Chynna Ortaleza on playing villain roles in two separate projects: “Nahihirapan ako ngayon kasi medyo nako-confuse na ako."

Dalawang kontrabida roles ngayon ang ginagawa ni Chynna Ortaleza para sa GMA-7: sa Luna Blanca at Sana Ay Ikaw Na Nga. Sabi ni Chynna, “So, parang feeling ko, ang pangit naman kung makita ng tao na yung hitsura ko sa gabi ay ganoon din sa umaga at walang diperensiya ang atake. So, hilung-hilo ako.”


Isa na namang kontrabida role ang gagampanan ni Chynna Ortaleza sa bagong afternoon drama series ng GMA-7, ang Sana Ay Ikaw Na Nga.

Ang Sana Ay Ikaw Na Nga ay remake ng primetime series na pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia noong 2001.

Sa remake nito ay sina Mikael Daez at Andrea Torres ang muling magbibigay-buhay sa karakter nina Carlos Miguel Altamonte at Cecilia Fulgencio.

Si Chynna naman ang gaganap sa papel ni Olga, na magpapahirap sa buhay nina Carlos Miguel at Cecilia. Ang role na ito ay unang ginampanan ni Maricar de Mesa.


CONFUSED. Marami ang nagsasabi na bagay si Chynna sa kanyang bagong karakter, at maihahanay na raw siya bilang isa sa mga epektibong kontrabida ng Kapuso network.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Chynna noong Linggo, August 26, sinabi nito na bagamat bihasa na siya sa pagkokontrabida ay medyo nahirapan pa rin siya sa kanyang bagong proyekto.

Paliwanag niya, “Nahihirapan ako ngayon kasi medyo nako-confuse na ako.

"Kasi, ganito ‘yan, siyempre thankful ako na maraming trabaho.

“Pero katulad niyan, problemado ako kay Olga kasi eere siya simultaneous kay Divine.”

Ang tinutukoy ni Chynna ay ang karakter niya sa primetime series na Luna Blanca, na kasalukuyang umeere sa Kapuso network.

Patuloy niya, “So, parang feeling ko, ang pangit naman kung makita ng tao na yung hitsura ko sa gabi ay ganoon din sa umaga at walang diperensiya ang atake.

"So, hilung-hilo ako.”



HER CHARACTER OLGA. Pero mabuti na lang daw na mas seksi si Olga kaya napaglalaruan niya ang karakterisasyon nito.

Sabi ni Chynna, “May bangs ako diyan.

"Dapat mas maikli, pero hindi ko talaga kinaya na isalang na ganito ang buhok ko.

"Kasi, ganito rin ang buhok ko sa Luna, itinataas ko lang.”

Yung mga karakter na ginagampanan ba niya ay hindi niya naiuuwi kapag nasa bahay at wala na siya sa taping?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman," sagot niya.

"Kasi, mas bumabait yata ang mga kontrabida kesa sa bida, kasi may outlet.

“At saka, hindi ko naman siya nadadala sa bahay.

"At saka, tao ako, so hindi ko dine-deny na may times na may topak ako.

"May times na mabait ako. May times na kapag pagod ako…

“Pero marunong lang akong mag-tap ng other side ng personality ko na for sure, everybody has it.”

Dagday niya, “At saka, feeling ko naman, sa totoong buhay, mero’n naman talagang good and bad side.

“So, pagdating ko sa bahay, kung may magpikon sa akin, e, di galit ako. Lalabas ang pagka-maldits!” natatawa niyang pahayag.

REMINISCING. Pagbabalik-tanaw pa ni Chynna, habang umeere noon ang original version ng Sana Ay Ikaw Na Nga, kunsaan sina Dingdong at Tanya ang mga bida, yun naman daw ang panahon na ginagawa niya ang Habang Kapiling Ka.

Ka-loveteam pa noon ni Chynna si Richard Gutierrez.

“Tatlo pa lang ang soap opera ng GMA-7 noon: Ikaw Lang Ang Mamahalin, Habang Kapiling Ka, at Sana Ay Ikaw Na Nga.

“Pero hindi ko napapanood ang Sana... at nasusubaybayan dahil nagti-taping ako noon.

"At saka, busy ako noong bagets ako, di ba?”



MIKAEL AND ANDREA. Ayon kay Chynna, may mga eksena na siyang nakunan kasama sina Mikael at Andrea.

Ano ang masasabi niya sa dalawa bilang bagong tambalang inilulunsad ng GMA-7?

“So far... well, hindi ko pa naobserbahan ang mga scenes talaga.

"Pero pagdating sa set, yung dalawa, wala masyadong ilangan, which is good.

“Kasi, kailangan nilang maging kumportable sa isa’t isa.

"I think the workshop that GMA gave them helped a lot.

“Nag-workhop sila for this, at nag-workshop si Mikael, kaklase ko siya.

“So, I think nakakatulong.

"All of a sudden, may rapport kami sa isa’t isa, even if it’s the first time I’ve worked with them. Mas kumportable agad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Like last night, that was the second scene that Andrea and I had to do na sobrang tight talaga.”

FIGHT SCENE. Sa puntong ito, ipinakita ni Chynna sa PEP ang ilang galos at pasa na natamo niya dahil daw sa fight scenes nila ni Andrea.

“Nag-concealer na lang ako,” para daw matakpan ang mga galos at pasa.

“Kasi, matindi talaga ang fight scene na yun dahil yun lang ang nag-iisang fight scene namin. Pero hindi ’pinakitang buo.

"Masaya naman ako, pero hindi ko nakausap masyado si Andrea.

“Siguro nga, dahil nakakasa kami pareho na mag-commit sa craft namin, mabilis lang. Parang, ’O, ganito, ganyan.’”

May kuwento pa si Chynna na ginawa niya kay Andrea.

“Hindi pa kasi nagro-roll, minura ko siya. Umiyak talaga! Sabi ko, ‘Award, umiyak!’ Nagulat siya.

"At nakikita ko sa kanya ang will umangat at maging successful ang Sana Ay Ikaw Na Nga.

"So, for me, bilang nakakatandang artista sa kanya, tutulungan ko siya.

“Yung ginawa ko sa kanya before the take, natutunan ko rin yun sa mga older stars or older kontrabida na nakasama ko.

“Sometimes, it really has to come from you. You have to give them a certain kind of stimulus para makatulong.

"So, yun, yun ang maganda sa set namin—lahat willing tumulong para sa kanilang dalawa."



CHERIE GIL OR CARMI MARTIN? Sa isang banda, na-extend ng isang linggo ang Book 2 ng Luna Blanca. Kasama sa Book 1 at Book 2 si Chynna.

Sa Book 3, dapat daw ay si Cherie Gil na ang gaganap sa karakter ni Chynna. Pero mukhang hindi na raw ito matutuloy.

“I don’t think it’s Tita Cherie who’s gonna do it. Yung voice niya kasi kailangang ipahinga.

“I’m hearing Carmi Martin, but I’m not yet sure.”

Bukod sa mga teleserye niya ngayon, ginagawa rin ni Chynna ang mga pelikulang Menor de Edad at Basement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN