Sam Milby on Maja Salvador-Matteo Guidicelli breakup: "No, I’m not the third party."

Hangga’t maaari ayaw nang maidawit ni Sam Milby sa breakup nina Maja Salvador at Matteo Guidicelli, pero dahil sa na-link sila noon ng young actress ay lumilitaw muli ang pangalan ng Fil-Am actor-singer. Pero diin ni Sam, “Ayokong idamay ang sarili ko sa usapan na ‘yan ’coz I’m not the third party. So I don’t like to be like the third party kasi hindi naman ganun."


Bagamat humupa na ang mga usap-usapan tungkol sa breakup nina Maja Salvador at Matteo Guidicelli, muli namang nauungkat ang pagkaka-link noon ng young actress sa Fil-Am actor-singer na si Sam Milby.

Nagkasama noon sina Sam at Maja sa ABS-CBN afternoon soap na Impostor (2010), sa panahong hindi pa boyfriend ni Maja si Matteo.

Pero pagdidiin ni Sam, wala siyang kinalaman sa breakup ng dalawa.

“Friends kami ni Maja, and no, I’m not the third party.

“Ayokong idamay ang sarili ko sa usapan na ‘yan ’coz I’m not the third party.

"So I don’t like to be like the third party kasi hindi naman ganun.

“Ayokong pag-usapan na lang kasi hindi naman ako third party or cause ng breakup nila.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Sam sa 6thStar Magic Ball noong Sabado, September 1, sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel.

Since walang girlfriend ngayon si Sam at single na ulit si Maja, may chance bang mauwi na silang dalawa sa tunay na ligawan?

Sagot ni Sam, “We’re friends. I don’t want to say may balak ako o wala… basta we’re just friends.

"I’ve hardly been on a date."



NO DATE. Speaking of date, ito na ang ika-tatlong taon na walang ka-date si Sam sa taunang Star Magic Ball.

Huli siyang nagkaroon ng date sa Star Magic Ball noong 2009 nang sila pa ng ex-girlfriend niyang si Anne Curtis.

Kasabay na dumating this year ni Sam sa Star Magic Ball ang kaibigang si John Prats.

Nang tanungin kung bakit wala siya ulit ka-date, ito ang isinagot ni Sam:

“Wala akong date… kailangan ba?

"Kasama ko ang handler ko. Mabuti naman na nandito siya.

"Pero ka-date, wala."

Dagdag ni Sam, “It’s one of the biggest events for ABS-CBN.

"It’s like an awarding talaga, parang Academy Award, a big prom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s an event everyone is looking forward to see what they’re wearing, who they’re with, what’s gonna happen.”


TELESERYE WITH JUDAY. Nadako naman ang usapan sa teleseryeng ginagawa ngayon ni Sam, ang Against All Odds, kunsaan kasama niya sina Judy Ann Santos at KC Concepcion.

Naging kontrobersiyal ang pagsisimula ng teleseryeng ito, na hudyat din ng pagbabalik sa drama ni Judy Ann.

Bukas ang manager ni Judy Ann na si Alfie Lorenzo na ayaw niyang makapareha ni Judy Ann si Sam, pero natuloy pa rin ang pagsasama ng dalawa.

Kuwento ni Sam, “Nagte-taping pa rin kami, nag-taping kami kahapon [August 31].

“Sobrang bait niya [Juday] to the staff, sa lahat, to everyone.

"She cares for the whole production, sa amin.

"She’s always bringing food para sa lahat... sobrang bait talaga," papuri niya sa aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN