Matteo Guidicelli makes peace with Coco Martin at 6th Star Magic Ball

Kagabi, September 1, sa 6th Star Magic Ball, inabot ni Matteo Guidicelli ang Standout Star award kay Coco Martin, na nakaalitan niya nung nakaraang taon sa parehong event. Pabiro pa nitong hinalikan ang kamay ni Coco, bilang pagpapakita na bati na at ok na sila nito.


Isa sa magandang nangyari sa katatapos lang na 6th Star Magic Ball na ginanap kagabi, September 1, sa Rizal Ballrooom ng Makati Shangri-La Hotel ay ang pagbabati nina Matteo Guidicelli at Coco Martin.

Matatandaang nagkaroon ng gulo sa pagitan nina Matteo at Coco nung 5th Star Magic Ball na ginanap sa Manila Peninsula Hotel noong isang taon. (CLICK HERE to read related story.)

Sa ball kagabi, si Matteo pa ang nagbigay ng Standout Star award kay Coco.

Pabiro pang hinalikan ni Matteo ang kamay ng Walang Hanggan actor nang ibigay ang award dito.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Matteo pagkatapos ng awarding ceremonies ay nagpahayag ito ng kasiyahan sa pagbabati nila ni Coco.

“Ako naman, I always joke, joke around.

“Dati pa, a long, long time ago, lagi kong sinasabi wala naman,” aniya pa tungkol sa naging alitan nila ni Coco.

“It’s very nice to be part of the Star Magic family, na lahat kaibigan, lahat nagba-bonding. Ang Star Magic ay isang family, basically.”

Inaasahan ba niya ang pagkakasundo nila ni Coco?

“God only knows, I don’t know.

“Ako, I’m friends with everybody. Sinabi ko naman dati ‘yan, we’re part of one big family of Star Magic.

“Mr. M. and Tita Mariole expect that we’re all friends, we’re all good friends.

“We’re all happy together,” patuloy niya.

Ang binanggit niyang si Mr. M ay si Johnny Manahan, chairman emeritus ng Star Magic, at Mariole Alberto, head ng nasabing talent management arm ng ABS-CBN.

Ayon kay Matteo, wala raw pagkailang siyang naramdaman nung tinawag ang pangalan ni Coco at iabot dito ang Standout Star award.

“I even said, ‘My friend, Coco.’ So, walang issue," sabi ni Matteo.

Pero bakit naman niya hinalikan ang kamay nito?

“Wala lang. Joke...joke lang yun!” natatawang sabi niya tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa nangyaring pagbabati nila, handa na ba siyang makatrabaho si Coco?

“Yeah, no problem.”



HOW IS MAJA? Kinumusta naman ng PEP kay Matteo ang kahihirang lang na Best Actress sa Luna Award, ang ex-girlfriend niyang si Maja Salvador.

Masaya raw si Matteo para kay Maja.

“We’re ok, I congratulated her. I am just proud of her.

“She has a new soap coming, so, masaya ako para sa kanya.”

Maayos naman daw ang paghihiwalay nila’t patuloy pa rin siyang susuporta rito kahit wala na sila.

“We went our different ways in a nice way. I still support her,” aniya pa.



CAREER FOR NOW. Handa na ba si Matteo para sa isa na namang relationship? Taga-showbiz din kaya?

“I don’t know. Only God knows, di ba?

“But no, not now. I’m concentrating on my work first, on my soap."

Mayroon din daw siyang gagawing indie movie, kaya career daw muna talaga ang aasikasuhin niya.

“Dun muna ako,” diin pa ni Matteo.

Nagpahayag naman ng excitement ang Filipino-Italian single male sa nalalapit na pagtatambal nila ni Jessy Mendiola, para sa gagawin nilang bagong soap na pinamagatang Isla.

“I’m really looking forward to work with her…

“I am very excited for the soap to come out, very, very soon. So, sana abangan nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN