Melissa Ricks still not in good terms with Jake Cuenca: "All I want is an apology. Pero if it’s not coming, it’s okay, I understand."

Melissa Ricks on relationship with current boyfriend Paul Jake Castillo: “Meeting Paul Jake is the best blessing that came along also. Kasi I’m very… I’m secure right now. I feel very loved, I’m very happy, no worries. Happy to be with Paul Jake.”


Ayon sa Kapamilya actress na si Melissa Ricks, ang boyfriend niyang si Paul Jake Castillo ang isang dahilan kung bakit blooming siya ngayon.

Kuwento ni Melissa, “Oo. Okay naman I’m very, very happy.

“I’m very blessed right now... lahat ng nangyayari sa akin.

"It’s been a good year, no doubt—a very good year for me.

"And meeting Paul Jake is the best blessing that came along also.

“Kasi I’m very… I’m secure right now.

"I feel very loved, I’m very happy, no worries. Happy to be with Paul Jake.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Ang Latest si Melissa sa isang event ng Cosmo Skin noong August 28 sa SM Makati.



MEET THE PARENTS. Last April ay nakilala na ni Melissa ang mga magulang at kapatid ni Jake, isang reality-show star.

Kuwento ng Star Magic talent, “Oo, noong Holy Week, I went to Cebu to meet his mom and dad, his brothers and sisters.

"They’re also very nice, very humble family.

"Sana mas mapalapit ako sa kanila kasi andito nga ako sa Manila, e, kasi I’m working.

"Pero sana makabalik ako ng Cebu soon.”

Kung naipakilala na siya ni Paul Jake sa kanyang pamilya, naipakilala na rin ba ni Melissa ang kasintahan sa kanyang ina at kapatid?

Sabi ng young actress, “My mom is in the States along with my brother, pero umuwi yung kuya ko last week and na-meet niya si Paul Jake.

"And he said he is a very, very good guy.

"My dad also met Paul Jake and okay naman."

Kuwento pa niya, “Actually, we have plans to go sa November sa U.S., after siyempre ng Walang Hanggan.

“After that siguro, we will go to the States, probably with his family, and then meet my mom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hopefully, matuloy at mapayagan ng schedule.”

Ang Walang Hanggan ang kinabibilangang primetime series ni Melissa sa ABS-CBN.



SEVEN MONTHS. Kinulit ng press si Melissa kung may official date ba silang matatawag para sa kanilang anniversary at kung ilang buwan o taon na nga ba ang kanilang relasyon.

Natatawang tugon niya, “A, hindi naman taon… hindi naman kami nagma-monthsary-monthsary.

"Siguro, magsi-seven months pa lang kami ngayon, this coming September.”

Ano naman ang madalas nilang ginagawa together pag may free time?

Lahad nito, “Hobby namin yung manood ng sine. Wala namang…

"Kasi he gets along with my friends. All my friends, naging kaibigan niya.

"Even pag wala ako, sumasama siya with my friends.

"So I’m very happy na napalapit na rin siya sa mga friends ko.

“Yun, naglalaro kami ng board games, there’s a lot... yung mga simple things lang.

"What’s important is it makes me happy to know na kahit simple lang yung ginagawa namin, we enjoy each other’s company.”

HAPPIEST RELATIONSHIP. Ito na ba ang masasabi niyang "happiest relationship" niya, so far?

Sagot ni Melissa, “Oo, I would say na it’s my happiest and most secure.

“I’m not worrying all the time, kasi naiintindihan niya yung work ko.

“Bilang Monday to Friday, nagte-taping kami ng Walang Hanggan, you know, he understands.

“Minsan nagkakatampuhan, kasi nga, you know, time is very precious.

"Pero he understands my work, I understand his work.

“Most of the time he’s in Cebu also.

"Ganun ang isang relasyon, you have to understand each other.”



PAST LESSONS. Ano naman ang mga leksiyong natutunan niya sa mga dati at kasalukuyan niyang karelasyon?

Atubili niyang sagot, “Kasi naman, yung mga... wala naman akong masasabing mga relasyon [na] I’ve learned from my past relationship.

“Yung first relationship ko, medyo tweetums pa ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung second ko, the whole world mills about that relationship.

“I’ve learned a lot na paano ba dapat ang isang relationship, kasi siyempre, bago pa ako noon.

"Hindi ko pa alam dapat na ganito pala yun, ganyan-ganyan.

"And with Paul Jake, marami akong natutunan na ganun pala dapat ang isang relasyon—it’s give-and-take and having fun.”

Kaya daw very open sila ni Paul Jake sa kanilang relasyon dahil sobrang mahal nila ang isa’t isa at wala silang dapat itago.

Dagdag pa niya, “I have no problems naman po sa pagsabi kung sino ang karelasyon ko.

“Siguro in the past lang kasi, pareho kaming artista.

"And, you know, Jake wouldn’t want to say anything about it. And I don’t want to say anything about it."

Ang tinutukoy na "Jake" ni Melissa ay ang ex-boyfriend niyang si Jake Cuenca.

"Pero, you know," pag-address niya sa media," magaling kayo, e.

“Napa-find out ninyo yung mga ganun, so might as well say it and tell everyone para out in the open na—para hindi na kami mahirapan.”



NOT IN GOOD TERMS. May closure na ba sila ni Jake?

"We don’t talk,” pag-amin ni Melissa.

Pero sa panayam kay Jake sa premiere night ng Guni-Guni, sinabi nito sa ilang media na okay sila ni Melissa. Last daw silang nagkita ay sa Kadawayan Festival sa Davao.

Pero hindi nilinaw ni Jake kung nag-uusap na sila ulit ng dating girlfriend.

Sa panayam ng PEP kay Melissa, sinabi nitong hindi pa sila muling nagkakausap ni Jake.

“No, I never talked to him ever since. Ever since, I haven’t talked to him.

"I think it’s a better idea not to para mas tahimik... it’s better this way," sabi ng dalaga.

Gaya ni Jake ay um-attend din ng premiere ng Guni-Guni si Melissa para suportahan daw ang kaibigan niyang si Empress na kasama sa cast ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Jake naman ay nagpunta sa premiere upang magbigay ng suporta sa bida ng pelikula na si Lovi Poe—ang napapabalitang pinopormahan ngayon ng aktor.

Kuwento ni Melissa, “Nakita ko siyang [Jake] pumasok, pero hindi kami nagkasalubong.

“I had to leave early kasi it [the screening] started late, and I have to leave na. Hindi ko natapos kasi I have to leave early.

“Even hi and hello, wala.”

Nagkita ba sila ni Lovi nung premiere night?

Sabi ni Melissa, “Hindi ko siya nakita kasi I came early, di ba? I wanted to congratulate her sana kasi mahusay talaga si Lovi."

Ano naman ang masasabi niya na diumano’y nililigawan ni Jake si Lovi.

“Oo, bagay nga sila, e. Bagay naman sila. I’m very happy for them.

"I have nothing against Lovi. I have nothing against her.

“I just wish her happiness and sana maayos yung mga problemang dapat maayos.”

Pero ano ba ang kailangan para maayos ulit ang pagkakaibigan nila ni Jake?

“You know, yun nga, all I want is an apology. Pero if it’s not coming, it’s okay, I understand.

“I forgave him already for whatever has happened.

“Pero I think it’s better na hindi na maging friends, para hindi na maraming, you know, kung anu-anong issue.

“Kasi we tried being friends and it didn’t work out.

“It’s better this way, it’s better.”



COMPLETELY HEALED. Completely healed na ba ang puso niya sa "greatest breakup" niyang maituturing with Jake o may scar pa rin sa puso niya?

“Of course, you know, when your heart has been broken, it will leave a scar.

“You know, it’s gonna stay there for a while.

"But that scar is a lesson learned—not to make the same mistakes in your next relationship.

“I think na God did that to me for a reason: For me to grow up, to be more mature, and to see what I really deserve."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



STAR MAGIC BALL. Bukas, September 1, ay gaganapin ang taunang Star Magic Ball sa Makati Shangri-La Hotel.

Ito ang engrandeng pagtitipun-tipon ng mga artista na nasa pangangalaga ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

Si Paul Jake ba ang kanyang magiging escort sa red carpet?

“Actually, ini-invite ko siya. O, di ba, ako pa ang nag-invite talaga?" tawa ni Melissa.

“Kasi he’s no longer part of Star Magic, pero yun, siyempre para fun, in-invite ko siya para maging date ko.”

Para maiba naman daw, ang boyfriend niya ang magiging escort ni Melissa sa Star Magic Ball.

“Ah, yes! Kasi for the past few years, ang date ko was Matt Evans, di ba?

“So siguro naman, may date naman si Matt na iba ngayon, di ba?

“So ako naman siguro, you know, ibang date naman para maging fun naman yung Star Magic Ball [ko] this year, you know.”

Si Matt Evans ang dating ka-loveteam ni Melissa at ngayo’y isa nang binatang ama.



DARING MELISSA? Ngayong medyo payat na siya at sexy, hudyat na kaya ito para mag-pose si Melissa sa isang men’s magazine?

Sabi niya, “Like before, I said hindi po ako magsasalita nang tapos, pero siguro, next month [September] may aabangan kayo sa akin.

“Hopefully, suportahan ninyo po ako diyan.

"It took a lot of courage, a lot of guts and a lot of dieting.

“So, sana po suportahan ninyo po ako sa aking pasabog na ito.”

Gaano kaya ka-sexy ang tinutukoy niyang "pasabog"?

Pag-amin nito, “I think it’s my sexiest kasi I would not do it on a normal day, e. Hindi ko naman sinusuot yung ganun.

“Pero I’m very happy that the team is very nice to me, and I felt really comfortable, kaya sana po magustuhan ninyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN