John “Sweet” Lapus misses hosting showbiz talk show

Proud na proud si John “Sweet” Lapus sa pagkakasali niya sa pelikulang I Do Bidoo Bidoo. Puring-puri niya ang mga iba pang kasama sa pelikula at kay Direk Chris Martinez. Sabi ni Sweet, “Many, many decades to come ay pag-uusapan ang pelikulang ito, sa history book… Nasa history books na ng Philippine cinema ang pelikulang I Do Bidoo Bidoo. It’s the best musical movie na prinodyus at ginawa dito


May special guest role si John "Sweet" Lapus sa musical film na I Do Bidoo Bidoo.


Bagamat maikli lamang ang partisipasyon niya sa pelikula, ipinagmamalaki pa rin ni Sweet ang pagkakasama niya rito.

Aniya, "It’s been an honor to be part of this movie kahit isang eksena lang yung ginawa ko.

“The fact na kasali ako… thank you Lord, kay Direk Chris Martinez, thank you.”

Dugtong ni Sweet, “Nakaka-proud.

"I am extremely proud of this movie—especially to my friend, the writer and director na si Direk Chris Martinez.

“Dahil nakagawa na naman siya ng isang obra maestra na sigurado ako na sa mga darating pang taon… many, many decades to come ay pag-uusapan ang pelikulang ito, sa history book…

“Nasa history books na ng Philippine cinema ang pelikulang I Do Bidoo Bidoo.

"It’s the best musical movie na prinodyus at ginawa dito sa ating bansa.

“Kaya ini-encourage ko ang lahat na Pilipino, panoodin po ninyo dahil ito po ay para sa ating mga Pilipino, para sa buong pamilya—bata, matanda.

“Ang pelikula ay nakaka-inspire, nakakaiyak, nakakaaliw, nakaka-in love.

“So I assure you, after ninyo pong mapanood ang pelikulang ito ay gagaan po ang inyong pakiramdam…

“And magiging proud kayo na you are a Filipino.

“At magiging proud ka na buhay ka pa at napapanood ninyo ‘tong pelikulang ito."

APO HIKING SOCIETY. Patuloy pa ni Sweet, “At magiging proud ka na kababayan mo ang Apo Hiking Society, na gumawa ng napakabongga at napakagagandang kanta na nasa isip at puso ng mga Pilipino.

“And with that, I salute the Apo Hiking Society.

"Maraming-maraming salamat to actually… that I was able to know you habang ako ay buhay pa.

"You guys are the best.”

Napakanta raw si Sweet kasabay ng audience na lumaki at tumanda sa mga kanta ng Apo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napapakanta ako, magandang panoorin talaga ito kasama ng barkada kasi sabay-sabay kayong kakanta.

“Lalo na kung alam mo yung mga kanta ng Apo or fan ka.

"Dahil ako, lumaki ako na kinakanta ko ang mga kanta ng Apo Hiking Society."



BACK TO MOVIES, THEATER. Sa mga naunang panayam kay Sweet, idineklara niyang "jobless" na siya pagkatapos ng Makapiling Kang Muli, ang teleserye ng GMA-7 na tinatampukan ni Richard Gutierrez.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero paglilinaw ni Sweet, sa telebisyon lang naman daw siya magiging "jobless" dahil dalawang pelikula naman ang kanyang ginagawa.

Aniya, “Okay naman ako. Okay naman kasi meron naman akong mga pinagkakaabalahan.

“Yung Of All The Things ni Aga Muhlach at Regine Velasquez, na after three years ay finally maipapalabas na.

“Then si Enteng, Si Agimat at Si Ako.”

Back to theater din daw siya ngayong September sa kanyang alma mater, sa University of Santo Tomas.

Kuwento niya, “By September, magre-rehearse na ako ng isang play sa Teatro Tomasino.

“At this time, direktor po ako, pang-35th anniversary ng grupo.”



MISSES HOSTING. Medyo nalungkot naman si Sweet nang matanong sa kanya ng PEP ang tungkol sa kanyang unang love—ang paghu-host ng isang showbiz talk show.

Nagtapos na kasi noong July ang showbiz-oriented talk show ng GMA-7 na Showbiz Central, kung saan isa siya sa mga naging host.

Lahad ni Sweet, “Naka-miss ang hosting… I miss hosting.

“Ako kasi, I’ve been working in a showbiz-oriented talk show for the past 19 years, sa career ko sa showbiz.

“Magtu-twenty years na ako next year sa showbiz.

"Lahat ng trabaho ko ay sa mga talk shows—showbiz tsismis shows halos.

“Nakaka-miss din pala magbigay ng mga tsismis at mag-share ng tsismis sa kanilang mga paboritong artista. Nakaka-miss din.

"So ngayon, bumabawi na lang ako sa Twitter ko at sa Instagram ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dun ako nagbibigay ng mga konting tsismis para naman hindi masyadong ma-miss.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN