Alden Richards nervous about his first Cosmo Bachelor Bash appearance; ready for sexy and daring scenes

Sa kauna-unahang pagkakataon ay rarampa ang Kapuso heartthrob na si Alden Richards sa Cosmo Bachelor Bash. Kabilang siya sa Top 10 centerfolds na napili ng Cosmopolitan magazine ngayong taon.


Kagaya ng iba pang male celebrities na nakatakdang rumampa sa nalalapit na Cosmo Bachelor Bash, excited na naghahanda na rin si Alden Richards.

Malaking karangalan daw para sa Kapuso heartthrob na mapasama sa ganitong malaking event na taun-taon ay inaabangan ng marami.

“Sa September 18 po ‘yon. And then I was part of Top 10 centerfold for September,” banggit ni Alden sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang magiging kaabang-abang na gagawin niya?

“Yun pa po ang pinagpaplanuhan ko as of now.

“Kasi first time ko pong sasabak sa ganung klaseng rampahan. Na… first time ko pong gagawin sa buong buhay ko.

“So medyo kinakabahan po ako. Pero hopefully, sana maging successful naman.

“Sa World Trade Center po ‘to gaganapin.”



NO LIMITS. Taun-taon ay inaabangan ng marami ang Cosmo Bachelor Bash. Naging tradisyon na kasi ang kanya-kanyang estilo sa pagiging daring sa pagrampa ng mga nagguguwapuhang male celebrities at models.

Si Alden kaya, how far will he go pagdating sa pagpapakita ng kanyang katawan sa event na ito?

“Siguro… siguro kahit hanggang walang pants!” sabi niya kasunod ang isang pilyong ngiti.

Paanong walang pants ang ibig niyang sabihin?

“Siguro naka-boxer shorts ako o underwear.”

Kung handa na siyang magpakita ng hubad na katawan sa Cosmo Bachelor Bash, ibig bang sabihin nito ay ready na rin siyang gumanap ng daring o sexy roles?

“Opo, wala namang problema sa akin,” sagot ng 19-year-old actor.

Okey na rin sa kanya ang makipag-torrid kissing scene at makipag-love scene?

“Okey lang po. Kasi gusto ko na ring ma-try yung ibang dimension of acting that requires yung mga ganung klase ng eksena.

“Para lang po maka-experience ako ng ibang flavor, kumbaga, sa acting. Kaya open na po ako sa ganun.

“Pero sa ngayon, wala pa po namang ganung offer sa akin.”

Ano ang limitasyon niya pagdating sa ganitong bagay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hmmm… sa ngayon naman po, parang wala.

“Wala naman po akong boundaries. Wala naman po akong limits so far sa mga naibigay po sa aking projects.

“Pero depende pa rin po. And… basta, kung makakaganda po sa trabaho yung ipapagawa sa akin, okey lang po.”



WHOLESOME IMAGE. Hindi lang ang pagrampa niya sa Cosmo Bachelor Bash ang pinaghahandaan ni Alden nang husto ngayon kundi ang pagkawala na rin sa wholesome image at pagsabak sa medyo daring at sexy roles.

Anong mga preparasyon naman ang ginagawa niya para rito?

“Yung diet ko, kailangang fixed amount of calories lang a day. Tapos kailangang maisingit ko yung gym.

“Mondays, Wednesdays, and Fridays yung taping namin sa One True Love. And then Tuesdays and Thursdays, may ibang schedules.

“Pero kailangang maisingit ko, as musch as possible idinidikit ko po yung gym.

“Tapos less intake ng carbohydrates and fatty foods. Kasi mahirap i-burn.”



PAPABLE NG BAYAN. Basta napasama sa Cosmo Bachelor Bash, certified yummy ang dating sa kababaihan.

At si Alden nga bilang isa sa Top 10 male celebrities na nai-feature sa Cosmopolitan for September, “Papable Ng Bayan” ngayon kung bansagan.

Tumawa muna ang Kapuso actor bago nakapagbigay ng reaksiyon.

“Siguro po, ang masasabi ko, malaki po ang pasasalamat ko sa One True Love.

“Dahil po dun sa soap na ‘yon, mas na-appreciate po ako ng mga tao as an actor.

“And yung loveteam po namin ni Louise [delos Reyes], naging maganda po yung itinakbo.

“So utang ko po ito sa One True Love at sa GMA family ko po.”

Sang-ayon ba siya sa imahe niya ngayon bilang isa sa “pinakaguwapo at magaling na young actor” ng kasalukuyang henerasyon?

“Naku, parang hindi ko po napi-feel na ganun!” tawa ni Alden.

“A… salamat po kung ganun po ang tingin ng iba sa akin ngayon.

“Basta sa lahat po, gagawin ko pang mag-improve as an actor and also physically rin po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ONE TRUE LOVE. Extended ang primetime series na pinagbibidahan nina Alden at Louise sa GMA-7, ang One True Love. Tatakbo pa raw ito sa ere for a month bago tuluyang matapos.

Pakiramdam ba ni Alden, pagkatapos ng One True Love, made na siya bilang Kapuso actor?

“Kulang pa po. Marami pa pong dapat na pag-aralan.

“Ang acting po, walang katapusan ang learning.

“So every day kailangan ko pong matuto ng bago. And I really want to learn more po.”

Yung loveteam nila ni Louise, nararamdaman ba niyang establisado na dahil sa dami ng nakagiliwan nang subaybayan gabi-gabi ang One True Love? Na puwede nang ihilera sa ibang popular team-up ang tandem nila?

Sagot ni Alden, “Kasi po kami naman ni Louise, parang before po, nag-start sa Tween Hearts. Tapos ako po, nag-start sa Alakdana.

“Pero yung mga loveteam naman po, sa tingin ko, wala namang competition. Lalo pa sa aming mga tween stars.

“Kasi may sari-sarili naman kaming projects. Lahat naman po kami, nagpu-progress pantay-pantay.”

After One True Love, willing ba siyang kumawala na sa loveteam nila ni Louise kung hihingin ng pagkakataon?

“Uhm… kung kailangan po. Pero mas okey po sana kung huwag muna.

“Kasi comfortable ako kay Louise, comfortable din siya sa akin.

“So okey po sana sa akin kung sa next project po, kami pa ring dalawa.”

Nasabi ni Alden na game na siya sa mga mature at sexy roles. Pero si Louise, wholesome pa rin ang image.

Hindi ba magkakaroon sila ng contrast kung magka-loveteam pa rin sila?

“Siguro mapag-uusapan naman po, eventually,” tugon ni Alden.



LOVI POE. Sa mga daring na eksena, gaya ng torrid kissing scene o love scene, sino ang gusto niyang makapareha?

“Si Lovi Poe,” sagot ni Alden.

“Kasi si Lovi, napakagaling na artista.

“Napanood ko yung Aswang at gusto ko ring mapanood yung pelikula niyang Guni-Guni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakita ko yung potential niya as an actress… limitless.

“Lahat kaya niyang gawin. Lahat kaya niyang ibigay sa pagiging artista.

“So sa mga ganung scenes na required yung love scene, gusto ko si Lovi ang makapareha ko.

“Kasi I have the highest respect for her as an actress. Sobrang galing niya.”

Meron ba siyang crush sa hanay ng mga young actresses ngayon?

“Naku!” sabay tawa ni Alden. “Concentrate muna po ako sa One True Love ngayon.

“So baka yung lovelife po comes after, kasi mahirap pagsabayin.

“Pero ngayon, napi-feel ko na lumuluwag-luwag na yung schedule ko. Baka puwede na pong isingit ang lovelife.”

Artista ba ang mas gugustuhin niyang ligawan kung sakali o isang non-showbiz girl?

“Kasi I’ve been meeting people outside and inside showbiz. Okey naman.

“Sa akin, hindi naman big deal kung showbiz o non-showbiz, as long as okey yung relationship.

“Pero siguro, come what may, kung sino po ang dumating.”

Puwede rin kayang maging sila ng ka-loveteam niyang si Louise, sakaling hindi mag-progress yung napapabalitang magandang pagtitinginan ng young actress at ni Enzo Pineda?

“Naku, masaya naman po silang dalawa ngayon, e. So suportado ko po silang dalawa.

“And siguro po, sa akin, kung may dumating na sino man diyan, okey sa akin,” sabi ni Alden.

Marami ring female celebrities ngayon na single. Sino kaya sa mga ito ang puwedeng masabi na interesado siyang maka-date o maka-close?

“Parang lahat po kasi sila, busy rin sa career nila, e, so wala po akong masabi.”

Dati si Sam Pinto ay napabalitang type niya, di ba?

“Si Sam, bihirang-bihira na rin kaming magkita. Sobrang busy niya sa shows ng regional TV ng GMA, tapos sa Bubble Gang pa.

“Ako rin, busy sa soap… sa One True Love.

“Siguro yung time namin for each other ang naging cause kung bakit kami medyo parang nagkalayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So kapag may pagkakataon na pareho silang hindi busy, puwede na bumalik siya sa dating parang pagpaparamdam na niya kay Sam?

“Bakit po hindi? Why not?” sabay ngiti ni Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN