Richard Gutierrez says he will continue to see Sarah Lahbati even after Makapiling Kang Muli

Richard Gutierrez on Sarah Lahbati: “We’re fine. Close kami ni Sarah ngayon. Pero siyempre, medyo umiiwas kami sa mga interviews. Kasi ayaw naman naming isipin ng mga tao na ginagawa namin ito dahil sa Makapiling Kang Muli. So, abangan niyo na lang pagkatapos.”


Finale week na ng primetime series ng GMA-7 na Makapiling Kang Muli simula ngayong Lunes, September 3.

Sinabi ng lead actor nito na si Richard Gutierrez na magiging kaabang-abang ang natitirang episodes na nakatakdang magtapos sa September 7.

“Asahan ng mga audience natin na talagang hanggang sa dulo, maaksiyon at madrama ang mga eksenang mapapanood nila,” sabi ni Richard nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas last week.

Siyempre, inaabangan din ng viewers kung kanino nga ba kina Carla Abellana (Leilani) at Sarah Lahbati (Graciela) mapupunta si Martin (Richard).

Pero ayaw pa itong i-reveal ni Richard para hindi raw ma-preempt ang magiging ending ng seryeng pinagbibidahan niya.

“Kailangang abangan talaga nila kung kanino ibibigay ni Martin ang kanyang puso—kung kay Leilani ba o kay Graciela.”

SARAH LAHBATI. Pero sa totoong buhay, mukhang si Sarah, na gumaganap nga bilang si Graciela, ang nakabihag ng puso ni Richard.

Marami ang nakakapansin na sobrang malapit na sila sa isa’t isa na para bang nagkakamabutihan na nga raw.

“Uhm… tingnan natin!” nangiti ang Kapuso star nang tanungin tungkol sa kaparehang aktres.

“’Yon ay malalaman natin pagkatapos ng Makapiling Kang Muli!” sabay tawa niya.

Kumusta nga ba sila ni Sarah ngayon?

“We’re fine. Close kami ni Sarah ngayon.

“Pero siyempre, medyo umiiwas kami sa mga interviews. Kasi ayaw naman naming isipin ng mga tao na ginagawa namin ito dahil sa Makapiling Kang Muli.

“So, abangan niyo na lang pagkatapos.”

Ibig niyang sabihin, kahit magtapos na ang primetime series nila, magpapatuloy pa rin ang magandang pagtitinginang ibinunga ng pagsasama nila sa trabaho?

Sagot ni Richard, “Siyempre, siyempre.

“Alam mo, yung buong team ng Makapiling Kang Muli, talagang naging very close ako sa kanilang lahat.

“Marami sa kanila, nakatrabaho ko na before, and I’m sure makakatrabaho ko pa rin ulit in the future.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung samahang nabuo while making Makapiling Kang Muli, talagang naging very close ako sa mga artista at sa aming director… kay Carla, kay Sarah, at sa mga staff din.

“So, ‘yon, mami-miss ko sila pagkatapos nito.”

Ano yung pinaka mami-miss niya sa panahong nagte-taping sila?

“Sa taping kasi, alam mo… mahabang oras ang samahan niyo do’n.

“Sinasabi ko nga, yung hours na nakakasama ko ang lahat ng tao doon, parang kung bubuuin mo, parang isang taon yung pinagsamahan namin. Kasi nga, sa haba ng mga oras.

“So, siyempre mami-miss ko yung mga eksena. Mami-miss ko yung process ng paggawa ng isang soap opera.

“Mami-miss ko rin yung downtime na, wala lang, kuwentuhan lang.”



NEXT PROJECTS. Ano ang sunod niyang pagkakaabalahan?

“Yung Pinoy Adventures, tuluy-tuloy pa rin,” ang travel show niya sa GMA-7 ang tinutukoy ni Richard.

Dagdag ng matinee idol, “At gagawa ako ng pelikula.

“Pero bago ko simulan yung pelikula ko, magbabakasyon muna ako. Mag-a-abroad ako at magpapahinga nang konti.

“Para pagbalik ko dito, re-energized ako para sa inyong lahat!”

Malamang na sa Germany ang tinutukoy ni Richard. Sa hiwalay na panayam kasi ng PEP sa kapatid ni Richard na si Ruffa Gutierrez, nabanggit ng huli na sasamahan ng aktor ang ina nilang si Annabelle Rama sa naturang European country para sumailalim sa stem-cell treatment.

Nang matiyempuhan naman ng PEP si Annabelle, sa isang pagtitipon nitong Agosto para sa pag-alala ng birthday ng yumaong talent manager na si Douglas Quijano, sinabi nitong busy ang mga anak na sina Ruffa at Raymond, kaya si Richard ang sasama sa kanya.

Regalo na rin daw ni Richard sa kanya ang treatment, na maaaring magkahalaga ng P1.5 milyon o mahigit, depende sa mga hihinging treatments ng pasyente.

Anong pelikula yung gagawin ni Richard at saang movie outfit?

“Abangan niyo na lang,” matipid na sagot ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi pa ako puwedeng magsabi ng details about it, pero it’s going to be a very exciting movie. Something na hindi ko pa nagagawa.

“And, ano siya, comeback movie ng isang legendary director.

“It’s a love story movie. Alam ko na kung sino ang magiging leading lady ko, pero secret pa.

“Maraming firsts sa pelikulang ito kaya exciting na project talaga.”


DATING. Natawa naman si Richard nang matanong kung may time ba siyang makipag-date ngayon.

“Siyempre!” bulalas niya.

Pero pagkatapos ay biglang binawi ang ganung naisagot niya.

“Hindi naman!” tawa ulit niya.

“Ngayong natapos na ang taping ng Makapiling Kang Muli, mas marami na akong oras to relax and to unwind, and to spend time with my family and friends.

“So, ngayon pa lang ako nagkakaroon ng time actually. Kasi nung nagte-taping ako ng Makapiling Kang Muli, talagang wala akong oras.”

So nakikipag-date siya lately?

“Hindi, wala. Focus muna ako sa work,” nakangiting sabi ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN