Coco Martin on reconciliation with Matteo Guidicelli: “Siyempre, masayang-masaya rin ako na tapos na, naayos na.”

Isa sa naging highlight ng Star Magic Ball noong Sabado, September 1, ay ang pagkakabati nina Matteo Guidicelli at Coco Martin. Matatandaang nagkaroon ng alitan ang dalawa noong isang taon, sa Star Magic Ball din, dahil kay Maja Salvador.


Muling nagtagpo ang landas nina Coco Martin at Matteo Guidicelli sa 6th Star Magic Ball nitong Sabado, September 1, sa Makati Shangri-La Hotel Makati.

Matatandaan na nung nakaraang taon, sa parehong pagdiriwang, ay nauwi sa suntukan ang engkuwentro ng dalawang Star Magic talents na ito bunsod ng hindi pagkakaunawaan at selosan.

Ang dahilan ng kanilang away: Ang young actress na si Maja Salvador.

(CLICK HERE to read related story.)

Noong isang taon ay kasintahan pa ni Matteo si Maja, na katambal naman ni Coco sa primetime drama series na Minsan Lang Kita Iibigin.

Bagamat humingi na ng paumanhin noon si Matteo kay Coco, na tinanggap naman ng huli, ay hindi na muling nagkaharap ang dalawang aktor.

At ngayong taon ay nauwi rin sa breakup ang relasyon nina Matteo at Maja.



FRIENDS AGAIN. Sa Star Magic Ball noong Sabado ay si Coco ang hinirang na "Standout Star."

Nagkataon namang ang nag-present ng award na ito ay si Matteo kasama si Kathryn Bernardo.

Nang abutin ni Coco ang award ay pabirong hinalikan ni Matteo ang kamay ng una, na ikinatawa ng lahat ng nasa Rizal Ballroom.

Pagkatapos nito ay nagyakapan ang dalawa upang ipakita na wala nang anumang sama ng loob sa pagitan nila.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinemas One News kay Coco sa may elevator ng Shangri-La Makati, sinabi ng aktor na masaya siya na natuldukan na ang alitan nila ni Matteo.

Sabi niya, “Siyempre, masayang-masaya rin ako na tapos na, naayos na.

“Lahat naman kasi kami dito ay magkakaibigan talaga. Isa kaming pamilya sa Star Magic.”



PAULO AVELINO. Sa ibang balita, consistent ang mataas na ratings ng pinagbibidahang teleserye ni Coco sa ABS-CBN, ang Walang Hanggan.

Kaya labis-labis ang pasasalamat ng aktor sa mga manonood na hindi bumibitiw sa panonood ng kanilang programa.

Isa sa inaabangan sa Walang Hanggan ay ang away sa pagitan ng magkapatid na Daniel at Nathan, na ginagampanan nina Coco at Paulo Avelino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may mga kuwentong lumalabas na hindi lang daw sa harap ng kamera ang iringan ng dalawang aktor kung hindi maging sa totoong buhay rin.

Bagay na agad namang pinabulaanan ni Coco sa panayam sa kanya ng PEP.

“Ako, sinasabi ko, lahat kaming mga artista na magkakasama e napakagagaling.

“Nabibigyan namin ng buhay ang role na nagagampanan namin.

“Actually, nakakatuwa nga kasi, at least, nadadala sila sa mga eksena na ipinapakita namin.

“Nakakatuwa rin kasi kahit gaano kahirap ang bawat eksena, masaya kami, nagmamahalan kami, lalo na yun mga lola namin dun na sobrang supportive sa amin."

Diin pa ni Coco, “Wala talaga kaming away ni Paulo, tulad ngayon na magkasama kami, alangan naman na magkaaway kami.

“Magkaibigan kami ni Paulo, wala kaming problema.

"Pamilya... pamilya kaming lahat sa Walang Hanggan.”

Sina Coco at Paulo ang magkatabi sa mesa sa loob ng Rizal Ballroom kunsaan ginanap ang Star Magic Ball.



WALANG PAHINGA. Halos araw-araw na ang taping ng Walang Hanggan at nagiging madugo na ang mga eksenang sinu-shoot nila.

Aminado si Coco na halos wala na siyang pahinga ngayon, pero sobrang pasasalamat pa rin niya.

Aniya, “Nakakapaligo naman ako at kaunting tulog.

“Actually, hindi nakakapagpahinga, pero sabi ko nga, hindi naman pang-mahabaan ito, pang-malagian.

“Gina-grab ko lang ang mga opportunities para kahit paano matupad ang mga pangarap ko.

“Siyempre masaya ako dahil natutupad ang mga pangarap ko.

“And then, ang saya ko dahil nare-recognize ang mga pinaghihirapan kong trabaho.

“Siyempre, para ito sa pamilya ko—sila ang inspirasyon ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN