Carmi Martin on her search for a partner: “Pinagdaanan ko na yung gumulung-gulong ako, umiyak ako, and everything just to find the right guy.”

Hindi raw naiinggit si Carmi Martin sa mga kaibigan niyang may mga karelasyon at may pamilya na. Sabi niya: “Para sa akin, I don’t envy. I envy in a positive way that they have partners… masaya sila. Pero at the same time kung hindi para sa akin yun, hindi para sa akin yun. Pero I’m not closing my doors.”


Papasok na si Carmi Martin bilang kontrabidang si Divine sa 3rd generation ng Luna Blanca.

Makakasama ni Carmi sa third book ng Luna Blanca sina Heart Evangelista at Bianca King na gaganap sa twin title roles.

Kasama rin sa cast sina Christopher de Leon, Mark Herras, at Lani Mercado.

Sa presscon ng Luna Blanca noong Martes ng hapon sa mezzanine ng Imperial Palace Suites, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmi.

Ikinagulat daw ni Carmi ang pagpasok sa teleserye dahil wala nang pasakalye pa ang pagiging kontrabida niya.

Sabi niya, “Actually, noong binasa ko yung script, sabi ko, ‘Aba! Okey ’to! Hindi man lamang unti-unti? Bad kaagad!’

“’Hindi man lamang nag-isip-isip. Talaga namang doon sa sukdulan kaagad.’”

Ang ibig sabihin, hindi na kailangang i-workshop pa ang character niya dahil bihasa na siya ganitong mga role.

“Ay, sobra! Talagang master na master ko ang kontrabida. Ang poproblemahin ko na lang, yung susuutin ko,” tugon niya agad.

Si Carmi ang unang nag-taping sa grupo niya, kaya siya pa lang ang may dialogue sa trailer ng serye.

“Kasi more or less, nasubaybayan ko siya nung umpisa.”

“’Tapos, may part din ng second book na nasubaybayan ko siya, until lately, pinapanood ko siya para malaman ko ang continuity nung role.

“And at the same time nire-research ko na rin siya dahil palagi ngang napo-postpone yung story conference.

“Siyempre, gusto ko rin naman na hindi na ako pabigat. Gusto ko ring mag-research.

“Gaya ni Boyet [Christopher], nagtatanung-tanong din ako. ‘O, ano ba yung na-miss ko?’ Na ganito-ganyan,” paliwanag niya.

Natsa-challenge ba siya tuwing gaganap na kontrabida?

“Yung kontrabida, nai-excite na lang ako kung sino yung kasama ko at kung anong show.

“Siyempre, concerned ako kung ano ang maitutulong ko.

“Ahmm… minsan nae-excite at natsa-challenge pa rin ako paminsan-minsan doon sa mga eksenang naiibigay sa akin,” pahayag pa ni Carmi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DRAMA AND COMEDY ROLES. Hindi lang sa character roles magaling si Carmi, kundi maging sa comedy roles na nami-miss ng kanyang mga tagahanga.

“Oo nga, e,” pagsang-ayon niya.

“Di ba, yung huli ko e yung bonggang-bongga na No Other Woman na kakapiranggot lang, pero talagang nag-marka naman?

“Meaning to say, yung pagka-comedy, kapag talagang binigyan mo ako ng magandang materyal, carry, di ba?

“Pero meron din akong kapiranggot na role sa The Mistress, e.

“Pero doon naman, mother ako ni Bea [Alonzo]. Wala akong pang-red stiletto doon.

“Doon [sa The Mistress], medyo nahirapan ako dahil noong binigyan ako ng script, hindi ako maka-relate sa mga isusuot—duster!

“Pero dito [Luna Blanca], natutuwa rin ako dahil si Boyet, ang tagal ko na siyang hindi nakakatrabaho.

“Then, si Lani, first time ko siyang makaka-work. Even si Heart, first time kong makakatrabaho.

“Ang nakatrabaho ko na, si Bianca at si Mark sa dating soap namin.

“Si Bianca naman, itong last namin na afternoon soap namin. So, I’m very excited kasi alam mo ito na primetime."

Ang afternoon series na Broken Vow ang sinasabi ni Carmi na pinagsamahan nila ni Bianca.

“Saka ano rin, somehow ang dami na ring book one, book two, and book three na rin.

“So, somehow, kailangang pagbutihin din.

“Kasi nung napanood ko yung book one at book two, parang hindi rin naman lumaylay, e. Pagdating sa aktingan.

“They did their best talaga. At saka itong role na ibinigay sa akin, hindi lang basta kontrabida na kung kailan lang susulpot.

“Malaking role din ito kaya I’m very excited.”



STILL SINGLE. Ang mga kasabayan ni Carmi na sina Boyet at Lani ay may mga sarili nang pamilya.

Bakit hanggang ngayon ay nanatili pa rin siyang single?

“E, well sa akin kasi…siyempre, I’m so happy for the people na may pamilya at nagwo-work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi tulad niyan, may nag-interview sa akin regarding that…

"You know, I’ve already accepted that marriage is not for everybody.

“A lot us… malaking percentage ang hindi nagwo-work.

“And it seems na nakikita ko naman in my case, na hindi pa yun yung tamang tao or hindi ko alam kung dadating na tamang tao.

“I just don’t want to jump into something na ipinapakita na sa mukha ko na hindi dapat.

“So, may mga blessing din naman ang pagiging single ako.

“Sinasabi ko nga, ‘I have a few friends who are happily married, but I know a lot who are also in a rot,’ you know?

“Para sa akin I don’t envy. I envy in a positive way that they have partners… masaya sila.

“Pero at the same time, kung hindi para sa akin yun, hindi para sa akin yun. Pero I’m not closing my doors.

“E, yung mother ko nga, she got married at the age of sixty-two.”



ALL TYPES. Ayaw ba ni Carmi na sumugal sa buhay may asawa?

“Well, siguro merong negative in my thoughts that kailangan kong tanggalin.

“Pero let’s face it. Ang hirap talagang humanap ng partner ngayon.

“Kung hindi bakla… I mean, lalaki rin pala ang gusto rin.

“Or married din, o kaya nandyu-dyombag [nanakit], babaero, lasinggero.”

Nakaengkuwentro na ba siya ng mga lalaking binanggit niya?

“Ay, lahat silang in-example ko!” mabilis niyang tugon.

“Oo, tapos na!” sabay tawa niya.

Ibig sabihin, nagka-boyfriend na siya ng bading?

“Ay, hindi… pero nanlalaki na rin!” sabay tawa ni Carmi.

“Nakakatawa, meron akong ex na ngayon, lalaki na ang kasama, mga ganoon!

“Pero we’re friends naman,” patuloy niyang kuwento.

“Yun na nga, para sa akin… alam mo yun?

“Pinagdaanan ko na yung gumulung-gulong ako, umiyak ako, and everything just to find the right guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero it seems na hindi nakukuha sa pagmamaktol yun at pagta-tantrums.”

Nakaranas na rin ba siya ng physical abuse o battery?

“Hindi naman yung naospital ako, hindi ako umabot sa ganun.

“Pero siyempre, yung mga… alam mo yung verbal abuse at saka yung nakakatakot na tantrums na relationship?

“Many years ago na ito. Basta, may sari-sariling kuwento, in short.”

Na-develop ba ang phobia niya sa kasal dahil sa mga karanasan na ito?

“Ahh… I think so. And also nakikita ko rin kasi doon sa mga friends ko…

“Na I always say na kung sa akin siguro nangyayari yun, siguro nakipaghiwalay na ako... Yung mga ganoong things.”



SAME EXPERIENCE. Ibig bang sabihin nito, halos parehas din sila ni Carmina Villarroel na na-in love sa isang lalaki at ngayo’y mistulang babae na?

“Ay, medyo nakaka-relate ako!” sabay tawa ni Carmi.

“Pero hindi nga lang nagbihis babae!” tawa uli niya.

“Pero kami, magkaibigan na,” na ang tinutukoy ay ang sinasabing ex na bading na ngayon.

“Aba, meron pang nanligaw sa akin… Nung hindi ko sinagot, aba, noong makita ko, nasa Santacruzan na—siya ang Reyna Elena! Maryosep!

“Malakas yata ang appeal ko sa mga bakla!” halakhak niya agad.



NOT DATING. Hindi itinatanggi ni Carmi na wala siyang dini-date na lalaki ngayon.

“Sa ngayon, wala, e. I had a relationship last year. Pero parang…alam mo yun?

“Medyo gusto ko munang mag-relax, kasi baka kumota [meet the quota] na!”

Hindi ba siya na-involve sa tomboy?

“Ay, wala. Diyos ko hindi naman. Buti na lang! Buti na lang!” malakas niyang tili.

Hindi siya nag-resort sa ganung relasyon noong hindi naging successful ang relationships niya sa opposite sex?

“Ay hindi po. I don’t wanna judge people kung ano ang gusto nila sa buhay, pero para sa akin, hindi.

“Kasi siguro, ang focus ko yung pagiging Kristiyano ko, yung pagiging malapit ko sa Diyos.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala ba siyang planong magkaroon ng sariling baby?

“Ay, Diyos ko! Ano na ang lalabas doon?” tili niya.

O kaya’y mag-adopt ng anak?

“Hindi na muna siguro… well, I’m a Sunday school teacher. I take care of the kids and I’m happy being like that, you know.”



HAPPY FOR KATRINA. Sa pagkakaalam namin, malapit sa isa’t isa sina Carmi at Katrina Halili.

Malapit nang manganak si Katrina sa partner nitong si Kris Lawrence.

“Ay, happy rin ako for her. That’s her choice and yung… kilala ko nga yung taong yun.

“Nakapatahimik nga nun, noong nakasama ko sa soap. Parang natatakot ‘ata to trust anyone, and I don’t blame her.

“But we became close and she’s sweet. I’m happy for her, kasi magkakaroon na siya ng bundle of joy and she’s still young.

“Kasi minsan, mahirap na rin na may edad ka…wala kayong relationship… alam mo yun na…iba, e.

“Baka bigla na lang bigyan ng tukod noong bata yung nanay, di ba?”



SECOND CAREER. Maliban sa kanyang showbiz career, isa ring matagumpay na interior designer-decorator si Carmi.

Paano niya napa-practice ito sa gitna ng kanyang showbiz commitments?

“Ano naman ako, e. Parating sinasabi ko na I choose my clients. I choose projects that I’ll do.

“Why? Because I enjoy and I love being an actress. Ang pagiging artista sa akin…

“Siyempre namimili talaga ako ng projects and I’m blessed and lucky that I have both.

“Kasi I just finished a beautiful Tagaytay Highlands project.

“Mapi-feature siya sa mga magazine, dahil natapos na namin. It’s a condo sa Midland.

“Hayun nga, happy ako dahil meron akong fallback.

“At kapag medyo naiinis na ako, na puro karpintero ang kausap ko, mag-aartista naman ako. Magpupuyat naman ako.”

Ano ang kaibhan ng nararanasan niyang stress sa pagiging actress at sa pagiging interior decorator?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakaka-stress sa pag-aartista yung puyat.

“Pero ang stress naman ng pagiging interior decorator is that ako mismo ang parang captain ng barko.

“So, lahat ng responsibility, nasa akin yung design.

“Kung may credit na ikinaganda ng project, sa akin mapupunta yun.

“Pero once na may pumalpak, sa akin din isisisi. And it’s so time consuming.

“But you know, I love them both—yung ginagawa ko.”

Nakikita ba niya ang sarili niyang maging isang educator sa isang interior design-decorating school?

“Well… hindi ko alam. Parang hindi naman yata.”

Ang pagkakaroon ng sarili niyang company at kumuha ng iba pang mga decorator?

“Ahm... maybe. Yes. Pero hindi ko pa alam. Sinasabi ko nga, at least meron akong fallback.

“Gustung-gusto ko pa ring mag-artista, and kahit na medyo may edad, meron pa ring kumukuha. ”



LOUIS VUITTON COLLECTION. May mga nakapagsabing si Carmi raw ang isa sa iilang kauna-unahang artista na nagkaroon ng koleksyon ng Louis Vuitton?

“Totoo yun, totoo yun,” pagkumpirma niya.

“Kapag hinatak ng helper ko yung ano ko…puro Louis Vuitton, Louis Vuitton.

“During Dick and Carmi [dating show nila ni Roderick Paulate sa ABS-CBN] ‘yan.

“Talagang wala pang masyadong nangungulekta noon.

“Sobra akong nahilig nun…wala pa kasing sapatos at that time, e.

“Siguro kung meron, may koleksyon rin ako nun noon.”

“May appointment book, may cigarette case, may luggages, make-up kit, mga bags—ay, ang dami—mga bags na kumpleto!”

Malaking halaga na rin daw ang value ng kanyang koleksyon kung susumahin ang mga ito, ayon pa kay Carmi.

“Like for example, yung mga make-up [kit] ko na 200k na ngayon…

“Ang halaga during that time na bumili ako, 75k siya—yung hardcase. And I’m still using it now.”



INVESTMENTS. Walang balak si Carmi na ibenta ang mga koleksyon niya. Karamihan nga raw ay naipamigay na niya sa mga kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nangungulekta pa ba siya sa ngayon ng branded bags?

“Ay hindi na. Ang focus ko na ay mag-ipon for my future. Kasi I’m not getting any younger.

“And mas mabuting ready ako for anything if I get sick. Meron akong savings na mahuhugutan.”

Meron naman ba siyang real estate investment?

“Meron naman. Meron akong condos na mga for rent, mga ganyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN