Bea Alonzo hopes she and boyfriend Zanjoe Marudo will "never ever break up"

Bagamat naipapareha si Bea Alonzo iba’t ibang leading men, nananatiling matatag ang relasyon nila ng kasintahang si Zanjoe Marudo. Sabi ng aktres, “Kilala na namin ang isa’t isa. Alam na naming kung ano yung makakapagpagalit at makakapagpakalma sa isa’t isa. May harmony sa relationship namin, okay kami."


Bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-sampung anibersaryo ng tambalan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, mapapanood sila sa dalawang malaking proyekto ngayong taon.

Una na rito ang reunion movie nila mula sa Star Cinema, ang The Mistress. Susundan ito ng teleserye nila sa ABS-CBN, ang A Beautiful Affair, na kinunan ang ilang bahagi sa Austria.

Sa The Mistress ay may maiinit na eksena sina Bea at John Lloyd, kaya ang tanong ay hindi naman kaya magselos ang boyfriend ng aktres na si Zanjoe Marudo dahil dito?

Ito ang isa sa mga itinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bea sa I Am Confidence event ng Tupperware noong Miyerkules, August 29, sa F1 Hotel, The Fort, Taguig City.

Sagot ni Bea, “Para naman siyang tanga kung magseselos siya sa amin.

"Ten years na hindi naging kami [ni John Lloyd], ano pa ba?

“Sabi naman ni Zanjoe, Bea-John Lloyd fan daw siya at nakakatuwa kasi napaka-supportive niya.

“Naiintindihan niya, nakakatuwang isipin na proud siya sa akin.”

NEVER SAY NEVER EVER. Nang mabalita noon na nag-break daw sina Bea at Zanjoe, agad itong pinabulaanan ng aktor at sinabing hinding-hindi sila magbi-break ng kasintahan.

Pero sa parte ni Bea, mahirap panghawakan ang sinabing iyon ng kanyang boyfriend.

Sabi ng Kapamilya actress, “Parang mahirap namang bitawan yung salitang never ever.

“Pero yun ang gusto naming mangyari—never ever break up.

“Kilala na namin ang isa’t isa. Alam na naming kung ano yung makakapagpagalit at makakapagpakalma sa isa’t isa.

“May harmony sa relationship namin, okay kami.

“Although we don’t see each other as often as before, dahil pareho kaming busy, we’re okay, we’re happy.

“Mas nakaka-miss nga yun.

“It doesn’t matter if it’s showbiz or not. As long as both of you are willing to make it work, anything is possible.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE WEDDING. Marami ang nagsasabi na kung patuloy magiging ganito kaganda ang relasyon nina Bea at Zanjoe ay hindi imposible na mauwi na ito sa kasalan.

Bagay na gusto rin namang mangyari Bea.

Saad niya, “Siyempre hindi ka naman papasok sa isang relasyon kung alam mong mag-e-end rin.

“Sa ngayon, yun ang gusto kong mangyari, pero hindi mo naman hawak ang pagkakataon at panahon, so hindi natin alam.”

Ano ba ang ideal age para lumagay siya sa tahimik?

“Age to get married? Ang sa akin, five years pa, I’m 24 now. Napag-uusapan, nagbibiruan.

“Dream wedding ko? Wala pa.

"Pero sabi niya sa akin, sa Batangas, sa Bilog-bilog daw. Dun kasi siya lumaki.”

Ang Bilog-bilog ay isang baryo sa Tanauan, Batangas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN