Tippy dos Santos on big lesson learned from big-name co-stars in I Do Bidoo Bidoo: “Humility.”

Tippy dos Santos about Zsa Zsa Padilla, Eugene Domingo, Ogie Alcasid, and Gary Valenciano. “Given na po na they are so talented, they are so made—hindi pangit ang treatment nila kahit kanino. So para sa akin, siguro po yun ang nakapagdala sa kanila sa itaas. Kasi hindi lang naman pure talents lang ang makakapagdala sa ‘yo kung saan ka man mapupunta. Yung tao around you... Kailangan maganda ang puso mo para makita nilang you deserve to be on top.”


Naiiyak daw sa tuwa si Tippy dos Santos sa magagandang reviews na nakukuha ng I Do Bidoo Bidoo, ang pelikulang kinabilangan niya.

“Sa totoo lang po, ang dami pong nagko-comment na ang ganda-ganda nga raw po.

“Sa akin po, kahit ano pa po ang kalabasan, parang feeling ko, gandang-ganda po ako at naiiyak po ako sa tuwa.

“Siyempre po, isama niyo pa po ang press.

“But to think that they were really very happy with the outcome, nakakataba po talaga ng puso, and I’m just really happy,” tuwang-tuwang pahayag ni Tippy sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap ito sa grand presscon ng pelikula nung August 24 sa Max’s Restaurant Roces.

Unang pelikula pa lang ni Tippy ang I Do Bidoo Bidoo, kunsaan ginampanan niya ang papel na Tracy Fuentebella, isa sa mga bida ng pelikula.

Kumusta ang pakiramdam na isa agad siya sa mga bida sa una niyang pelikula?

“Hindi ko gets! Sabi ko nga, hindi ko alam kung bakit ako pinagkatiwalaan ni Direk Chris Martinez at ni Mr. Tony Gloria ng ganito.”

Si Chris Martinez ang direktor ng I Do Bidoo Bidoo, habang si Tony Gloria ng Unitel ang co-producer. Ang isa pang producer ng pelikula ay ang Studio 5, ang film division ng TV5.

“But shooting the movie, never ko pong na-feel na out-of-place ako or anything.

“They just told me na…Ewan ko, feeling ko kasi, ang dami ko na rin nagawang role, pero wala pa akong napu-prove to anyone para bigyan ako ng ganito kalaking blessings.

“Pero through the guidance of Direk Chris, talagang ipinakita niya sa akin na kaya ko po talaga at kaya kong panindigan si Tracy.

“At sina Tito Gary, Tita Uge, napakaganda po ng relasyon namin sa set, never po nilang pina-feel na hindi ka welcome rito. Parang part ka ng family,” sabi pa niya sa co-stars na sina Gary Valenciano at Eugene Domingo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



FROM THE THEATER. Bata pa lang daw si Tippy, mga edad na siyam na taon ay nagsimula na siya sa teatro.

Kahit daw hindi pa siya nakakontrata noon sa Stages, na nagma-manage sa kanya ngayon, kinukuha na siya sa mga shows nito.

Ang Peter Pan ang itinuturing ni Tippy na pinakamalaking stage play na nagawa niya. Dito, nakasama niya ang I Do Bidoo Bidoo partner niyang si Sam Concepcion, na gumanap bilang Peter Pan.

Matagal-tagal na rin sa showbiz industry si Tippy, ngunit dahil mas aktibo nga siya sa teatro, hindi siya gaanong napapansin ng mga tagasubaybay ng showbiz, na ang majority ay galing sa masa.

Sa tingin kaya niya, sa paglabas niya sa I Do Bidoo Bidoo ay mas makikilala na siya’t mas maaabot na ng masa?

“Hindi ko pa po masasabi. Pero, sa tingin ko po, nakikita ko naman po kung bakit ganoon ang sinasabi ng tao.

“Kapag theater pong talaga, like si Ms. Lea Salonga, iba po talaga ang theater sa TV at sa movies.

“Kaya hindi po ako nagugulat na sinasabi pong hindi ako pang-ganyan.

“Pero sana po, kapag napanood na nila ang movie, masabi po nilang wala naman yun sa hitsura.

“Parang, kapag gusto mong gawin at sa sobrang gusto kong gawin, sana makita nila na kaya ko pong gumawa na hindi lang theater.

“At sana po, kaya rin po akong mahalin ng masa,” pag-aasam pa ng mestisang si Tippy.



WHAT SHE LEARNED FROM CO-STARS. May natutunan ba siya mula sa kanyang co-stars na mas matagal na sa industriya, tulad nina Gary, Eugene, Ogie Alcasid, at Zsa Zsa Padilla?

“Opo,” mabilis na sagot ng 18-year-old singer-actress.

“Siguro po, pinakanatutunan ko na importante, ang humility.

“Ang dami na po nilang naabot pero ganoon pa rin sila.

“Given na po na they are so talented, they are so made, hindi pangit ang treatment nila kahit kanino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, para sa akin, siguro po yun ang nakapagdala sa kanila sa itaas.

“Kasi hindi lang naman pure talents lang ang makakapagdala sa ‘yo kung saan ka man mapupunta. Yung tao around you.

“So, hindi puwedeng pa-plastic-plastic lang.

“Kailangan maganda ang puso mo para makita nilang you deserve to be on top.”



WISHING BUT NOT EXPECTING. More than acting, aminado naman si Tippy na ang singing career niya talaga ang gusto niyang ma-push nang husto.

“Sana po after ng movie, magkaroon ng album,” nakangiting hiling niya.

May pagkainip ba siyang nararamdaman dahil matagal na rin siya sa showbiz, pero wala pa ang inaasam niyang album?

“Alam niyo po, wala po.

“Kasi ako po, kung ano po ang ibigay sa akin, masaya na rin po akong talaga.

“Like ngayon po, nag-aaral din po kasi ako. So, regular schooling po ako.

“So, para sa akin, hindi po ako naghahanap kung ano ang wala ako.

“Kung ano po ang meron ako, yun po ang pagtutuunan ko ng pansin.

“At thankful naman po ako.

“Like, ano rin po ba ang two years na paghihintay, pagkakita ko naman ng I Do Bidoo Bidoo…wala rin akong pakialam kahit pa maghintay ng five years.

“At saka, sino po ba ako para mag-expect, wala pa nga po akong napu-prove.”



REAL SCORE BETWEEN HER AND SAM. Tinanong naman ng PEP ang katotohanan sa kanila ni Sam. Napabalita kasi noon na naging sila naman talaga.

“Kami po ni Sam, nine years old pa lang ako, magkakilala na kami. So, eight years ko na siyang friend.

“Para kaming isang tao ni Sam. Pareho kami ng lumalabas sa bibig, pareho kami ng sinasabi.

“So, para sa akin, ang ganda-ganda ng friendship namin ni Sam.”

Kung manligaw kaya sa kanya si Sam, may pag-asa kaya ito?

Nangiti si Tippy sabay sabi na, “Noong nanonood ako ng movie, aaminin ko, nakakakilig talaga ang scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sobrang close namin at never pang dumating sa level na yun para i-imagine ko,” sabi nito tungkol sa posibilidad na maging magkasintahan nila.

“We’ll never know in the future. Pero now, wala po talaga.

“Ok kami kung ano ang meron kami. I wouldn’t replace our relationship for anything less.

“Kasi, enough po sa akin kung ano ang friendship namin ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN