Cesar Montano wants to do a John and Marsha-like sitcom with Maricel Soriano

Cesar Montano at sa pangarap niyang magawa nila ni Maricel Soriano ang John and Marsha: “Pero gusto ko, ganung-gano’n ang tema. Nasa squatter pero naka-flat TV, di ba? Naka-flat screen. Gano’n, pero pag pumasok ka ng bahay…”


As always, excited si Cesar Montano sa kanyang bagong proyektong Biktima—isang indie movie na pinagtatambalan nila ni Angel Aquino, sa direksiyon ni RD Alba at showing sa September 19.

Isang magandang obserbasyon ng karamihan na kapag may pelikula si Cesar o Buboy ay ramdam mo ang kanyang enthusiasm sa kanyang ginagawa.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Cesar sa bagong lipat niyang Belissimo Ristorante along Scout Rallos, Quezon City, kahapon September 4.

Pansumandali ay iniwan ni Cesar ang action genre.

“Ito naman, suspense lang,” bungad niyang paglilinaw.

“Para naman maiba. Katatapos lang no’ng action ko,” pagtukoy niya sa Hitman na ipinalabas early this year.

“Ngayon gusto kong bumalik ng drama. Para ma-convey ko naman yung message na kahit drama lang gumagawa po ‘ko ng drama. Hindi lang naman puro aksiyon lang ginagawa ko.



JOHN AND MARSHA REMAKE? Ngayong may TV show siya sa TV5 at ang Diamond Star na si Maricel Soriano ay gumagawa na rin sa Kapatid network, baka puwedeng magsama sila ulit sa isang sitcom gaya ng Kaya ni Mister, Kaya ni Misis na pinagsamahan nila noon sa ABS-CBN o remake ng John and Marsha.

“Kausap ko si Kitchie [Benedicto]. Sabi ko, ‘Ninang...’ ninang namin sa kasal, e. ’John and Marsha,’ sabi ko, ‘Gawin naman natin,’” pagtukoy niya sa kausap na siya ring producer ng longest-running sitcom.

Si Maricel na dating gumanap bilang si Shirley, na isa sa mga anak nina John at Marsha ay puwedeng gawing title ang pangalan ng character kasama ang palayaw ni Cesar na Buboy.

“Tama, Buboy and Shirley, di ba? Pero, John and Marsha ang dating. Talagang, gano’n kahirap,” pagtukoy niya sa estado ng buhay ng mag-asawang John at Marsha.



SITCOM IS BACK? Baka nga magandang timing na ibalik muli ang naturang show dahil kinakagat na muli ang sitcom sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, bumabalik. Pero gusto ko, ganung-gano’n ang tema.

"Nasa squatter pero naka-flat TV, di ba? Naka-flat screen. Gano’n, pero ‘pag pumasok ka ng bahay…” putol na nangingiting pahayag ni Cesar.

May Doña Delilah pa rin ba sa iniisip niyang pagbabalik ng John and Marsha?

Si Doña Delilah ang mayamang ina ni Marsha at biyenan ni John na lagi niyang nakakasagutan dahil sa panlalait nito.

“Gano’n pa rin. May gano’n," saad niya.

Ayon pa kay Cesar, magandang ibalik yung tema ng John and Marsha dahil nangyayari pa rin naman ang tema nito sa kasalukuyang panahon.

“Gano’n pa rin. Sa henerasyon ngayon, hindi naman na inabutan. Wala na.”

So, kumusta ang pag-uusap nila ng ninang niyang si Kitchie Benedicto?

“Ipa-follow ko. Isa-suggest daw niya sa meeting niya. Kailangang i-follow-up ko nga pala.”


TV5 CONTRACT? Ano ang estado niya sa TV5?

“Ngayon, hindi pa kami totally taling-tali sa 5, e. Ito parang ginawa lang while working on another project, bigger project. Tinanggap lang muna namin itong Artista Academy.”

Lumabas din siya sa Pinoy Explorer na travel show ni Aga Muhlach.

“Oo, guest. Nag-guest ako ke Aga. Nasa Bohol kasi siya.”

Wala pa siyang kontrata sa Kapatid network?

“Hindi pa. wala pa.”



BRILLANTE MENDOZA. Nakatrabaho na niya halos lahat ng direktor, meron pa ba siyang wini-wish na makatrabaho?

“Gusto kong makasama siya…si Brillante. Actually, binanggit ko na sa kanya. Sabi ko, ‘Gawa tayo,’" suhestiyon niya raw sa award-winning direktor na si Brillante "Dante" Mendoza.

“Yeah, excited na excited siya. Actually, kinausap ko si Solar, si Wilson Tieng kasi nakapirma si Brillante sa kanila, e.

"So, maraming pelikulang ire-release. Kaso meron silang pinaplanao para sa ‘kin.

“Binanggit ko na kasi kay Wilson Tieng, sabi, ‘Sige gawan kita ng Brillante. Pag-usapan namin.’”



MARILOU DIAZ-ABAYA. Malapit siya kay Direk Marilou Diaz-Abaya na naging direktor niya sa mga award-winning niyang mga pelikula gaya ng Jose Rizal (1998), Muro-Ami (1999), at Bagong Buwan (2001).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Direk Marilou ay kasalukuyang nakikipaglaban sa Stage 4 breast cancer. May balita ba siya tungkol sa magaling na direktor?

“Wala pa, wala pa. Pero tuloy pa rin yung chemotherapy niya.”

Nagkikita sila?

“Ngayon? Matagal na… Pag nagpapa-chemo siya ayaw niya kasing magpadalaw. Kasi baka hindi siya makapag-entertain ng mga bisita, e.

“The last time, matagal na. Matagal na rin. Pero kasi no’ng last time, November… December, nag-remission siya. Oo, ganda."

Ayon sa www.merriam-webster.com/medical, ang remission ay ang "state or period during which the symptoms of a disease are abated."

Sa estadong ito ng isang cancer patient, pansamantalang nawawala ang senyales o sintomas na nakikita sa isang pasyente.

Patuloy ni Cesar, “Nag-launch nga sila ng book kasama niya yung doctor niya. I’m very, very happy, Natutuwa naman ako. Pero tuloy pa rin yung chemotherapy niya."



HIS FAVORITE DIAZ-ABAYA FILM. Ano ang pinakapaborito niya sa pinagsamahan nilang mga pelikula ni Direk Marilou?

Muro-Ami.”

Hindi Jose Rizal?

Muro-Ami kasi ang pinaka…

"Alam mo yung Jose Rizal gagawin ko ulit ‘yan kahit apat na beses.

“Pero ang Muro-Ami hindi na. Sobrang hirap.”

Sakali raw ay gusto pa niyang gawin ulit ang buhay ng ating national hero na si Jose Rizal.

“Marami. Marami pang ano sa kanya, yung Europe niya," pagtukoy niya sa naging buhay ng Pilipinong bayani sa Europa na hindi naipakita sa pelikula.

“Naku, pag nakausap mo si Ambeth Ocampo, grabe, ang daming kuwento,” pagbanggit niya sa multi-awarded historian, academic, journalist, at author na kilala sa mga sinulat niya tungkol kay Jose Rizal.

“Ang daming kuwentong hindi ko na alam. Yung buhay nila ni Antonio Luna,” banggit pa niya sa isa pang bayaning Pilipino sa kanyang pagtatapos sa panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN