Louise delos Reyes on negative issues about her mom: “Tigilan na sana siya."

Bilang isang anak, nasasaktan si Louise delos Reyes sa paratang na "mahadera" raw ang kanyang ina na si Mrs. Elvira delos Reyes. Saad ng Kapuso young actress, “Kasi si Mama, hindi naman siya ganoon. Siguro nami-misinterpret lang siya. Pero katulad ng ibang ina, gusto niya yung best para sa anak niya. So siguro, hindi lang naiintindihan ng ibang tao iyon."


Hindi inasahan ni Louise delos Reyes na sosorpresahin siya ng cast at production staff ng GMA-7 primetime series na One True Love noong Biyernes ng gabi, August 31.

Kinabukasan kasi, September 1, ay ang 19thbirthday ng Kapuso young actress.

Ang tungkol dito ang unang naikuwento ng Kapuso actress nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng Party Pilipinas kahapon, September 2.

“Umaga pa lang, pack-up na ako, e, kasi one sequence lang ako.

“E, di nagpa-pizza ako sa kanila… ganyan.

"Tapos, in-on call nila ako na parang, ’Eight p.m., kailangan mong bumalik kasi meron pang kukunang eksena.’

“Tapos iyon na, may birthday surprise pala sila.

“Nag-effort sila talagang itago iyon sa akin.

"Kasi may isang pavillion doon sa location namin, tapos nakapatay yung ilaw.

“Pagkalagpas ko doon, biglang bumukas. Tapos kinantahan ako ng ’Happy Birthday.’ Nagulat lang ako.

“Tapos, sobrang bongga... yung catering... may lechon… ganyan.”



BIRTHDAY GIFT. Ano ang regalo sa kanya ng rumored boyfriend niyang si Enzo Pineda?

“Hello Kitty na bag. Favorite ko kasi ang Hello Kitty. At saka niregaluhan din niya ako ng pabango,” sabay ngiti ni Louise.

Itinuturing din ni Louise na birthday gift ang pagkaka-extend ng One True Love.

Dapat daw sana ay eight weeks lang ito ieere, pero naging fifteen weeks na. At may posibilidad daw na madagdagan pa ng tatlong linggo ang airing nito.

Sabi ni Louise, “Masaya ako na yung project na pinaghihirapan namin, sobrang minahal ng tao.

"So yun, happy ako.

“Siyempre, sad din ako na ilang weeks na lang, matatapos na ito.

"Kasi, hindi lang kami basta show, e, pamilya kami.

"Na every taping talaga, yung… excited ka na kahit mapuyat ka, hindi mo napapansin kasi sobrang saya nga sa set.

“At saka ito ang first primetime series na bida ako, kaya napamahal talaga sa akin nang sobra-sobra ang One True Love."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



IN REAL LIFE. Sa istorya ng One True Love, talagang one of a kind true love ang nangyari sa mga karakter nila ng leading man niyang si Alden Richards.

Nangangarap ba siya na sa totoong buhay ay maging ganoon din ang kanyang lovelife?

Sagot ni Louise, “Siyempre naman, kasi ang haba talaga ng itinakbo ng love story nina Elize at Tisoy.

“Pinaghihiwalay sila ng magulang nila, ng tadhana... ng lahat. Pero alam mo, yung parang magnet sila, nagbabalikan pa rin sila.

“At sa sobrang pagmamahalan nila ay tinatawag na nilang ’one true love’ ang isa’t isa.

“Sobrang passionate lang talaga sila doon sa pagmamahalan nila.

“At alam mo yung sobrang pure na kahit sinong magpahiwalay sa inyo, hindi talaga kayo maghihiwalay.

“At saka si Tisoy yung parang epitome ng isang lalake na… ipinapakita niya sa magulang ni Elize na mahal niya yung babae, ipinaglalaban niya.

“He’s working hard. Hindi lang sa pagmamahalan nila ni Elize kundi sa personal din nilang buhay—para walang masabi yung pamilya ni Elize.

“At saka siyempre, pogi si Tisoy. Magalang sa babae, magalang sa lahat, mapagmahal sa pamilya.”



ENZO PINEDA. Kumusta naman sila ni Enzo, ang “Tisoy” niya sa totoong buhay?

“Special friends!” sabay ngiti ni Louise.

“Lately, parehas kaming sobrang busy. Ako sa One True Love. Ganoon din siya sa Together Forever.

“Dito lang kami sa Party Pilipinas nagkikita, tapos sa shooting ng Basement.”

Ang Basement ang indie film na ginagawa nila kasama ang ilan pang Kapuso stars.

Noong August 12 ang 22nd birthday ni Enzo.

Isang simpleng dinner lang with family ang naging selebrasyon ng young actor. Pero hindi nakarating si Louise dahil nagte-taping siya sa Cavite for One True Love.

Naibigay na ba ni Louise ang sinasabing surprise gift niya kay Enzo?

“Actually, siya na lang ang tanungin ninyo!” sabay tawa ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SOMETHING NEW. Pagkatapos ng One True Love, wish ni Louise na isang primetime series ulit ang sunod niyang maging proyekto.

“Gusto ko rin, something new. Na kung nag-heavy drama ako, gusto ko naman mas light. Or ibang genre ng acting naman.”

Hindi na ba siya tatanggap ng supporting roles kagaya ng ginampanan niya sa My Beloved, na pinagbidahan dati nina Marian Rivera at Dingdong Dantes?

“Hindi naman! Walang ganoon, hindi ko iniisip.

"Kasi sabi nga ni Direk Gina [Alajar], there are no small roles,” sabi ni Louise.



COMFORTABLE WITH ALDEN. Gugustuhin ba niyang magka-loveteam pa rin sila ni Alden sa susunod na project, o type naman niyang solo lang siya o di kaya ay iba naman ang kapareha?

“Gusto ko po, tuloy pa rin ang loveteam namin ni Alden. Kasi parang kumportable na ako sa kanya.

“Pero depende pa rin sa network kung sino yung gusto nilang ibigay sa akin na ka-partner.

“But actually, ngayon lang naman nila [GMA management] sinobrang push yung loveteam namin ni Alden.

“Kasi dati, siya, paiba-iba ng partner. Dito lang sa One True Love nila sobrang pinush [pushed].

“Pero hindi ko pa alam kung ano yung plans ng GMA for us.”



ISSUE WITH MOMMY. Nitong mga nakalipas na araw ay naiintriga ang ina ni Louise na si Mrs. Elvira delos Reyes na "mahadera" raw.

Ipinagtanggol naman ng young actress ang ina.

Aniya, “Kasi si Mama, hindi naman siya ganoon. Siguro nami-misinterpret lang siya.

“Pero katulad ng ibang ina, gusto niya yung best para sa anak niya.

"So siguro, hindi lang naiintindihan ng ibang tao iyon.

“Gusto ko lang sabihin sa mga hindi maganda ang sinasabi about her, sana tigilan ninyo na.

"Kasi si Mama, mukha lang siyang mataray. Pero hindi, sobrang maramdamin siya.

"At hindi siya sanay sa mga issues na ganyan… like me na nandito talaga sa field.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-uusapan ba nila ng mommy niya ang tungkol dito?

“Opo. Pero minsan ayoko na ring i-open sa kanya ang tungkol doon.

"Nakikita ko kasi, affected siya... oo.

“At kapag nakikita niya na nasasaktan ako, doble ang sakit nun para sa kanya—kasi siya ang ina ko.

"So, nagpapakatapang ako para sa kanya.”



LOUISE’S APPEAL. Pakiusap pa ni Louise, “Tigilan na sana siya.

"Kasi yun na nga lang ang gusto ni Mama, e, na gusto niyang samahan ako. At nakikita niya akong tumaas.

"Naiiyak ako!” sabi ng young actress na nangingilid na ang luha.

“Kaya sana, tigilan na nga siya na batuhin nang batuhin ng mga issues.

“Ako, nagpapaka-positive ako. Pero siyempre, kapag family na, sino ba naman ang hindi masasaktan?

“Si Mama," patuloy niya, "lalo sa mga pagkakataon na nakakasama namin yung ibang tween stars, siya na ang parang mama ng lahat.

“Hindi lang siya basta nagke-care para sa akin at sa ikakabuti ko, kundi yung lahat na tinatrato niyang anak.

“Siguro yung ibang tao lang, yung pagka-prangka niya at yung pagka-straight to the point niya, nami-misinterpret.”

Ano ang best quality ng mommy niya bilang ina na hindi alam ng ibang tao?

“Alam ninyo yung unconditional love? Siya yung nanay na kahit para kaming aso’t pusa…

“Pero at the end of the day, magso-sorry kami sa isa’t isa. Mahal namin ang isa’t isa.

“Si Mama, madali siyang magpatawad, lalo na sa akin—lalo na sa pamilya.

“And kapag nakilala mo kasi si Mama, mas kalog pa siya sa kalog...

"Once you get to know her, makaka-jive mo talaga siya kasi sasakyan niya kung ano yung trip mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN