Chito Miranda on Angel Locsin-Phil Younghusband romance: “Sobrang nakakakilig. Kasi hindi ako sanay na girl si Angel, e. Talagang macho talaga yun, e.”

Kuwento ni Chito Miranda, hiningan daw siya noon ng pabor ng kaibigan niyang si Angel Locsin para magbantay at kilatisin ang manliligaw pa nito noon na si Phil Younghusband. Pero sabi ni Chito, nabaitan daw siya sa Filipino-British footballer. “Parang nagalit pa nga si Angel sa akin na, bakit daw sobrang bait ko kay Phil. Sabi niya, dapat medyo pa-kuya daw dapat ako sa kanya, para kilatisin si Phil. Pero, wala, e. Sobrang bait talaga ni Phil, e.”


Marami nang nabuwag na banda na kasabay ng Parokya Ni Edgar.

Pero si Chito Miranda at ang mga kabanda niya, buo pa rin at kare-release lang ng bago nilang album, ang Parokya Ni Edgar, Inuman Sessions Vol. 2.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Chito sa presscon ng bago nilang album na ito sa Universal Records office sa Quezon Ave., Quezon City, nung Agosto 30.

Agad na tinanong ng PEP ang lead singer ng Parokya tungkol sa album.

“It’s a collection of all our old songs in the past,” simula ni Chito.

“What we did was, pinerform namin nang live habang lasing and we will see what will happen. Parang ganun ‘yang album na ito.

“It was sponsored by Tanduay, kaya yung crowd, lasing na lasing. So, it’s always fun doing that.

“Hindi lang basta greatest hits or basta live yung pagkanta namin kundi…

“Sabi namin, ‘Sige sponsor-an niyo kami ng alak, ‘tapos kakantahin namin lahat ‘yan.’

“Parang ganun yung nangyari sa album na ito.”

Hindi ba sila nag-alala na mahusgahan dahil lasing nga sila sa album?

“Well, hindi kami nagwo-worry, dahil yun talaga kami.

“So, we don’t want them to think na good boy talaga kami.

“Good boy kami, pero that’s what the album is all about, e,” ang pagkanta nang lasing ang ibig niyang sabihin.

“We are not propagating na, ‘Uminom kayo!’ Pero sinasabi lang namin na umiinom din kami.

“Hindi namin dine-deny yun.

“Puwede naman kaming mag-‘Gospel Session,’ pero hindi kasi yun yung mundo namin, e.

“Kaya itong inuman sessions na lang,” paliwanag ni Chito.



TRYING TO BE GOOD FOR NERI. Kumusta naman sila ng girlfriend niyang si Neri Naig?

“Ok naman kami ni Neri, matagal na rin kami. Ilang months na rin. Ok naman kami, we’re good,” sagot ni Chito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Chito, dahil daw kay Neri ay pinilit niyang magpakatino. May kanta pa nga raw siya para sa girlfriend na aktres.

“Yung ‘Para Sa ’Yo,’ na kanta. Kasi tina-try ko talaga magpakatino sa kanya, e.

“Hindi na ako masyadong lumalabas. Hindi katulad ng dati na inaabot talaga ako ng madaling araw sa labas with my friends, partying.

“Tinanggal ko lahat yun, e. I’m trying my best to be good always,” sabi pa ng singer.

Sa presscon proper, nabanggit ni Chito na hindi talaga siya marunong manligaw.

Kung totoo ito, paano niya napasagot si Neri?

“Katulad nung ibang naging girlfriends ko in the past, nagsimula lang talaga as friends. ‘Tapos nangyayari na lang na, ‘Tayo na!’ Yung ganun.

“Hindi talaga ako marunong manligaw na, may flowers, chocolates, or sweet messages on cards or text.

“Hindi talaga ako marunong manligaw, kung anong dapat gawin.

“Pero genuine friend ako. Maybe that helps a lot,” aniya pa.

May plano na ba silang magpakasal?

“Wala pa! Kasi bago pa lang kami. So, we’re not rushing into that thing.

“Hindi pa namin actually, pinag-uusapan.

“Enjoy muna kami na girlfriend-boyfriend.”



HIS FRIEND ANGEL. Hindi ba’t na-link sila noon ni Angel Locsin?

Ano ba talaga ang totoo sa kanila? Ano ang reaksiyon nila ni Angel?

“Wala naman! Minsan nga sinasakyan na lang namin kasi nakakatawa lang.

“Di talaga namin pinapansin ’yan. It was just funny for us,” paglalahad pa ni Chito.

Kumusta na nga pala sila ni Angel? Do they still keep in touch?

“Oo, we still hang-out, pero hindi na tulad ng dati.

“Before na di siya busy at di ako busy, saka wala siyang boyfriend at wala akong girlfriend, we hang-out together as friends lang talaga.

“Ngayon, may boyfriend na siya at may girfriend na ako.”

Ang football player na si Phil Younghusband ang sinasabi ni Chito na boyfriend ni Angel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag wala kaming trabaho, we rather stick to our own...”

Dumating ba ang point na nagselos si Neri kay Angel, at si Phil naman kay Chito?

“Of course not! Alam nila na friends lang talaga kami ni Angel,” sagot agad ng “Mang Jose” singer.

“Alam ng girlfriend ko na tropa ko lang talaga si Angel. Mas lalaki pa nga sa ’kin si Angel, e.

“Kayang-kaya niya nga akong gulpihin. He-he-he!”



HAPPY FOR ANGEL. Ano ang masasabi ni Chito sa pagiging in love ngayon ni Angel kay Phil?

“Sobrang nakakakilig.

“Kasi hindi ako sanay na girl si Angel, e. Talagang macho talaga yun, e.

“So, kapag nakikita mo siya na may boyfriend, cute! Nakakatuwa lang!”

Pero nung time na nanliligaw pa raw si Phil kay Angel ay humingi raw ng pabor ang aktres sa kanya.

“Isang beses lang, nung pinapunta niya ako nung magkikita sila at ipapakilala niya si Phil.

“Kasi, siyempre, tropa ko ‘yan, e. Babantayan ko sana si Angel, pero sobrang bait ni Phil, e.

“Parang nagalit pa nga si Angel sa akin na, bakit daw sobrang bait ko kay Phil.

“Sabi niya, dapat medyo pa-kuya daw dapat ako sa kanya, para kilatisin si Phil.

“Pero, wala, e. Sobrang bait talaga ni Phil, e.

“And I’m very happy for both of them now,” pagwawakas ni Chito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN