin: we are public figures and we owe it to the public to at least answer if it’s true or not.”

(CLICK HERE to read related article)

Nang tanungin kung nakatanggap siya ng libel suit mula kay Jodi o sa kampo nito, sinabi ng sexy actress na wala siyang nakukuhang legal action mula sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DIAGNOSED WITH HYPERTYROIDISM. Bagamat gusto na ni Iwa na magkaroon ng sarili niyang anak, pinagbabawalan siyang magbuntis sa ngayon.

“Actually, I’m not allowed at all kasi may hyperthyroidism ako. Lately ko lang siya nalaman, mga two months ago.

“Under medication pa ako, so siguro, pag natapos na ang medication, pwede na siguro para safe rin.

"Hindi ko pa alam kung hanggang kailan kasi kailangan ko pang mag follow-up checkup.”

Ayon sa medicine.net, ang hyperthyroidism ay kondisyon ng isang tao na may overactive thyroid gland.

Ito ay nagreresulta ng pagkakaroon ng masyadong maraming thyroid hormones, na maaaring mag-accelerate sa metabolism ng isang tao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN