Enzo Pineda on rumored girlfriend Louise delos Reyes: "...we both inspire each other."

Ang wish ni Enzo Pineda para sa rumored girlfriend niyang si Louise delos Reyes na katatapos lang mag-celebrate ng 19th birthday: "I hope na mas marami pang blessings ang dumating sa kanya. Dahil si Louise, isang sobrang bait na tao. Sobrang mapagbigay. Sobrang sweet and everything. So, I’m sure mababalik lahat ang kabaitan niya.”


Hindi na kayang itago pa nina Enzo Pineda at Louise delos Reyes sa kanilang mga kilos ang maganda nilang pagtitinginan.

Last Sunday, September 2, namataan sila ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magka-holding hands na bumababa mula second floor dressing room ng Studio 7 ng GMA Network Studios, patungo sa kinabibilangan nilang show na Party Pilipinas.

Tinanong ng PEP si Enzo kung sila na nga ba talaga ni Louise.

“Uy, hindi, a! Wala!” sabay tawang reaksiyon ng binata.

Si Louise naman, kapag natatanong ay sinasabing "special friends" daw sila ni Enzo.

Sa katatapos lang na 19th birthday ni Louise, ikinuwento ni Enzo na nauna na niyang ibinigay ang regalo niya sa dalaga, bago pa dumating ang araw ng kaarawan nito.

“Sinalubong ko ang birthday niya. Tapos ibinigay ko ang gift ko sa kanya in advance.

“Birthday din ng kuya ko nung August 30. Inuna ko muna si Louise," lahad ni Enzo.



THE GIFT. Isang Hello Kitty bag at pabango ang regalo ni Enzo sa kanyang rumored girlfriend.

Aniya, “Happy ako sa kanya. Okay yung production number niya sa Party Pilipinas. I’m really proud of her.

“And I hope na mas marami pang blessings ang dumating sa kanya. Dahil si Louise, isang sobrang bait na tao.

“Sobrang mapagbigay. Sobrang sweet and everything.

"So, I’m sure, mababalik lahat ang kabaitan niya.”



ENZO’S GIFT FROM LOUISE? Ipinagdiwang din ni Enzo ang kanyang 22nd birthday last August 12.

Naibigay na ba ni Louise ang sinasabing surprise gift nito sa kanya?

Ayon kay Enzo, “Hindi naman importante sa akin ang gift.

"Masaya na ako na makasama ko lang siya, happy na ako. Mas importante sa akin yung oras.”

Sa mga madalas na makapansin sa sweetness sa isa’t isa nina Louise at Enzo, obvious na may special na nga raw na pagtitinginan ang dalawa.

Sabi ng mga nakakapansin sa dalawa, kaya lang daw siguro hindi maamin nina Louise at Enzo ang tunay na estado ng kanilang relasyon ay para maprotektahan ang pakikipag-loveteam ni Louise kay Alden Richards sa One True Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Enzo, “Kami kasi, focused lang naman kami sa trabaho ngayon.

"And at the same time, yun, we both inspire each other.

“E, kami ni Louise, nagtutulungan kami kahit hindi kami magkatrabaho.

“So, alam mo yun? We try to pull each other up.”



IN HIS UNDIES. Inimbita na raw ni Enzo si Louise na manood ng Bench 25th anniversary show, ang Bench Universe: The 2012 Denim and Underwear Show na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa September 13 and 14.


Pupunta ba ang dalaga para panoorin ang kanyang pagrampa sa kauna-unahang pagkakataon na naka-underwear kasama ang iba pang artista at modelo?

“Oo naman. Hopefully kung wala siyang schedule, di ba?” sagot ni Enzo.

Ano nga pala ang reaksiyon ni Louise sa pagpayag ni Enzo na rumampa na underwear lang ang suot?

“Alam naman niya na Bench Body [endorser] ako. So, okay naman!” sabay ngiti ulit ni Enzo.

“Proud naman siya sa akin dahil nakikita niya na napapagod din ako sa diet ko and everything.

“Kasi kapag nagda-diet ka, dini-deprive mo ang sarili mo sa maraming bagay, lalo na sa pagkain.

“Ayun, konting tiis na lang, malapit na ang fashion show. I’m really excited!

“Hindi ko lang alam kung may fitting na kami next week.

"So, excited ako kung ano yung susuutin ko at kung ano ang gagawin ko.”

Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Louise kung sakaling makita na sa Bench anniversary fashion show ang hubad niyang katawan?

“Ewan ko. Ewan ko sa kanya!” sabay halakhak ni Enzo.



TOGETHER IN AN INDIE MOVIE. Magkasamang nagsu-shoot ngayon sina Enzo at Louise ng indie film na Basement.

Hindi sila magkapareha sa istorya, pero happy na rin daw ang binata dahil ito ang unang beses na nagkasama sila ni Louise sa isang project.

Ayon kay Enzo, “Naka-three days na kami ng shooting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabilis lang kasi isa lang ang location namin, basement lang.

"So, tuluy-tuloy ang eksena.”

Sa Basement, ginagampanan ni Enzo ang papel ng married man na may kerida.

Sino ang gumaganap na asawa niya at sino naman ang gumaganap na kabit?

“Actually, hindi na ipapakita yung character ng wife ko. Si Sarah [Lahbati] ang kabit ko.”

May intimate scenes ba sila ni Sarah?

“Meron yata. Hindi ko pa lang alam kung gaano ka-intimate yung eksena dahil hindi pa nakukunan.

“If ever, siguro hindi magiging gano’n ka-daring.

"Tingnan natin,” nakangiting sabi ni Enzo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN