Sarah Geronimo on Gerald Anderson: “Yung friendship namin, in time, sana mas mag-blossom pa.”

Nagkaroon ng maraming espekulasyon ang pagdue-duet nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa anniversary show ng Cebuana Lhuillier sa Araneta Coliseum noong August 28. Kahit sa mga interview, hindi pa rin malinaw ang estado ng dalawa sa kanilang relasyon. Sa huling binitawang salita ni Sarah, maaaring malaman ang tunay na saloobin niya: “Alam mo, yung friendship namin, in time, sana mas mag-blossom pa.”


Marami ang natuwa at kinilig sa duet nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa 25th anniversary ng Cebuana Lhuillier noong Martes, August 28, sa Smart-Araneta Coliseum.

Magkahawak-kamay sila habang nagdu-duet at kapansin-pansin din ang sweetness nila.

Pagkatapos ng duet nila ng “Won’t Last a Day Without You,” bumalik si Gerald sa stage sa kantiyaw ni Sarah para sa isa pang kanta.

Pagkatapos nito ay inawit ng young actor ang “We’ve Got Tonight” na ikinakilig ng kanilang mga tagahanga.

Lalo pang kinilig ang fans nang tanungin ni Sarah si Gerald kung "single" pa ito.

Isang matamis na ngiti lang ang isinagot dito ng young actor.

Ganun pa man, sapat na ito upang maghiyawan ang fans ng dalawa.

Dahil din dito, lumakas ang paniniwala ng marami na nagkaayos na muli ang kanilang mga idolo matapos mapabalitang tumigil na sa panliligaw si Gerald kay Sarah.

Ngunit may usap-usapan din na nagdesisyon na lang silang itago ang kanilang relasyon para makaiwas sa mga intriga.

Pero may naniniwala ring bahagi lamang ito ng palabas para pakiligin ang mga nanood ng nasabing pagtatanghal.

HAPPY SARAH. Ganun pa man, masaya raw si Sarah sa muli nilang pagkikita ni Gerald.

“Happy! Every time na nagkikita kami, natutuwa talaga ako… masaya,” sabi ng Pop Princess nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng show.

Aminado rin ang 24-year-old singer-actress na ine-enjoy niya talaga ang bawat pagkakataon na nagkakasama silang dalawa ni Gerald.

Kuwento pa ni Sarah, siya ang nagpilit kay Gerald na kantahin nang live ang “We’ve Got Tonight.”

“Actually, nag-rehearse na kami kahapon. Talagang pinilit ko siya na mag-live kasi sayang naman.

“’We’ve Got Tonight’ kasi, favorite niya yung song na yun, at gusto ko rin naman yung kanta.

“Sabi ko, ‘Bakit hindi naman natin i-share sa mga tao?’”

Masaya rin si Sarah na napasaya nila ni Gerald ang mga manonood nung gabing iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun naman ang purpose namin as entertainers—ang makapagpasaya ng tao.”

Sa hiwalay na interview ng PEP kay Gerald, inamin nito na espesyal pa rin para sa kanya ang Pop Princess.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano ang reaksiyon dito ni Sarah?

“Alam mo, yung friendship namin, in time, sana mas mag-blossom pa,” sabi niya.

Nagpakatotoo ring inamin ni Sarah na hindi pa rin nawawala ang kilig pag nagkikita at nagkakasama sila ni Gerald.

“Oo naman… lagi namang may kilig,” sabi ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN