Cesar Montano insists he will not run for any position in 2013 elections: “Talagang wala akong planong tumakbo."

Muling iginiit ng actor-director na si Cesar Montano na hindi siya tatakbo sa 2013 elections. Pinabulaanan din ni Cesar ang balitang siya ang magiging running mate ni Mayor Alfredo Lim sa Manila sa susunod na eleksyon.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin matigil ang pagtatanong kay Cesar Montano kung tatakbo siya sa 2013 elections.

Ngunit nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa presscon ng pelikula niyang Biktima kahapon, September 4, muli ngang ipinagdiinan ng actor-director na wala sa plano niya ang pumasok sa pulitika sa kasalukuyan.

Aniya, “Talagang wala akong planong tumakbo.

“Maraming nag-i-invite sa akin o nagsa-suggest na puwede kang tumakbo ngayon, but wala kasi talaga sa plano ko, e.”

Matatandaang kumandidato na noon si Cesar bilang senador sa 2007 elections, pero natalo siya.

Muli siyang tumakbo bilang gobernador naman ng Bohol noong 2010, pero hindi rin siya pinalad na manalo.

Ang tanong tuloy sa kanya: Nadala na ba siya sa pagkandidato?

“Hindi naman. Hindi ko sinasabing I’m closing my door [sa politics]. Puwede pang tumakbo, pero hindi lang ngayon.”

Mas gusto ngang i-prioritize ni Cesar ang paggawa ng mga pelikula.

“Kasi maraming naka-lineup na gusto kong gawin. Puro films yung nasa isipan kong gawin, e.

“Like yung the manuscript of Rizal, the story of Alejandro Roces about our national hero.

“Tapos nandiyan yung Blood For Blood, na gusto kong gawin before the year ends,” saad niya.



MAYOR LIM’S RUNNING MATE? Muli ring naungkat ang kumalat na balita na diumano’y kinukuha siyang running mate ni Manila Mayor Alfredo Lim bilang vice mayor.

Pero paglilinaw ni Cesar, walang kinalaman ang pulitika sa ginawa niyang pakikipag-meeting kay Mayor Lim.

Balak daw kasing gumawa ng pang-apat na filmbio ni Mayor Lim at si Cesar ang napili niya para gampanan ang role.

Saad ng actor-director, “Yun pa ang isang pelikulang gagawin ko, yung biopic ni Alfredo Lim.

“Pang-apat na pala niya yun.

"The first one was Daboy [Rudy Fernandez], the second one was Ramon Revilla Sr., third si Eddie Garcia.

“Eto yung fourth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya ko nagustuhan naman, kasi yung istorya is from the book of Nick Joaquin. Meron pala siyang ginawa dati sa buhay niya na napakakulay.

“Si Alfredo Lim pala ay iniwan sa Hospicio de San Jose noong bata pa siya at dun na siya nagkaisip.

“Tapos 1967, meron siyang hinabol na mga magnanakaw.”

Okay ba siya sa idea na maging running mate ni Mayor Lim?

Sagot ni Cesar, “It’s not about the idea. Ako, honor sa akin yun na maging running mate kami ni Alfredo Lim.

“But kung ngayon na ako tatakbo with him, I don’t know… papaano ko gagawin yun sa dami ng movie assignments or yung gagawin kong pelikula?

“Hindi pa kami nag-uusap tungkol diyan [elections]. Nag-usap kami tungkol sa movie.

“At saka sabi niya sa akin, yun na raw muna ang pag-usapan namin. And then I respect that.”

So, malabo na maging running mate siya ni Mayor Lim sa 2013 elections?

“Malabo, malabo!” natatawa na lang na sagot ni Cesar.


FAMILY’S APPROVAL. Pero ano yung puwedeng makapagpa-oo sa kanya sa pagtakbo ulit?

“Well, hindi naman yung offer, e, but kailangan nasa puso ko rin, e.

“At saka kailangan sasang-ayon din ang pamilya ko, sasang-ayon din unang-una si Sunshine.

“Kailangan hindi lang ako ang magdedesisyon,” sabi ni Cesar.

Okay lang ba sa misis niyang si Sunshine Cruz na tumakbo siya ulit?

“Yeah, but ngayon hindi muna.”

Biro pa ni Cesar, dapat din daw aprubado ng manager niyang si Shirley Pizarro ang kanyang pagtakbo sa pulitika.

Tila ayaw raw ni Shirley na mag-file siya ng candidacy sa Oktubre.

“Ayaw ni Shirley na mag-file. Ang unang-unang makakaalam kung magpa-file ako ay si Shirley talaga.

“Kailangan nilang makumbinsi si Shirley Pizarro!” sabi ni Cesar sabay tawa nang malakas.

Ano pa ba ang kailangan niyang ihanda kung sakaling papasukin niya ulit ang pulitika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi unang-una, kailangan mo ng buwelo, kailangan naka-buwelo ka at meron kang organisayon na malaki.

"At saka nakapag-prepare ka nang husto. Ewan ko kung paano ko gagawin yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN