BB Gandanghari on Carmina Villarroel and Zoren Legaspi’s plan to get married: "Please, dyusko, ibigay na po natin sa dalawang ito ang pagpapakasal."

BB Gandanghari on attending the wedding of Carmina Villarroel and Zoren Legaspi if she gets invited: "Kung darating ang panahon na yun na tamang-tamang ikakasal sila, at kami ay meron nang relasyon bilang magkaibigan, bakit naman ako hihindi? I mean, I wanna see her very happy on her wedding day.”


Binigyan ng cake at binati si BB Gandanghari ng production staff at ibang cast members ng Enchanted Garden, kahapon, August 30, kahit na sa September 3 pa ang actual birthday niya.

Isinabay na ang pagbati kay BB sa presscon ng kanilang show sa Annabel’s restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

May mahalagang papel si BB sa Enchanted Garden ng TV5, na napapanood tuwing 6:30 p.m. araw-araw at may replay at marathon ng episodes tuwing Linggo ng umaga.



BIRTHDAY GIRL. Ilang araw na lang at kaarawan na ni BB, ano ang kanyang plano?

“Working yata ako ng birthday ko. Hindi naman kasi ako nagse-celerate talaga ng birthday," sagot niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“It would be very simple. Dinner lang with family and close friends. Ganoon lang."

Ayon kay BB, kung hindi na-extend ang Enchanted Garden ay baka nakabalik na siya ng U.S. sa kanyang birthday.

“Naku, kinakarir ko talaga ang trabaho ko rito sa Enchanted Garden, kasi I’m leaving din.

“Pero I’ll be back again, siguro mga a month lang or so.

"Yung isang agency kasi sa New York wants to see me now.

“Yung mga go-see sa mga next fashion shows is ongoing. I just have to present myself there and be back.”



FOLLOW-UP PROJECT? Pagkatapos ng Enchanted Garden, okay ba kay BB na gumawang muli ng iba pang teleserye?

Sabi niya, “May mga sinasabi pero nothing definite na pinag-uusapan.

"I’m just hoping na maging maganda talaga ang resulta nitong Enchanted and we can all move on to another project, di ba?

“They are telling me something but I can’t tell it pa.”

Ang Enchanted Garden, na originally ay pang-six weeks na serye lang, ay na-extend na nang husto. Mapapanood na ito ng 18 weeks.

Ano ang reaksiyon ni BB sa balitang naglalabasan na rin daw ang pirated copies ng mga naunang episodes ng kanilang show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang wish ko diyan, sana naman, hindi naman nila kailangang mag-pirated. Manood sila sa marathon every Sunday.

“And I just hope na itong tumatangkilik ng pirated na ito e manood din sa TV para naman masuportahan natin yung airing talaga.

"Para magpatuloy pa ang Enchanted, may sponsors and all, di ba?”



BB’S MOM. Nanonood ba ng Enchanted Garden ang kanyang ina na si Eva Cariño?

“Ay, happy naman yun,” nakangiti niyang sabi.

“Kasi, nakikita niya ako at natutuwa yun kapag nakikita niya akong nakabihis.

“Nakakatuwa dahil palagi naman niyang sinasabi na, ‘Napanood kita ngayon. Ang ganda-ganda mo ngayon, ha.’”



DANIEL OR DEREK? Sa dalawang guwapong contract stars sa TV5 na sina Daniel Matsunaga at Derek Ramsay, sino ang puwedeng matipuhan ni BB?

Natawa ito at saka sinabing,“Parang magkaiba ano, maputi at maitim? Nay, ayoko nang maging choosy!

“Puwede bang puwede silang manligaw na dalawa and then I’ll pick after? Parang pick and pick and you choose."

Yung totoo, wala raw talaga siyang preference pagdating sa hitsura.

“Wala talaga akong preference kung maitim, kung maputi. Dalawang pogi ‘yan, e.

“I guess it boils down do’n sa ugali. Whoever kung sino ang makakasundo ng personality ko, why not?

“Kung titingnan mo physically, wala naman talagang itatapon do’n sa dalawa.”



HER LOVELIFE. Ano naman ang estado ng kanyang lovelife ngayon?

“Kung sasabihin kong malungkot, ayokong i-imbibe yung malungkot.

“Wala, e. Wala. Matagal nang wala.

"Yung totoong relationship material, fifteen years na,” pag-alala niya sa huli niyang serious relationship.

Dugtong niya, “I never had a serious relationship, especially after BB.”

Matapos nga raw niyang talikuran ang katauhan niya bilang si Rustom Padilla, at yakapin nang buo ang pagiging babae bilang si BB Gandanghari, ay hindi pa siya na-involve sa isang seryosohang relasyon.

“Kasi si BB naman, nag-manifest lang noong 2008, 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, since 2008, I never had really a relationship na matatawag.

“I am basically parang concentrating on my transition. Mahirap din, e.

“Tapos, hindi ko pa nga naiintindihan masyado ang sarili ko, tapos iintindi ka pa ng panibagong tao ulit?

"So, wala pa ako sa ganoong punto.”



CARMINA VILLARROEL. Hindi naman nakaligtas si BB sa pagkuha ng press sa kanyang saloobin sa balitang nagpaplano nang magpakasal ngayong taon sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

Si Carmina ang dating asawa ni Rustom Padilla, na dating katauhan ni BB.

“I’m very happy,” sambit ni BB.

“I guess, you know, they should be married. They’ve been living together as a couple for so many years."

May balita kasing may ilan pang legalidad sa kasal nina Rustom at Carmina ang dapat ayusin para malayang makapagpakasal ang actress-TV host kay Zoren.

Ano ang masasabi dito ni BB?

“Nandiyan na rin ang mga bata and for the sake of the children, too, di ba?” na ang ibig niyang sabihin ay malalaki na ang kambal na anak nina Carmina at Zoren.

“So, they should get married.

“And, I think, kung anuman ang nakakahadlang pa e please, Diyos ko, ibigay na po natin sa dalawang ito ang pagpapakasal.

“They’ve proven themselves. What, ten years, eleven years of being together?

"I guess that’s long enough.”

Masaya siya para kina Zoren at Carmina?

“I am very happy. Parang long time overdue na nga ‘yan.”

Sila naman daw ni Carmina ay talagang hindi pa nabibigyan ng pagkakataon na magkita at magkausap.

“There’s no chance na magkita muli.”

Kung sakali at imbitahan siya nina Carmina at Zoren sa kanilang kasal, pupunta ba si BB?

Natawa si BB sa kakulitan ng press, pero sinagot din niya ang tanong.

Aniya, “That would be very remote. And I don’t want to assume.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa akin naman, I see no problem.

"Para sa akin, as I’ve said, Carmina has a very soft spot in my heart. I only wish her happiness.

"Ngayon, kung dumating yung panahon na magpapakasal talaga sila at nandoon kami sa punto naman na yun na nag-uusap naman kami...

“Kasi, as of now, talagang hindi naman kami nakakapag-usap.

“Hindi rin naman kami close friend, but hindi rin naman kami magkaaway.

“So, kung darating ang panahon na yun na tamang-tamang ikakasal sila, at kami ay meron nang relasyon bilang magkaibigan, bakit naman ako hihindi?

“I mean, I wanna see her very happy on her wedding day.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN