Andi Eigenmann softens up on ex-boyfriend Albie Casiño: “Just because ginawa niya yun, siya na ang masama? Nasaktan ko rin po siya.”

Bagamat tila napatawad na ni Andi Eigenmann si Albie Casiño, nananatiling matigas ang young actress sa desisyon niyang huwag ipakita ang anak sa young actor. Paliwanag niya, “Hindi naman niya po anak si Ellie. I mean, you know, biologically, yeah, they look so much alike. Kung ayaw niya, e, di hindi. Hindi ko naman po ipipilit yun. Parang wala nang ano yun."


Naging bukas sa publiko ang mga pinagdaanan ni Andi Eigenmann sa pagiging dalagang ina niya—mula sa masalimuot na paghihiwalay nila ng itinuturong ama ng kanyang anak na si Albie Casiño hanggang sa maisilang niya ang anak niyang si Ellie.

Sa taped interview ng The Buzz kay Andi, na napanood kahapon, September 2, ay muling tinanong ang young actress tungkol kay Albie.

Napatawad na ba niya ang dating kasintahan?

Sagot ng young actress, “Dati po, palagi kong sinasabi na wala naman akong napapatawad kasi wala namang nagso-sorry.

“Pero ngayon, para sa akin, sige, let’s say sorry siya, napatawad ko, ganyan.

“At saka, ako rin naman, sorry rin naman ako.”

Diin pa ni Andi, “Hindi naman siya masamang tao, ang bait-bait nun.

“Let’s say he just made wrong decision in his life, hindi ko po puwedeng sabihin na siya lang yun.

“Just because ginawa niya yun, siya na ang masama? Nasaktan ko rin po siya.”

Wala bang pag-asa na payagan niyang makita o mayakap ni Albie ang kanilang anak kung sakaling matanggap na ng young actor ang pagiging ama nito?

“Hindi naman niya po anak si Ellie," sagot ni Andi.

“I mean, you know, biologically, yeah, they look so much alike.

“Kung ayaw niya, e, di hindi.

"Hindi ko naman po ipipilit yun. Parang wala nang ano yun.

“Sayang din sa time ko, at the same time, what will that make me?

“Why will I force it with people? That’s okay.

“A lot of people love Ellie.

“Ellie has so much fans. People love her.

“We don’t need them.”

JAKE EJERCITO. Noong kasagsagan ng mga isyu at kontrobersiya kay Andi, may isang lalaki ang nauugnay sa kanya—si Jake Ejercito.

Si Jake ay anak ni dating Presidente Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Si Jake ang sinasabing bagong karelasyon ni Andi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa panayam ng The Buzz kay Andi, hindi nagbanggit ng pangalan ang young actress, pero inamin niyang may ibang nagpapasaya sa kanya bukod sa anak.

“Besides Ellie, I have nga ano… inspiration. Someone that’s special to me.

“But I’m not in a relationship. I’m single.

“Parang I just don’t wanna force things... So, kung alam namin na it’s going to be hard, hindi na muna namin ipipilit.

“So, basically, we’re just waiting for the right time.”

Bakit hindi pa puwede?

“We’re young,” sagot ng 22-year-old actress.

“Kapag nagkaroon kayo ng anak ng lalaki, hindi naman yata kayo basta-basta papayag na he’d fall in love with someone with a kid.

“It’s not so normal at this point in my life.

“So, I’d rather wait when everything is okay than force things.”

Sa ngayon, ang focus na lang daw ni Andi ay ang kanyang career para na rin sa anak na si Ellie.

Sabi niya, “ Iniisip ko siya. Kung ano ang makakabuti sa kanya… sa amin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN