Brillante Mendoza’s Thy Womb premieres in Venice International Film Festival

Cannes-winning director Brillante Mendoza (center) with Thy Womb stars Nora Aunor (left) and Lovi Poe (right) a few hours before their flight to Italy last September 4. Thy Womb is currently competing at the Venice International Film Festival.


Noong Martes ng hatinggabi, September 4, ay lumipad na patungong Venice, Italy, ang delegasyon ng pelikulang Thy Womb.

Kalahok ang obrang ito ni Direk Brillante "Dante" Mendoza sa main competition ng 69th Venice International Film Festival—ang "oldest film festival in the world” at isa sa pinaka-prestihiyosong filmfests sa buong mundo.

Kasama ni Direk Brillante na lumipad patungong Italy ang main cast ng Thy Womb na sina Nora Aunor, Lovi Poe, at Mercedes Cabral.

Hindi nakasama ang lead actor ng pelikula na si Bembol Roco dahil may naka-schedule daw itong operasyon.

RED-CARPET PREMIERE. Ngayong araw, September 6, gaganapin ang red-carpet premiere ng Thy Womb sa Sala Grande, isang historical theater sa Venice.

Ang gown na isusuot ni Nora sa red carpet ay isang fuschia terno na likha ng fashion designer na si Nono Palmos.

May dalawa pang gowns ang Superstar, at mula rito ay pipili siya ng isusuot niya sa awards night.

Para naman kay Lovi, ang gown na isusuot niya ay isang black lace and sequined overlay na gawa ni Cary Santiago.

Samantalang si Mercedes ay magsusuot ng cream-lace gown mula sa Cebu-based designer na si Harvey Cenit. Sa awards night naman ay black-lace gown na lika ni Mitch Desunia ang isusuot ng indie actress.

THE LINE PRODUCER. Isang gabi bago lumipad ang grupo ng Thy Womb ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Larry Castillo, ang line producer ng pelikula.

Nakatrabaho ni Larry si Direk Brilante sa mga pelikulang Serbis (2008), Kinatay (2009), at Lola (2009) ngunit iba pa ang posisyon niya noon.

Pero sa Captive at Thy Womb ay line producer na si Larry.

Sa panayam ng PEP, nagbigay si Larry ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagsali ng Thy Womb sa Venice Filmfest.

Aniya, ang entourage ay nasa NAIA Terminal 1 na alas-nuwebe pa lang ng gabi ng September 4 upang i-accommodate ang interviews ng TV stations at iba pang media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumipad ang grupo via Qatar Airways Flight QR 645, Manila to Doha, at 12:01 a.m. (mahigit siya na oras na biyahe).

Ang connecting flight nito na Doha-Venice ay 9 a.m. kinabukasan ang alis, at may mahigit na six-hour travel.

Saan mag-i-stay ang buong delegation pagdating sa Venice, Italy?

Sabi ni Larry, “Sina Direk Dante at Ate Guy, sa Hotel Excelsior Venezia, sa Lido, sila mag-i-stay. Ito yung resort island sa Venice.

“Pero may nakuha nga akong isang sponsor sa Venice, parang guest house doon, tumulong sa aming isang Pinoy. So, doon kaming iba na magkakasama.

“Festival hotel yun, malapit talaga yun sa venue. Privilege na mag-accommodate ng at least two actors ng participating film doon.”

BACK TO VENICE. Ikalawang beses nang pumunta si Direk Brillante sa Venice; ang una ay noong 2009 nang mapili ang Lola bilang "surprise pick" sa festival. Bida sa pelikula ang veteran actresses na sina Anita Linda at Rustica Carpio.

Sabi ni Larry, “Yung Lola, noong 2009 ay surprise film yun. Ayaw ipaalam ng festival kasi surprise.

“Big deal yun doon, inaabangan yun doon ng artists.

“Walang info kung saang country galing, kung sino ang director…

“Style na nila yun doon sa Venice minsan na nasu-surprise sila, di ko lang alam kung yearly… parang to excite the audience.

“This year, di ko alam.”

Ayon pa kay Larry, “sobrang excited” si Direk Brillante sa pagbabalik-Venice nito pagkatapos ng tatlong taon.

“Sobrang excited si Direk, sobrang gusto niya ang pelikula din.

"Although lahat naman ng pelikula niya, gusto niya. Pero itong Thy Womb, iba kasi ang materyales, e.

“Kung nakita mo siguro yung trailer… ibang Brillante Mendoza na naman.

“So, kaya excited si Direk na ipakita ito, kasi hindi ito puwedeng i-compare sa Kinatay o sa Captive o sa Lola… may sariling identity.

“At siguro tayo, as a Filipino, pag nakita mo halimbawa ang Captive, nasu-surprise tayo na, ‘A, may ganito pala?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag nakita natin ang Thy Womb, ‘A, may ganoong kultura pala sa Southern part ng Pilipinas, na ginagawa pala ito…’

“Tapos, sobrang hindi mo talaga matatawaran ang performance ni Ate Guy… ganoon rin ang other actors.

“I’ve seen the film na, many times.”

Ano ang kanilang itinerary sa Venice?

Sabi ni Larry, “Hapon na kami makakarating doon, same day, September 5, dahil ahead tayo ng ilang hours…. then may skeds na.

“Suit ang isusuot ni Direk, malamig na kasi, e.

“Sina Ate Guy, sobrang excited na.

“Doon sa original schedule, may limang beses nang screening ng movie. Tapos, may request pang additional screening.

“Yung festival committee mismo ang nagre-request, sila naman ang authorized, e. Total of six screenings.

Ano ang sinasabi ni Direk Dante na muli niyang makakalaban ang entries mula sa iba’t ibang bansa?

“E, praying siya, siyempre, sana mapansin. Sana, manalo tayo.”

DREAM MOVIE.? Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Direk Brillante, nabanggit nito ang “dream commercial film” niya—ang pagsasama nina Nora Aunor, Coco Martin, at Vilma Santos sa isang pelikula.

Ayon kay Larry, nakausap na ni Direk Dante sina Ate Guy, Ate Vi, at Coco.

“Excited silang lahat. Schedule na lang ang pag-uusapan.”

Una raw nakausap ni Direk sina Nora at Coco. Saan naman nakausap ni Direk si Vilma?

Sabi ni Larry, “Sa pictorial nila sa The Healing, yung studio ni Raymund [Isaac] sa The Fort. Pumunta si Direk doon, doon sila nag-usap. “

Nagkatrabaho na noon sina Vilma at Direk Brillante sa pelikulang Dekada ’70 (2002), kung saan ang Star For All Seasons ang bidang aktres at si Brillante naman ang production designer noon.

Sabi ni Larry, “Si Direk ang unang PD noon. Hindi niya natapos, kaya naghati sila ng isa pang PD.

“Kasi ang tagal matapos ng film, e, may contract sa iba, di niya natapos ang film…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ngayong award-winning at internationally-acclaimed filmmaker na si Direk Brillante, kumusta naman ang muling pag-uusap nila ni Ate Vi?

“Okey naman. Excited si Ate Vi.

“Closed door kasi ang pag-uusap nila, pero naririnig ko yung boses ni Ate Vi na excited na excited.

“‘Gusto ko ‘yan, gusto ko ‘yan!’ sabi niya.”

Dagdga ni Larry, “Actually, marami pa naming ibang plano si Direk. Isa lang ito doon.

“Lahat naman ng mga pelikula niya, nae-excite siya.

“Secret pa yung iba, basta, marami pang susunod.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN