JM de Guzman on Jessy Mendiola: "Bata pa naman kami. Hindi pa dapat ang sobrang seryosohan.”

Ito ang reaksiyon ni JM de Guzman sa pag-appreciate ni Jessy Mendiola sa pag-amin niyang mahal niya ang dalaga: “Masaya, kasi totoo naman kasi yung sinabi ko. Sincere naman ako. Kung naa-appreciate niya, masarap sa pakiramdam."


Ayon kay JM de Guzman, hindi pa sila muling nagkakausap ni Jessy Mendiola mula nang ihayag ng young actor, sa programang Kris TV, ang nararamdaman niya para sa dalaga.

Matatandaang isiniwalat ni JM na mahal nila ni Jessy ang isa’t isa, sa kabila ng wala pa naman daw silang pormal na relasyon ni Jessy.

Ikinagulat naman ni Jessy ang rebelasyong ito ni JM dahil, ayon sa young actress, hindi niya alam na ganun pala ang nararamdaman ng young actor para sa kanya.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay JM sa hallway ng main building ng ABS-CBN, sinabi niyang hindi pa sila nakakapag-usap ni Jessy para ayusin ang hindi nila pagkakaintindihang dalawa.

Sabi niya, “Hindi pa, busy. Hindi ko pa naiisip sa ngayon. Mas focused muna ako sa trabaho.

“Siyempre, minsan lang dumating ang magagandang nangyayari sa career ko.

"Ito ang priority ko, for my family, for myself.”



SECOND CHANCE. Kahit ikinagulat ni Jessy ang mga sinabi ni JM patungkol sa kanilang dalawa, hinahangaan naman daw ng young actress ang ipinakitang tapang at paninindigan ng binata sa nararamdaman nito.

Nasabi rin ng young actress na bawat isa naman ay dapat mabigyan ng ikalawang pagkakataon.

Ano ang reaksiyon dito ni JM?

“Masaya, kasi totoo naman kasi yung sinabi ko. Sincere naman ako.

"Kung naa-appreciate niya, masarap sa pakiramdam.

“Second chance? Mas maganda siguro na take things slowly.

"Bata pa naman kami. Hindi pa dapat ang sobrang seryosohan,” saad niya.

Ganun pa rin ba ang nararamdaman niya para kay Jessy?

Tumango lamang si JM.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN