Andrea Torres on moving on to leading-lady status: “Gusto ko lang i-prove yung sarili ko kasi alam kong maraming nakapila para mabigyan ng break.”

Andrea Torres on possibility of falling for Mikael Daez: “Well, hindi maiiwasan na talagang isipin ng mga tao na pupuwedeng mangyari ’yon, especially ang dami nga naming intimate scenes together. Pero ang focus namin ngayon talaga is yung sa trabaho, e. Kasi, siyempre, kailangang ma-prove namin yung sarili namin. Pareho kaming baguhan. Kailangan mag-concentrate kami sa acting namin at sa maraming bagay. So, yun na ang pinakahuli.”


Ngayong darating na Lunes, September 3, ay magsisimula nang umere ang remake ng Sana Ay Ikaw Na Nga.

Ito ang pinakabagong afternoon soap ng GMA-7 na pagbibidahan ng bagong loveteam nina Andrea Torres at Mikael Daez.

Pero hanggang ngayon ay tila hindi pa rin makapaniwala si Andrea sa malaking oportunidad na ibinigay sa kanya ng Kapuso network. Kasabay rin nito ang malaking pressure sa iniatang na responsibilidad sa kanila ni Mikael.

Kuwento ni Andrea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nung first taping day namin, sobra-sobra ang naramdaman kong pressure.

“As in, talaga, natutulala na ako!

“Pero si Mikael, lagi niya akong nilalapitan. Sinasabi niya, ‘Okay lang ‘yan, you can do it.’

“Siya rin, kapag meron siyang mga moments na medyo nakikita kong natutulala din siya, nilalapitan ko rin siya.

“And pinapanood ko yung big scenes niya, pinapanood niya yung big scenes ko.

“So, nakakakuha kami ng feedback from each other. Teamwork talaga.

“At saka honestly, yung mga scenes namin together, iyon ang pinakamadadaling gawin—na hindi na namin kinakailangang mag-prepare.”



KISSING SCENES. May mga kissing scenes sina Andrea at Mikael sa pinagbibidahan nilang soap. Pinaghandaan ba nila ito o hindi na rin?

“Hindi na!” sabay tawa ni Andrea.

“First ka-kissing scene ko talaga si Mikael.

"Actually, after nung meeting, agad-agad na nangyari na yung kissing scene.

“At hindi lang ‘yon, basta ilang beses na inulit. Kasi parang nag-o-audition kami kaya paulit-ulit iyon na nangyari.

“And ang maganda rin kasi, kahit baguhan pa lang kami, yung director namin at yung EP [executive producer] namin, binibigyan kami ng chance na mag-share ng opinion namin at suggestions or anything.”



FROM REEL TO REAL? Normal sa magka-loveteam ang i-link sila sa isa’t isa at isipin ng iba na totohanang nagkakagustuhan na.

Ano ang pananaw rito ni Andrea?

“Well, hindi maiiwasan na talagang isipin ng mga tao na pupuwedeng mangyari ’yon, especially ang dami nga naming intimate scenes together.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ang focus namin ngayon talaga is yung sa trabaho, e. Kasi siyempre kailangang ma-prove namin yung sarili namin.

“Pareho kaming baguhan. Kailangan mag-concentrate kami sa acting namin at sa maraming bagay.

"So, yun na ang pinakahuli,” sabi ni Andrea, na ang sinasagot ay kung may posibilidad bang mauwi sa totohanan ang loveteam nila.



WHAT TO EXPECT FROM THEIR LOVETEAM. Sa pagtatambal nina Andrea at Mikael, ano ang aantabayanan ng mga manonood mula sa kanilang dalawa?

Sagot ng Kapuso actress, “Ibang side talaga ito ng Mikael at Andrea.

“Ako, lagi ko ngang sinasabi na big step forward ito para sa akin. Kasi napaka-safe ng mga roles ko before.

“Ito, talagang ano… ang daming nangyari na first time kong ginawa. Na hindi ko iniisip na magagawa ko na right now.

“Pero dahil sa mahal na mahal ko yung show, at alam kong kailangan sa story, go!

"Go ako do’n!” nangiting sabi pa ni Andrea.

Marami ang nagsasabi na masuwerte sina Andrea at Mikael na sa dami ng mga Kapuso stars ay sila ang sunod na nabigyan ng malaking break.

Bago kasi ito, lalo na si Andrea, ay panay supporting roles ang ibinibigay na mga proyekto sa kanila.

Sagot dito ni Andrea, “Alam naman po namin iyon talaga. Alam namin kung gaano kalaki itong project na ibinigay sa amin.

“Alam namin kung gaano kaganda ang istorya, yung opportunity.

“At nagpapasalamat talaga kami sa GMA na ibinigay sa amin itong pagkakataon na ito. Binigyan kami ng pansin.

“Ang mapa-promise naman namin is, hindi namin sila bibiguin.

"Kumbaga, ibibigay namin nang buong-buo yung sarili namin dito.

“Sabi ko nga kay Mikael, the whole time na eere itong Sana Ay Ikaw Na Nga, talagang ito ang magiging buhay ko.

“Gusto ko lang i-prove yung sarili ko kasi alam kong maraming nakapila para mabigyan ng break.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN