Kris Bernal on women her screen partner Aljur Abrenica woos: “...minsan pag may ayaw talaga ako, sasabihin ko, ‘Ano ba yan, bakit naman?’”

Ayon sa nagbabalik-tambalang Kris Bernal at Aljur Abrenica, very open sila sa isa’t isa pagdating sa sari-sariling lovelife. Masyado silang open, na nakakapagkomento pa si Kris kung gusto o ayaw niya sa babaeng nililigawan ng nagbabalik na ka-loveteam. Magkatambal muli sina Kris at Aljur sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang The Coffee Prince.


Balik-tambalan sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na The Coffee Prince ng GMA.

“First time naming gumawa ng romantic-comedy at saka first time ko ring gumanap na isang tomboy na magpapanggap na lalaki talaga,” kuwento ni Kris sa taped interview sa kanya ng Startalk TX kahapon, September 1.

Ayon naman kay Aljur, “Dapat abangan nila kung gaano kaguwapo si Kris Bernal pag naging lalaki.

“Unang-una yun na aabangan nila,” natatawang sabi pa ni Aljur.

Huling nagkasama sa teleserye na The Last Prince nung 2010 sina Kris at Aljur.

May napansin ba silang pagbabago sa isa’t isa ngayon?

“Mas naging mature na rin si Kris ngayon. Ibang-iba na si Kris ngayon.

“Ang ipinagbago pa niyang malaki is mas lalo siyang gumanda ngayon,” sabi ni Aljur tungkol kay Kris.

Si Kris naman, may napansin na dati pa ring katangian ng nagbabalik na ka-loveteam.

“Parang bata pa din, e. Alam mo yung kilos, yung ganun?

“Pero sa pag-iisip talagang masasabi ko na nag-mature na siya.

“At siyempre, lumaki ang abs niya, dumami lalo!” natawang dagdag pa ni Kris tungkol kay Aljur.



THEIR LOVELIFE. Dahil sa muling pagtatambal nila, muli silang iniuugnay sa isa’t isa.

Kahit na napabalita nang boyfriend ni Kris ang Kapuso hunk na si Carl Guevarra.

Samantalang si Aljur, matapos ang pagkakaugnay kay Kylie Padilla ay na-link naman kamakailan sa singer-actress na si Rachelle Ann Go.

Nag-usap na ba sila tungkol sa kani-kanilang mga lovelife?

“Ako naman, thankful ako na si Kris talagang may tiwala siya sa akin, at pagdating sa bagay na ganyan pinagkakatiwalaan niya ako.

“Kumbaga, yung pag-a-advise ko sa kanya is gusto ko kasi, mas mapabuti siya, e.

“Kumbaga, she deserves na kung ano ang makakapagpasaya sa kanya,” pahayag pa ni Aljur.

Sabi naman ni Kris, nasasabihan din daw siya ni Aljur tungkol sa mga nililigawan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, siyempre kung siya may sinasabi siya tungkol sa mga nanliligaw, ako din may sasabihin din ako tungkol sa mga nililigawan niya,” tumatawang lahad ni Kris.

“Siyempre, nagsasalita din ako sa kanya.

"Pero nakikinig naman po ako at nakikinig din siya, ganun talaga kami. Open kami sa isa’t isa."

Very open daw sila sa sari-sariling lovelife na nakakapagkomento pa siya sa mga babaeng nililigawan ng binata.

“Kaya pag ano, ‘Alam mo gusto ko siya!’

“Sinasabi ko talaga sa kanya.

"Pero sinasabi ko rin minsan pag may ayaw talaga ako sasabihin ko, ‘Ano ba yan, bakit naman?’” natatawang sabi ni Kris.



REVIVING FEELINGS FOR EACH OTHER. Ngayong madalas na silang magkakasama at magkikita, posible bang manumbalik ang naramdaman nila noon para sa isa’t isa?

“Yung pinagsamahan namin, walang kapantay, e,” ani Aljur.

“Kung ikukumpara sa iba, kasi malaking bagay yung Kris Bernal sa buhay ni Aljur.

“Ganun. Ganun kami...ganun kalalim ang relasyon namin.”

Sang-ayon naman si Kris sa tinuran ng katambal sa gagawing bagong teleserye.

“Malalim talaga, dati pa lang na magkasama kami.

“Puwede namang manumbalik, depende kay Alur yun,” at muling tumawa si Kris.

“Pero ngayon talaga, basta kami, paghuhusayan namin itong The Coffee Prince,” pagtatapos na ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN