Ruffa Gutierrez on Derek Ramsay: "There’s nothing wrong being linked with Derek. He’s A-list, he’s hot."

Natatawa raw si Ruffa Gutierrrez sa pagkaka-link niya kay Derek Ramsay dahil nauugnay rin ngayon ang kanilang mga nakarelasyon na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban. Sabi ni Ruffa, “I think it’s just nakakaaliw because people in our past are being linked together.”


Masaya si Ruffa Gutierrez dahil na-extend daw ang kanilang "eco-fantaserye" sa TV5 na Enchanted Garden.

Mabuti na lang daw at walang masasagasaang ibang trabaho niya dahil umpisa pa lang ay naisip na ni Ruffa ang posibilidad na mage-extend sila.

Sabi ni Ruffa, “Well, noong in-accept ko naman ‘to, you don’t say six weeks, you should be open to the fact that it can be extended.

“For me naman, most of the projects that I’ve done, nae-extend because it became really successful.

“I am just thankful na sinuportahan ito ng mga tao, at mga Kapatid, at ibang mga taong nanonood ng show.

“It’s for the whole family.

"And I think it’s the first time na may eco-fantasya ang TV5 and it’s an all-star cast.

“I can see naman they really spent a lot of time, energy, and money for this project.

“With our directors, Joyce Bernal, Eric Quizon, and Joel Lamangan… nakita mo sa mga directors namin na they really wanna do everything to make this serye a big hit.

"And which is now a big hit.

“I’m really thankful, kasi ngayon pumapasok [na] ang mga commercials namin.

“Happy ako na extended siya hindi lang para sa akin kung hindi para sa crew and staff.

“At sana, ma-extend pa until Christmas para maging masaya naman ang Pasko nila.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruffa sa pocket press conference ng Enchanted Garden sa Anabel’s restaurant noong August 30, Huwebes, sa Timog Avenue, Quezon City.



LIKE MOTHER, LIKE DAUGHTER. Natutuwa rin si Ruffa dahil sa role niyang Valeriana sa Enchanted Garden.

Aniya, “I find it a challenge because I have dual roles. Naging puno rin ako rito... ginawa nila akong puno.

“Pero dahil pala sa pag-ibig, ang tao, nagiging psycho rin.

"But I’m sure towards the end of Enchanted Garden, magiging mabait na rin ang karakter ko at the end.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, ang hirap palang maging masama. Sinisigawan ko mga four, five years old na batang babae.

“E, di ba, I have daughters [Lorin and Venice]?

"Kaya sabi ko, ‘Sorry, ha.’ Nagpapa-picture pa naman sa akin ang mga bata.

“So, nakaka-stress kapag masama yung character.”

Naiisip ba ni Ruffa na parang ang mommy niyang si Annabelle Rama ang role na ginagampanan niya sa Enchanted Garden?

Natatawang sabi naman niya, “Si Mommy naman, puro bark, no bite!

"E, si Valeriana puro bite, walang bark.

“Si Mommy, maingay lang naman, pero mabuti ang puso.”



BB GANDANGHARI. Kuwento pa ni Ruffa, magaan daw katrabaho ang mga kasama niya sa show at nakakapag-bonding sila.

Wala rin daw nagrereklamo sa set kaya positive ang vibes sa taping nila.

Yun nga lang, hindi pa raw nakakasama ni Ruffa sa taping ang co-star niyang si BB Gandanghari dahil magkaiba sila ng location.

Pero sa labas ay nagkakasama naman daw sila ni BB.

Ani Ruffa, “Kaibigan ko naman si BB noon pa. Outside work, nagkakasama kami.

"Naging leading man ko pa siya noon.

“Gusto ko ngang i-post sa Instagram ang pictures natin, nakakaloka!” natatawang sabi nito sa katabing si BB.

Ang tinutukoy ni Ruffa ay ang pagtatambal nila noon ni Rustom Padilla, ang dating katauhan ni BB.



STEM CELL FOR HER MOM. Kinumpirma naman ni Ruffa na sasailalim sa stem cell treatment ang kanyang inang si Annabelle Rama.

Ang stem cell treatment ay ang kontrobersiyal na teknolohiya ng pagre-repair ng luma o damaged cells sa katawan ng tao.

Sabi ni Ruffa, “Actually my mother will be going to Germany for the stem cell treatment on October.

"Pero ang kasama niya, si Richard. Hindi siya [Richard] magpapa-stem cell, companion lang ni Mommy si Chard.

“I can’t go with her because of Enchanted Garden. So, I’ll just stay here and work muna."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ruffa ba ay may balak ding magpa-stem cell treatment?

“If ever one day, maisip ko at may time ako, at gusto kong magpa-stem cell treatment, I really like to interview all my friends who’ve done it.

“At hihingi ako ng advice sa kanila.

"At kung maganda naman ang effect, why not?

“That’s the change in medical technology that we have to embrace.”



DEREK RAMSAY. Sa huli, sinagot at nilinaw ni Ruffa ang isyu ng pagli-link sa kanila ni Derek Ramsay.

Aniya, “Actually, wala kaming date or whatsoever ni Derek.

“The only occasion that we… actually spent time with Derek was one—Star Magic Ball 2009.

"We had a conversation for ten minutes, but then naging close na lang kami noong ininterbyu ko siya sa TV5 sa paglipat niya.

“And then, we were in the States for TV5 international launch. Doon ko talaga siya lubusang nakilala bilang isang kaibigan.

“And I realized he comes from a good family. He speaks well, has good values intact, and marami talaga ang may crush kay Derek."

Pero dagdag niya, “But it’s just so assuming sa mga tao na isipin nilang may relasyon talaga agad kami.

“Kasi, the last time I saw him was actually in the airport. Kasama ko pa si Aga [Muhlach] at si Willie [Revillame] noon. Yun.

“I don’t know...

"Sabi ko nga, ‘Hey, Derek! How’s my invisible lover?’ Tapos tawa lang kami nang tawa.

“I think, it’s just nakakaaliw because people in our past are being linked together.”

Ang tinutukoy ni Ruffa ay ang nababalitang magkarelasyon ngayon na sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.

Si Angelica ay ex-girlfriend ni Derek, samantalang si John Lloyd naman ay ex-boyfriend ni Ruffa.

“So, I think, it’s just convenient na ma-link din kami."

Diin pa ni Ruffa, “But there’s nothing wrong being linked with Derek. He’s A-list, he’s hot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinutukso lang kami but there’s nothing going on. He’s just a good friend.”

Kung sakaling manligaw ito sa kanya?

“Ay, ayokong maging assuming, magkaibigan lang kami.

"Buti nga kami ni Derek, hindi naging awkward. Kapag nagkita kami, tawanan lang kami: ’Hello, invisible Lover. Grabe naman ang tsismis.’

“Actually, noon, tumawag ang mom ko na, ‘Nagkikita raw kayo ni Derek?’

"I don’t even see him now. My gosh, doon na ako na-stress!” natatawa niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN