Dingdong Dantes on Marian Rivera’s "wish" for a dozen children: “Doon na papasok ang responsible parenthood.”

Hindi pa nagbabago ang pananaw si Dingdong Dantes tungkol sa kontrobersiyal na RH Bill. Ang opinyon niya: “Hindi, doon pa rin. More or less, doon ako sa pro. Kaya lang, may mga detalye, may mga laman na, as a normal citizen, hindi ka pa aware of it. Kasi may isa doon na baka hindi ako agree but that doesn’t mean na totally hindi ako agree.”


Posibleng simulan na ni Dingdong Dantes ang bago niyang primetime series sa GMA-7, ang Haram.

Ang kuwento nito ay tungkol sa isang Muslim at isang Kristiyano na nagkagustuhan.

Ang “haram” ay salitang Muslim na ang literal na ibig sabihin ay “bawal.”

Sa unang pagkakataon, makakapareha ni Dingdong dito ang young actress na si Kylie Padilla.



KYLIE PADILLA. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong noong isang linggo, sinabi niyang maaaring makasabay ng Haram sa primetime block ng GMA-7 ang Coffee Prince.

Ang Coffee Prince ay ang Pinoy version ng Korean romantic-comedy series na pagbibidahan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Tinanong din namin si Dingdong kung magkakilala na ba sila ng makakapareha niyang si Kylie.

Sabi ng Kapuso actor-TV host, “Alam ninyo, formally, hindi pa. Pero, alam ko na si Kylie siya.

“Bumabati ako sa kanya, ganun din siya sa akin.

"And I believe na magaling na aktres si Kylie. Nakikita ko sa The Good Daughter, e.”

Paano kaya nakita ng GMA-7 na may chemistry sila ni Kylie?

“Well, siguro doon na lang papasok yung... magaling siya, e. Magaling siyang mag-into character.

"So, very confident ang GMA sa kanya.

“Plus the fact na yung role niya, e, hindi mahirap sa kanya dahil medyo malapit talaga sa puso niya ang karakter.”

Ang ibig sabihin ni Dingdong ay ang pagiging Muslim ng role na gagampanan ni Kylie.



CONTROVERSIAL ISSUE. Puwede bang sabihin na may pagka-kontrobersiyal ang tema ng bago niyang primetime series na tatalakay sa Muslim at Kristiyano?

“It sounds very interesting, pero could be very controversial,” pagsang-ayon ni Dingdong.

“Pero kasi, may mga detalye rin sa pagiging isang Muslim na maaaring maipakita namin sa ibang paraan.

“It could also be very sensitive, pero siyempre, we trust the network behind us to do the proper research.”

Dugtong pa niya, “First time ko rin makakatrabaho sa isang teleserye si Direk Maryo J. de los Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa ngayon, hindi ko pa talaga alam kung ano ang tatakbuhin ng story.”



BUSY DINGDONG. Itong huling bahagi ng 2012 ay magiging abala si Dingdong dahil sa dami ng kanyang gagawing mga proyekto.

Bukod sa Haram, meron pa siyang Protégé: The Battle For The Big Artista Break na hinu-host tuwing Linggo ng gabi.

Tinatapos din niya ang shooting ng Star Cinema movie na One More Try, entry sa Metro Manila Film Festival 2012.

Sa Oktubre naman ay ipalalabas na ang Tiktik: The Aswang Chronicles, kunsaan bukod sa pagiging bida ng pelikula ay isa rin si Dingdong sa producers sa pamamagitan ng kanyang Agostodos Pictures.



RH BILL. Hiningan din ng PEP ng pahayag si Dingdong kaugnay ng isinusulong na Reproductive Health Bill, na hanggang ngayon ay mainit pa ring tinatalakay.

Ito ay hango sa panukalang “Reproductive Health and Population and Development Act of 2010," o mas kilala sa tawag na RH Bill, na akda ni Congressman Edcel Lagman.

Pro- o anti-RH bill ba siya?

“Mahirap sagutin ’yan kasi gusto ko munang malaman kung ano ang laman ng pinu-propose na bill.

“Kasi, maraming details ‘yan.

"Kumbaga, yung areas na pinagde-debatehan nila ay iba na sa nalalaman ko before.

“But definitely, I am for a more responsible parenthood,” saad ng 32-year-old actor.

Noon ay malakas ang paninindigan ni Dingdong na pro-RH Bill siya, ngayon ba hindi na ganun ka-solido ang stand niya tungkol dito?

“Hindi, doon pa rin. More or less, doon ako sa pro.

"Kaya lang, may mga detalye, may mga laman na as a normal citizen, hindi ka pa aware of it.

“Kasi, may isa doon na baka hindi ako agree, but that doesn’t mean na totally hindi ako agree.”

Kung sakali at magkakaroon siya ng anak, ilan ang gusto niya?

“Ako... apat,” sagot niya.

Sa isang hiwalay na panayam ay nagbiro ang girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera na isang dosena raw ang gusto nitong maging anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

“Doon na papasok ang responsible parenthood," nakangiti niyang sabi.



MARRIAGE. Dito na muling pumasok ang tanong tungkol sa pagpapakasal. Ito ba ay talagang hindi pa nila pinaplano o napag-uusapan ni Marian?

Sabi ni Dingdong, “We don’t talk about it.

"Maybe we do believe that it would just come.

“And mahirap namang madaliin siya just because kailangan.

“Mas magandang hindi madaliin siya because it feels like it would be spiritually right.

“Ayoko namang sabihing may priorities kaming iba, kasi magandang bagay para sa akin yun. And I think, para sa kanya rin.

"So, timing lang talaga.”

Naniniwala naman si Dingdong na sa lalaki pa rin dapat manggaling ang proposal.

“Sa traditional ako, doon ako sa traditional,” nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN