Angelika dela Cruz cancels plan to run for councilor in Malabon; will try for another baby

Ito ang pahayag ni Angelika dela Cruz sa desisyon nila ng asawang si Orion Casareo na sundan ang panganay nila: "Nito ngang huling pag-uusap naming mag-asawa, gusto na niyang may kasunod na si Gab. So, bilang isang masunurin na misis, pumayag naman na ako."


Mukhang malabo nang matuloy ang plano ni Angelika dela Cruz na tumakbong konsehal sa Malabon City sa 2013 elections.

Nakapagdesisyon na raw kasi ang Kapuso actress na simulan na ang plano niyang magbuntis para masundan ang three-year-old son niyang si Gabby.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Angelika sa press conference ng bagong Kapuso telefantasya na Aso Ni San Roque, last September 3, sa Studio 7 ng GMA-7 annex building, sinabi niya na gustuhin man niyang tumakbo bilang konsehal ay may kasunduan na sila ng kanyang mister na si Orion Casareo.

Kuwento ni Angelika, "Noong tinatanong nga ako regarding that, nasabi ko naman talaga na nasa plano ko ang tumakbo for councilor sa amin sa Malabon.

"Mahal ko ang bayan namin. Diyan ako lumaki.

"Kahit noon pa man ay involved na ang family namin sa mga charity works sa lugar namin.

"Ilang beses na rin akong hinihikayat ng mga tao doon na tumakbo ako.

"When my brother Edward won as councilor, bigla ngang may nangyari sa kanyang hindi maganda.

"So nabakante yung position niya at wala silang pinaupo doon mula sa pamilya namin."

Nasawi sa isang vehicular accident si Edward noong June 7, 2010, sa North Luzon Expressway (NLEX).

Patuloy ni Angelika, "Gusto kong ipagpatuloy ang dapat nasimulan na ng kapatid ko, pero nag-usap na nga kami ng mister ko.

"And we decided na pagplanuhan na namin ang magiging next baby namin.

"Ilang beses ko na rin kasing ipinagpaliban dahil nga sa mga trabahong dumarating.

"Very understanding naman si Orion sa akin.

"Hindi naman niya ako pinilit na gawin na namin because he knows na gusto ko munang magtrabaho.

"Pero nito ngang huling pag-uusap naming mag-asawa, gusto niyang may kasunod na si Gab.

"So, bilang isang masunurin na misis, pumayag naman na ako.

"Ayoko namang ma-disappoint ang mister ko sa akin dahil mas uunahin ko pa ang pagtakbo sa eleksyon kesa sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya yun na ang napagkasunduan namin.

"And yung pagtakbo as councilor, maybe sa mga susunod pang pagkakataon."

Pero kahit hindi na matutuloy ang pagtakbo ni Angelika, tuloy naman daw ang pagbibigay nila ng tulong sa mga taga-Malabon.

Ani Angelika, "Hindi naman mawawala ’yon.

"Kahit sino naman na lumapit sa pamilya namin at humingi ng tulong, pinagbibigyan namin.

"Basta hindi naman beyond sa kakayanin namin."



VILLAINESS AGAIN. Sa telefantasyang Aso Ni San Roque, kontrabida na naman ang role ni Angelika bilang ang mangkukulam na si Gamod.

Huling napanood si Angelika sa Kasalanan Bang Ibigin Ka? kunsaan naging kontrabida siya ni Jackie Rice.

"Naku, effortless na nga ang pagiging kontrabida ko, di ba? Parang natural na lang!" sabay tawa ng aktres.

"This time, mangkukulam ako. Ako ang leader ng mga Aswang ng Apoy.

"Isa ako sa gustong pumatay kay Fatima [Mona Louise Rey] na ayon sa isang prophecy, siya ang tutugis sa aming mga masasamang element sa mundo.

"Siyempre, costume at prosthetics na ulit ang best friend ko dito. Huli akong nagganito noong Dwarfina pa.

"Kasama ko sina Gardo Versoza, Paolo Contis, at Gwen Zamora bilang kontrabida.

"May kanya-kanya kaming mga costumes na bongga lahat."



HER DAD’S CONDITION? Nang kumustahin ng PEP ang kalagayan ng kanyang ama na si Ernie dela Cruz, sinabi ni Angelika na bumubuti na raw ito.

May matinding karamdaman ang ama ni Angelika kaya lahat ng oras na puwede niyang ibigay rito ay ginagawa na ng aktres.

Aniya, "Lagi ko siyang sinasamahan sa mga check-up niya sa doktor.

"I make sure na okay siya kapag nasa trabaho naman ako.

"Meron namang nagbabantay sa kanya to make sure na iniinom niya ang mga gamot niya.

"Si Daddy naman, fighter ‘yan. Sa kanya ko nga namana ang pagiging matapang at pagiging palaban ko.

"Never ko namang nakita si Daddy na nagpapatalo sa sakit niya. Lagi pa rin siyang masaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Makita lang niya ang apo niya, sumisigla siya.

"Kaya nga dasal ko, parating maging maayos ang lagay ng buong pamilya ko. Lahat ay maging malusog at walang sakit.

"I know that my dad will get better. Yun ang parating ipinagdarasal ko na mangyari," sabi ni Angelika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN