PEP EXCLUSIVE. Bea Alonzo on boyfriend Zanjoe Marudo: “He’s making me feel beautiful every day. By making me feel na ako lang, enough na.”

Bagamat matagal naging abala si Bea Alonzo sa pelikula nila ni John Lloyd Cruz, wala naman daw sila naging problema ng kasintahang si Zanjoe Marudo. Sabi ni Bea, malaking bagay na pareho silang nasa showbiz at bukas sa publiko ang kanilang relasyon.


Aminado si Bea Alonzo na hindi siya kumpiyansa sa kanyang sarili noon, lalo na pagdating sa kanyang pigura.

May katabaan kasi siyang tingnan sa camera noon, na madalas namang napupuna sa kanya.

Ibinahagi ni Bea ang pangyayaring ito sa kanyang buhay, kanina, Agosto 29, sa I Am Confidence event ng Tupperware, sa F1 Hotel, The Fort, Taguig City.

“Dati, medyo may issues ako sa confidence,” pag-amin ng The Mistress lead actress.

“Before kasi, marami ang nagki-criticize sa akin about my weight. Kasi they always say that I’m fat, I’m overweight.

“So siyempre, I have to go through crash diet, diet pills, and everything that I really regret.

“I was asking myself, ‘Why am I doing this?’ Sabi ko, ‘I’m doing this for other people.’

“Kahit fit and healthy nga, siyempre, I’m proud na somehow naiba na ‘yon, now healthy na.

"Na-realize ko na you don’t have to be fit to look good kasi.

“As long as you feel good of who you are, eat healthy, that’s so important.

"And of course, make-up helps, di ba?”

Pero hindi lamang daw nanggagaling ang confidence sa panlabas na anyo, kundi sa ugali o personalidad din ng isang tao.

Ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at nobyong si Zanjoe Marudo daw ang mga taong pinaghuhugutan ng confidence ni Bea.

Sabi pa ni Bea tungkol sa kanyang kasintahan, “He’s making me feel beautiful every day. By making me feel na ako lang, enough na.”



MISSING ZANJOE. Samantala, naging abala sa loob ng maraming buwan si Bea dahil sa dalawang proyekto nila ng ka-loveteam na si John Lloyd Cruz.

Una na rito ang reunion movie nila sa Star Cinema, ang The Mistress.

Nagpunta rin sa Austria sina Bea at John Lloyd para naman sa taping ng kanilang upcoming soap sa ABS-CBN, ang A Beautiful Affair.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang dahilan kaya madalang magkita sina Bea at Zanjoe.

“Nami-miss ko na siya!” bulalas ng aktres nang tanungin namin kung may plano ba silang “mag-catch up” ni Zanjoe.

“Alam mo, I can’t wait. Kasi talaga, hindi na kami nagkikita, e.

“Sana nga next week okay na, magkita na kami.

“Buti nga may [Star Magic] Ball, e, kasi sa Ball medyo mahaba-haba, di ba?

“Sabi ko nga sa kanya kagabi, never ko siya na-miss nang ganito kasi nag-a-out of the country kami nang matagal.

“Siguro kasi nami-miss mo na alam mong andiyan lang, pero hindi mo nakikita.”

Bagamat mas madalang silang magkasama nitong mga nakalipas na buwan, wala naman daw nagiging problema ang magkasintahan.

Ani Bea, siguro malaking bagay rin na bukas sa publiko ang kanilang relasyon at pareho silang artista.

“It’s hard work.

“Siyempre… actually madali nga, e, dahil nandito kami, dahil unang-una, uhm, naiintindihan niya ang trabaho ko.

“Feeling ko, kung non-showbiz ang boyfriend ko, hindi niya maiintindihan ‘yong kissing scene, hindi niya maiintindihan ‘yong working hours ko.

"Siya, naiintindihan niya kasi we’re doing the same thing.

“Tapos nakakatulong din siguro na, uhm, alam ng mga tao, it’s an open relationship.

"Mahirap kasing hindi, ‘yon naman ang mahirap.”



STAR MAGIC BALL. Nabanggit ni Bea na masaya siya dahil sa Star Magic Ball ay makakasama niya nang mas matagal si Zanjoe.

Ano ang plano nila sa araw na iyon?

“Actually, hindi lang kami ang may plan, e,” tugon ng aktres.

“Kami nila Shaina [Magdayao], ‘yong MUNCHTERS... hindi ko alam kung narinig niyo na—ako, si Diet [Diether Ocampo], si Enchong [Dee], si Zanjoe, si Shaina.

“Nag-chip in, chip in kami, mag-aayos kami, magpe-prepare kami sa Presidential Suites—hindi sa hotel.

“Excited kami kasi parang bonding experience din for all of us, doon kami mag-aayos bago yung Ball.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Usually kasi may kanya-kanya kaming room. This time, one room lang kami.

“Tapos magli-Limousine kami papunta sa hotel.”

Ang Star Magic Ball ay gaganapin sa Sabado, Setyembre 1, sa Shangri-La Hotel, Makati City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN