Enzo Pineda on admitting relationship with Louise delos Reyes: “Actually, yung time na ‘yan, I think it requires a lot of patience!”

Bagamat marami ang naniniwala na may namamagitan na sa kanila ni Louise delos Reyes, tikom pa rin ang bibig ni Enzo Pineda sa totoong estado ng relasyon nila. Paliwanag ng young actor, "Of course, pareho kaming nagtatrabaho ni Louise. And we’re both happy sa career namin, we’re both inspired. So let’s keep it that way muna. Kasi, of course, marami kaming responsibilities na kailangang i-fulfill, di ba?"


Isa si Enzo Pineda sa mga ini-launch ng Uni Silver Time bilang TIMEbassadors, kasama ang kapwa niya GMA-7 talents na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Derrick Monasterio, at Julie Anne Jose.

Naganap ang launching nila sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, noong Linggo, August 26.

Ano ang pakiramdam ni Enzo na napili siyang maging ambassador ng iniendorsong timepiece?

“Siyempre dapat ano… we need to make the most out of the time we have right now.

“And I’m really happy na I have this new blessing. Kasi parang… what are the chances na I’ll be a TIMEbassador ng Uni Silver Time, di ba, sa dami ng artista na puwede nilang piliin?

“Of course, I feel so lucky and I’m excited…

“Dapat on time ka lagi. At meron kaming responsibilities ngayon na ipaalala lagi sa lahat ang kahalagahan ng oras."

Dagdag niya, “Kakatapos lang ng birthday ko [August 19]. And natutuwa ako na sobrang daming blessings na dumarating sa akin ngayon.

“I just have to keep pushing and be an inspiration sa mga youth.”


NOT YET THE RIGHT TIME. Nangiti si Enzo sa sunod na tanong sa kanya: Hindi pa ba right time para sagutin kung sila na ba talaga ng matagal nang napapabalitang girlfriend niya na si Lousie delos Reyes?

“Actually, yung time na ‘yan, I think it requires a lot of patience!” natatawang sagot ng 22-year-old actor.

Duda ng iba, hindi kaya may advice sa kanila ni Louise ang GMA-7 na huwag munang aamin sa totoong estado ng relasyon nila para maprotektahan ang pakikipag-loveteam ng young actress kay Alden Richards?

“Hindi naman sa gano’n,” sagot ni Enzo.

“Pero, of course, pareho kaming nagtatrabaho ni Louise. And we’re both happy sa career namin, we’re both inspired.

“So let’s keep it that way muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, of course, marami kaming responsibilities na kailangang i-fulfill, di ba?

“Pati yung show niya, it’s doing so well. So, kailangang mag-focus muna siya do’n.”

Ang tinutukoy ni Enzo ay ang primetime soap ni Louise kasama si Alden, ang One True Love.

PROUD OF LOUISE & ALDEN. Hindi ba mahirap para sa kanya na bihira silang magkita ni Louise, at ang kasama halos araw-araw ng dalaga ay ang ka-loveteam nitong si Alden?

Sagot ng StarStruck alumnus, “Mas matimbang sa akin yung pagiging proud ko sa kanilang dalawa, kasi nanonood ako ng One True Love, e.

“Napanood ko rin nga yung first kissing scene nila, and hindi ko naman puwedeng itanggi na may konting selos.

“Pero I have to understand na trabaho lang ‘yon and okey ang acting nila, maganda.

“Sinabi naman ni Lousie sa akin yung kissing scene na ‘yon—and it’s okay naman with me. Kasi trabaho nga ‘yon.

"Kung ako rin yung nasa ganung posisyon, I’m sure maiintindihan din niya.”

Nabanggit din ni Enzo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakapagsimula na sila ni Louise na mag-shooting para sa indie film na Basement, kung saan kasama nila ang ilan pang Kapuso young stars gaya nina Sarah Lahbati at Kristoffer Martin.

“Happy ako kasi first time na makatrabaho ko siya, kahit hindi kami magkapareha kundi magkasama lang sa cast ng pelikula.

“Mas inspiring siyempre for me na kasama ko siya sa set, mas nakakaganang magtrabaho.”

LOUISE’S MOM. Lately, nagkakaroon ng isyu sa mommy ni Louise na si Mrs. Elvira delos Reyes. Ayon sa reports, nagiging "mahadera" na raw ito at lumalabas na ang pagiging "stage mother."

Pero ipinagtanggol ni Enzo ang ina ng nababalitang girlfriend niya.

Aniya, “Sa pagkakakilala ko kasi kay Mommy Elvie, sobrang bait niya. Kasi parang anak na rin niya ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“Kaya yung mga news na ganyan, siyempre naaapektuhan din ako.

"Kasi kilala ko si Mommy Elvie, hindi siya gano’n.

“Masakit sa akin na may mga ganyan na isyu sa kanya kasi itinuturing niya akong parang anak na rin niya.

“And sobrang bait niya sa akin, sobrang maasikaso. Parang second mom ko na rin talaga siya, e.

“And siguro… I mean, sa mga taong nagsasabi nun sa kanya, siguro ano… dapat muna nilang kilalanin yung tao bago sila mag-comment.

“Baka first impression lang ‘yon kasi hindi sila nabigyan ng chance o time para makilalang mabuti yung mommy ni Louise.”

STILL SPECIAL. Pinabulaanan din ni Enzo ang balitang dahil hindi na sila gaanong nagkikita lately, bunsod ng kawalan ng oras para sa isa’t isa, ay nagkakalabuan na raw sila ni Louise. Totoo ba ito?

“Wala, wala… walang gano’n,” mariing sabi ni Enzo.

“I mean, kami ni Louise, gano’n pa rin. Special pa rin siya para sa akin.

“Mas concentrated lang kasi kami sa trabaho ngayon.

“Kung anuman ang meron kami ni Louise ngayon… work muna.

“Since nandito na lahat ang maraming blessings, so kailangan muna naming i-fulfill yung mga responsibilities namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN