Gary Valenciano happy about Zsa Zsa Padilla’s successful operation

Ayon kay Gary Valenciano, ito ang mensaheng nais iparating ng I Do Bidoo Bidoo: “Isa lang talaga ang nais mangyari ng bawat pamilya—to be happy, matupad lahat ng pangarap ng magulang para sa mga anak nila.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gary Valenciano sa premiere night ng pelikulang kinabibilangan niya, ang I Do Bidoo Bidoo, noong August 28 sa SM Megamall.

Ipinaabot ng tinaguriang Mr. Pure Energy ang pasasalamat sa media sa pagtulong sa promo ng I Do Bidoo Bidoo, na palabas na ngayon sa mga sinehan.

Aniya, “Ako, talagang unang-una, yung lahat ng nagbigay ng tulong… kayong taga-media na nakapanood na ng pelikulang ito…

“What a thrill, kasi may mga nagsasabi sa akin na puwede pala tayong gumawa ng pelikulang ito.

“Sabi ko mismo, kaya napakalaking blessing para sa akin na naging bahagi ako dito sa I Do Bidoo Bidoo."

Ano ang mensahe ng pelikula na nais nilang itawid sa publiko?

“Siguro dahil sa kuwento, ha? Mayaman man o mahirap ang pamilya, halos pareho lang… iba lang yung approach o yung notion na ginamit.

"But in the end, isa lang talaga ang nais mangyari ng bawat pamilya—to be happy, matupad lahat ng pangarap ng magulang para sa mga anak nila.

“I think it’s a message whether you are rich or poor…

“Yun palagi ang nais ibigay ng mga magulang sa mga anak nilang minamahal."



HAPPY FOR ZSA ZSA. Bago pa man magsimula ang premiere ng I Do Bidoo Bidoo, lumabas na ang balitang naging matagumpay ang operasyon ni Zsa Zsa Padilla, na gumaganap na asawa ni Gary sa pelikula.

Noong August 27 ay sumailalim sa operasyon si Zsa Zsa—na isinagawa sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles, California—upang tanggalin ang bukol sa kanyang kidney.

Pagkatapos ng operasyon, napag-alaman mula sa pathology na ang nakuhang bukol o tumor sa kidney ng Divine Diva ay benign.

Ibig sabihin, hindi cancerous ang tumor ni Zsa Zsa.

(CLICK HERE to read related story.)

Siyempre pa, masaya si Gary sa magandang balitang ito.

“I’m very, very happy for Zsa Zsa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mamaya iti-text ko siya, but I’m not expecting any response kasi palagay ko nagpapahinga siya ngayon.

“But I’m so happy that it was successful and I’m waiting for her to come home kasi bibigyan siya…

"Bibigyan siya ng isang buwang pahinga bago siya makauwi to work.

“Not to come home and rest, but to come home and work. Puwede na siya magtrabaho.

“So, hihintayin na lang natin ang pag-uwi ni Zsa Zsa,” saad ni Gary.



X FACTOR. Inusisa rin ng PEP kay Gary ang pagkakalagay lagi ng kanyang mga contestants sa bottom two ng X Factor Philippines.

Ang X Factor Philippines ay ang reality talent search show ng ABS-CBN hosted by KC Concepcion.

Kasama ni Gary bilang celebrity judge-mentors sina Martin Nievera, Charice, at Pilita Corrales.

Si Gary ang judge-mentor ng mga grupong Daddy’s Home, Take Off, at A.K.A. JAM.

Bilang mentor, nakaatang sa balikat ni Gary ang pag-o-oversee sa rehearsals, choice of songs, at performance ng tatlong grupong hawak niya.

Nauna nang namaalam sa top 12 ang A.K.A JAM.

Dalawang beses namang nalagay sa alanganin ang grupong Take Off, pero nailigtas ito sa text votes dahil nagkaroon ng deadlock.

Ano ang pakiramdam ni Gary na madalas nalalagay sa bottom ang kanyang mga grupo?

Sagot ng singer-actor, “Mahirap talaga yung grupo, kasi even in X Factor sa abroad, ang grupo lang palagi ang nalalagay sa bottom two at natatanggal—pero challenge para sa akin yun.

“Pero ang sinasabi ko lagi sa grupo ko, na kahit tapos na ang X Factor, hindi pa ako tapos sa kanila.

“So gagawin ko ang lahat para matupad nila ang mga pangarap nila.”

Kagabi, September 2, muling nalagay ang Take Off sa Bottom 2.

Nakasama nila si Joan Da na nasa kategoryang Over 25 ni Pilita Corrales.

Pagkatapos ng kanilang performance, nagkaroon na naman ng deadlock dahil sa tie na botong 2-2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bumoto si Pilita at Charice laban sa Take Off, at sina Gary at Martin naman naman ay bumoto laban kay Joan Da.

Dahil sa deadlock, ginamit ang resulta ng text votes upang idetermina kung sino ang matatanggal sa kanila.

Sa huli, tuluyang namaalam ang Take Off dahil sa mababang text votes kumpara sa nakuha ni Joan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN