Part 2. Kris Bernal denies that she and Carl Guevara are already an item

Kris Bernal sa balitang mahigit isang buwan na raw silang mag-on ni Carl Guevara: “Hindi po totoo ‘yon na more than one month na kami. Ang bilis naman. Naging close talaga kami, June, e. So kung more than a month na kami, parang ang bilis! Teka lang!”


Natawa ang Kapuso actress na si Kris Bernal nang matanong tungkol sa kanila ni Carl Guevara.

“Hindi ko alam!” sabi ni Kris sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

May balita pa ngang more than a month na raw silang mag-on, bagay na pinabulaanan naman ng young actress.

“Hindi po totoo ‘yon na more than one month na kami. Ang bilis naman!

“Naging close talaga kami, June, e.

"So kung more than a month na kami, parang ang bilis! Teka lang!” tawa na naman niya.

Ayon sa report, July 26 daw officially naging sina Kris at Carl. Kaya nitong August 26 ay nag-one month anniversary na diumano sila bilang magkasintahan.

“Talaga?” sabay bungisngis ni Kris.

PUPPY LOVE. May ibinigay pa nga raw na aso si Carl bilang gift sa kanya.

Paliwanag ni Kris, “Binigyan nga niya ako ng puppy, pero hindi for a monthsary. Walang okasyon.

“Nakita niya kasi na may tweet ako na gusto kong magkaroon ng pet dog.

"Tapos nagulat ako na isang araw, may dala siya sa bahay na aso.

“Iyon lang. Pero walang okasyon.

"Nabasa lang nga niya sa Twitter na gustung-gusto ko talagang magka-aso kaya binilhan niya ako.

“Pero hindi po totoong kami na. Wala pa.

"Pero masasabi ko, a… lumalabas kami. Nagde-date kami.

“Kaya lang, sabi ko... kasi magiging busy ako sa Coffee Prince, so less expectations, gano’n.

“Let’s see. Malay mo, kaya naman.”

Ang ibig sabihin ni Kris ay ang pagsabayin niya ang pagiging abala sa taping at pagkakaroon din ng time para kay Carl.

EASY TO FALL IN LOVE. Ang impresyon ng iba kay Kris ay parang ang dali raw niyang ma-in love o mag-fall sa isang guy.

Ano ang reaksiyon niya rito?

“’Yon nga raw ang sinasabi ng iba tungkol sa akin, e.

“Madali akong ma-in love, sa totoo lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero isip pa rin ang ginagamit ko kesa puso, e. Siguro dahil mas mature na ako ngayon.

"At saka marami na rin akong experiences from the past na may mga mali akong nagawa dahil ginamit ko yung heart ko!” tawa niya.

Dagdag ng 23-year-old actress, “Mas naging careful ako ngayon, oo naman po.

“At saka si Carl kasi, ilang months pa lang, e, kaya hindi ko masabi. Hindi mo pa talaga makikita yung totoong ugali ng isang tao, e.

“Natutuwa naman ako sa mga ipinapakita ni Carl sa akin. Kasi gusto ko yung atensiyon at care na ibinibigay niya at yung kanyang concern sa akin ngayon.

“Pero yun nga, ayoko kasi na madaliin.

"Ayaw ko na rin kasing kasing mangyari na parang madali lang, na nawala din agad, e.

“So ngayon, mas kinikilala ko muna.

"At saka yung iniisip ko nga sa ngayon, yung pang-long time na relationship. Hindi na yung basta-basta.”



CARL’S ABS. Yummy sa paningin ng maraming girls si Carl dahil sa maganda nitong pangangatawan. Ganito rin ba ang dating sa kanya ng aktor?

Sabi ni Kris, “Niloloko ko nga siya. Inaasar ko kasi ‘yang si Carl.

“Kasi pinaghahandaan niya yung fashion show niya sa Bench anniversary.

"So inaasar ko siya na, ‘Wow, abs, yummy!’ Gano’n!

“Pang-asar ko lang ‘yon sa kanya.”

Manonood ba siya sa pagrampa ni Carl sa Bench fashion show sa September 13 and 14?

“Hindi, e. Busy na kasi sa Coffee Prince, e,” sagot niya.

CARRER OVER LOVE. Speaking of Coffee Prince, na balik-tambalan nina Kris at Aljur Abrenica sa telebisyon, hindi kaya dumating sa punto na kahit gusto na ni Kris halimbawang sagutin si Carl ay pipigilan ng young actress ang kanyang damdamin dahil baka makaapekto ito sa loveteam nila ni Aljur?

Pag-amin ng dalaga, “Iniisip ko ‘yon na baka makaapekto dahil career talaga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang priority ko ngayon, work, e.

"Kumbaga, dati nagkaroon ako ng lovelife, tapos yun ang naging priority ko.

"And then, wala namang nangyari.

“Kaya sa ngayon, gusto ko muna talagang mag-focus sa work.

“So siguro, makakaapekto lang sa oras. Pero sa loveteam namin ni Aljur, hindi naman.”


Hindi naman kaya makaramdam ng selos si Carl o ma-threaten na parang baka maging karibal pala niya si Aljur?

“Hindi naman siya magseselos, kasi naiintindihan naman niya na trabaho ‘yon.

“At saka alam din niya na kapag trabaho, e, ano talaga ako...

"Sabi ko, sorry talaga. Na kapag nawalan ako ng time na hindi ko siya ma-text, maka-reply or whatever e dahil nagtatrabaho ako no’n. Gano’n.

“Maiintindihan niya ‘yon, kasi pinagdaanan din naman niya yung gano’n.”



CARL’S CHANCES? Ano ba ang pag-asa na sagutin niya si Carl kung talagang hindi pa sila?

Alin ang mas lamang sa isip at puso niya: Ang maging magkaibigan lang sila dahil priority niya ang trabaho o puwedeng maging sila nga?

Matagal na nag-isip ng isasagot si Kris.

Sa huli, sabi niya, “Friends muna.

"Kasi gusto kong mag-concentrate muna sa Coffee Prince, e. Kasi ang ganda nung proyekto.

“At ayoko namang gawin siya na parang basta-basta na lang ako nagtatrabaho. Gusto ko siyang karerin.

"At gusto kong mag-focus, mag-concentrate.

“Napakabigat ng role ko kaya career more than anything.”

Pero gusto niya talaga si Carl? Pasado ito bilang boyfriend sa kanya?

“Pasado. Pasado si Carl. Kasi napakabait niyang tao,” sagot ni Kris.

Pagkatapos kaya ng Coffee Prince ay puwede na niyang bigyan ng chance si Carlo na maging boyfriend niya? Lalo’t willing naman daw maghintay ang binata?

“Oo nga raw, e. Nakakaloka nga si Carl!” tawa na naman ni Kris.

“Puwede!

"Sabi ko naman sa kanya, basta kapag kaya kong ibalanse at dalhin pareho ang career at lovelife, okey lang sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kung hindi, sorry! May trabaho po ako, e!”

Binibiro ba siya ni Aljur tungkol kay Carl?

“E, kasi si Aljur, alam naman niya lahat ng mga nanliligaw sa akin kaya nagku-comment ‘yan kapag ayaw niya o kapag gusto niya.

“Sasabihin niya sa akin kapag nagiging barkada na yung guy na manliligaw, magiging honest siya sa akin.

"And so far naman, okay naman siya kay Carl.

“Kung paano ko raw nakikilala si Carl ngayon, ganun din daw naman niya nakilala si Carl nung nagkakasama sila.”

Nagku-comment din ba si Kris kapag napag-uusapan naman nila ni Aljur kung sinuman ang babaeng nauugnay sa aktor?

“Gano’n din ako kay Aljur. Pareho lang kami na open sa isa’t isa kahit tungkol sa ganyang bagay.”

Lately, parang may problema sa usaping pag-ibig si Aljur.

Pagkatapos nga ng Party Pilipinas kahapon, marami ang nakapansin sa matagal at seryosong pag-uusap ng aktor at ng beteranong TV host na si German Moreno.

At ang naulinigang payo ni Kuya Germs kay Aljur, huwag paapekto sa heartaches at trabaho muna ang mas bigyang-pansin.

May alam ba si Kris kung may iniinda ngang problema sa lovelife si Aljur?

“Wala,” nangiting sagot agad ni Kris.

“Ayoko na lang magbigay ng comment tungkol diyan.

"Kasi pagdating sa personal o lovelife niya, ayoko ring pakialaman, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN