Mikael Daez ready to face new challenges as Kapuso leading man

Sabi ni Mikael Daez tungkol sa dapat asahan sa remake ng Sana Ay Ikaw Na Nga: “So lahat ng elementong makikita ninyo—yung breakup, love scenes, away, sampalan, marriages, broken marriages—lahat makikita ninyo. Sa tingin ko, mae-expose yung character ko sa maraming emosyon.”


Puspusan na ang taping nina Mikael Daez at Andrea Torres para sa afternoon soap nilang Sana Ay Ikaw Na Nga, dahil magsisimula na itong umere sa Lunes, September 3.

Sina Mikael at Andrea ang napili ng GMA-7 na magbida sa remake ng teleseryeng ito na unang ginampanan nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia noong 2001.

Kumusta na ang taping nila?

Sagot ni Mikael, “Walang tulugan actually. We’ve been working every day.

“Taping kami every other day, tapos promos in between.

“And we’re very very happy kasi each day na nagte-taping kami, nararamdaman namin na nag-i-improve kami.

“Each day, nararamdaman namin na yung cast, yung director, at lahat sa production staff, lahat kami nagiging mas close—at mas nagiging maganda yung ginagawa namin.

“So, may nakita na kaming mga snippets ng mga eksena namin at saka mga AVP [audio visual presentation], kaya lalong nae-excite kami.”



COMES NATURALLY. Paano ba nila nabuo kaagad ang rapport at chemistry nila ni Andrea?

Sabi ng model-actor, “Well, the first time we met, noong meeting na sinabi nga na kaming dalawa ang magli-lead dito sa Sana’y Ikaw Na Nga, we just decided that we need to know each other.

"Tapos from there, unti-unti namang ’lalabas iyon.

"Para kaming magkaibigan na laging kumakain lang na magkasama.

"And then, unti-unti nang lumabas.

“Hindi namin napapansin, yung iba pa nga ang nakakapuna na parang, ‘Close na agad kayo!’

“For me, natural na may koneksyon kami, e.

“Hindi na namin kinakailangang ikasa pa masyado kapag may gagawin kaming scene together.

“Kasi, yun nga, yung chemistry namin and rapport is very good. It’s very strong.

"So I enjoy my scenes with Andrea.”

NO PREPARATION NEEDED. Sa kissing scenes naman nila, pareho raw sila ng pakiramdam ni Andrea na hindi na nila ito kailangang paghandaan pa.

Paliwanag ni Mikael, “It’s natural. When we enter into a scene, siyempre I enter as Carlos Miguel [his role]. She enters naman as Cecilia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And since, yun nga, ang ganda kasi ng pagkabuo ng chemistry namin, it comes so naturally.

“So I’m very happy.

"And I know na happy rin yung production staff at yung director namin dahil doon.

“Nakita talaga nila na every day, gumaganda nang gumaganda yung nagagawa namin.

“Bilang preparation, nag-workshop kami. We really had a lot of communication also.

“Open talaga yung communication namin—and I think that’s very important.”



PERSONAL QUALITIES. Ano naman yung mga katangian ng isa’t isa na nagustuhan nila habang nagkakakilanlan sila?

“Yung discipline," sagot ni Mikael.

"Kasi I think… this is a still a business. Lahat ng mga tao, iniintriga yung personal relationship ng loveteams.

“Pero kung hindi naman maganda yung ethics ng loveteam, wala ring mangyayari.

"I mean, we have to be able to perform.

“At gustung-gusto ko yung mindset namin na we’re looking to improve and help each other out.

“And yung teamwork nga, nandoon.

“Nakakatuwa rin na nararamdaman namin yung suporta ng GMA, most especially yung production staff.”



NEW LEADING MAN. Bilang bagong leading man na ginu-groom ng GMA-7, ano ang mga puwedeng asahan ng viewers sa kanya?

“Well, this is a traditional Filipino telenovela.

“So lahat ng elementong makikita ninyo—yung breakup, love scenes, away, sampalan, marriages, broken marriages—lahat makikita ninyo.

“Sa tingin ko, mae-expose yung character ko sa maraming emosyon. Halos lahat ng emosyon na puwede mong isipin.

"So I need to be prepared for anything. Talagang mai-stretch yung acting capacity namin ni Andrea.

"Pero nandito kami para sa challenge, we’re ready for it.”

Ngayong bida na siya, nararamdaman na ba ni Mikael na umakyat na ang estado niya sa Kapuso network?

Sagot niya, “Hindi ko iniisip na ganoon.

"Ang nasa isip ko, ibinigay sa akin ang project na ito.

“Kasi ibig sabihin noon, may tiwala ang GMA sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So kailangan ko rin ipinakita sa kanilang tama yung naging desisyon nila.

“Importanteng-importante sa akin na maibalik ko iyon sa kanila.

"Tapos from there, we’ll slowly work for more and better things.

“Pero right now, the focus is Sana Ay Ikaw Na Nga.

“And I wanna show GMA and everyone else that I and Andrea—we deserve these roles.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN