Joey Marquez respects Kris Aquino’s decision to decline an interview with him; mulls over possibility of running for Congress again

Bilib na bilib si Joey Marquez sa paraan ng pagkakagawa ng pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles, kung saan kabilang siya sa cast. Aniya, “Kaya palagay ko, ito ang magbubukas, ito ang magiging pinto, sa mga movies na gagawa ng ganito. At sa tingin ko, mas maganda ito sa traditional.”


Bihira nang gumawa ng pelikula ang comedian-TV host na si Joey Marquez, pero hindi niya natanggihan ang alok na gawin ang Tiktik: The Aswang Chronicles.

Ang Tiktik ang kauna-unahang Tagalog movie na ang kabuuan ay ginamitan ng CGI (computer-generated imagery).

Ginagampanan ni Joey sa pelikula ang papel ng asawa ni Janice de Belen at ama ni Lovi Poe.

Si Dingdong Dantes ang bida ng pelikula at isa rin sa mga producers.

Kuwento ni Joey, “Ang kaibahan kasi ng movie na ito, na-curious ako kung paano nila gagawin lahat noong ipinakita nila ang storycon.

“Sabi ko, ‘Parang mahirap ‘to, a!’

"Kaya noong sinabi nila sa akin na CG, computer graphic, sabi ko, ‘Hindi pa handa ang Pilipinas diyan.’

“Noong makita ko ang set, sabi ko, ‘Dito ba lahat nangyayari? Hindi na tayo lalabas?’

“Kinulayan lang ng green. Pero yung room, malaking-malaki.”

Pero nagulat at bumilib daw si Joey nang makita na niya sa screen ang mga eksenang kinuhanan nila sa "green room."

“Noong lumabas sa computer at napanood ko, sabi ko, parang nasa ibang bayan kami.

“So, one-step upgrade ang cinema movie. Parang nag-upgrade tayo nang pataas.

“So, I got very surprised and shocked when I saw the trailer.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Joey sa opisina ng PostManila sa Makati City noong Miyerkules, September 5.



APPREHENSIVE AT FIRST. Aminado si Joey na noong unang ialok sa kanya ang pelikula ay nagduda siya kung magagawa ito.

Pero nawala ang kanyang pangamba nang makita niya ang mga eksenang kinunan nila.

“E, dito, kahit thin line, meron… may mga lumalabas na buhok.

“Kaya palagay ko, ito ang magbubukas, ito ang magiging pinto, sa mga movies na gagawa ng ganito.

“At sa tingin ko, mas maganda ito sa traditional.

"But come to think of it, it’s more expensive than doing it the natural way. Mas mahal ‘to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, ginagawa nila ‘to per frame.

"Inabot ito ng mahigit one year. Iba pa ang na-shoot namin, iba pa ang ginawa nila,” saad ni Joey.

Hindi pa napapanood ni Joey ang kabuuan ng Tiktik: The Aswang Chronicles—na ipapalabas sa mga sinehan simula sa October 17—pero excited na raw siyang makita ang buong pelikula.

“Ang tingin ko rito, masa-shock ang tao.

"Magkakaroon tayong mga Filipino ng self-confidence na kaya na nating tumapat.

“Ang tagal, e. Pero noong nabasa ko ang script at in-explain nila sa akin na computer graphic…

“At nakita ko na ang director, si Erik Matti, best director sa akin ‘yan. Kaya sabi ko, magandang ingredient…

"Very professional ang shooting namin.

"At ang kagandahan, sasabihin kung anong oras ka darating at sasabihin kung anong oras ka uuwi.

“Kaya maganda, e. Yun ang ugali ni Erik, e, just come in time.”



THE OFFER. Ang manager ni Joey na si Malou Choa-Fagar daw ang nagsabi na may offer na pelikula para sa kanya. Siya raw kasi ang personal choice ng mga producers upang gumanap sa naturang role.

Si Malou ang COO at SVP ng TAPE Inc., na nagpoprodyus ng noontime-variety show na Eat Bulaga!.

Kuwento ni Joey, “Yung manager ko, si Malou, sabi niya, ‘Gusto mo bang gumawa pa ng movie?’

“Sabi ko, ‘Ayoko.’

"Sabi niya, ‘Maganda ‘to, bago. Kay Dondon Monteverde.’

"Sabi ko, ‘So lalong matagal yata ‘yan.’

“Tapos sabi niya, ‘Hindi, hindi. Ipapadala ko sa ‘yo ang script, basahin mo.’

“Noong binasa ko ang script, very challenging. Para ma-experience ko na rin kasi, first time kong ma-experience.”

Si Dondon Monteverde ng Reality Entertainment ang isa sa mga producers ng pelikula.

DINGDONG DANTES. Ang madalas na kaeksena ni Joey sa Tiktik ay si Dingdong Dantes, na isa rin sa mga producer sa pamamagitan ng kanyang Agostodos Pictures.

Si Dingdong ang gumaganap bilang si Macoy, ang lalaking nakabuntis kay Lovi, na anak naman nina Joey at Janice de Belen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta ang naging pakikipagtrabaho ni Joey kay Dingdong na producer din niya sa movie?

“Hindi ko naramdaman na nag-asta siya na producer.

“Kapag may mali siya, magso-sorry siya. Kung ma-feel niya kung ano ang desisyon ng director, he follows.

“So, I think there’s no special treatment to all of us—kahit siya.”

KRIS AQUINO. Ngunit higit sa paggawa ng pelikula, mas nag-e-enjoy at kumportable raw si Joey sa telebisyon, tulad ng pagiging host ng showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN na Showbiz Inside Report.

Kaugnay nito, natanong daw si Kris Aquino kung payag siyang ma-interview ni Joey para sa show.

Pero “no” raw ang naging sagot ni Kris.

Ano ang reaksiyon dito ni Joey?

“Alam niyo kasi, as a professional, I am obliged to follow what the producer wants me to do.

“Kung sasabihing interbyuhin mo si Obama, bakit hindi, kung papayag?

"It’s the producer’s call pa rin.”

Naiintindihan naman daw ni Joey si Kris kung ayaw nitong magpa-interview sa kanya.

“It’s okay, kasi nag-ganoon din ako, ’I’m not ready to be interviewed.’”

Nagkaroon ng relasyon noon sina Joey at Kris, ngunit naging kontrobersiyal ang paghihiwalay nila noong 2003.

Paano kung sabihin sa kanya ng network na kailangang interbyuhin niya si Kris?

“Kahit sino, okay ako. Huwag lang si Satanas at baka hindi ako pakawalan!” biro ni Joey.

Na-offend ba siya na hindi magpapa-interview sa kanya si Kris?

“Hindi, hindi... nothing offensive naman doon.

"We respect the right of the individual. If they don’t have the right, we give them the right.”

Kahit pareho na silang Kapamilya ni Kris, ayon kay Joey, hindi pa sila nagkakasalubong o nagkikita.

“So far, hindi pa naman. Once a week lang ako sa ABS, e.”

Hindi na sinagot ni Joey ang tanong kung ano ang gusto niyang itanong sa ex-girlfriend kung sakaling ma-interview niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



STILL SINGLE. Nananatiling single si Joey magmula nang maghiwalay sila ng dating asawa na si Alma Moreno.

Bagamat nagkaroon siya ng mga karelasyon pagkatapos—gaya nina Kris Aquino at Alicia Mayer—tahasang sinasabi ni Joey na ayaw na niyang mag-asawa o magpakasal.

Rason niya, “Alam niyo kasi... magagalit sa akin ang Katoliko, pero ang wedding kasi is just a ceremony.

“Kaya nagwe-wedding kayo, para ipakita sa mga kaibigan niyo na ikinasal kayo. Para may party, may handaan.

"Ang importante riyan, ang commitment sa isa’t isa. Na kahit hindi kayo ikasal, basta may commitment kayo, magtatagal kayo.

“Pero, hindi ko ina-advice yun.

"So, in short, ayoko na.

“Kasi, na-realize ko lately, na ang mga babae, katawan ko lang ang kailangan, e!” biro pa niya.

May nagpapasaya ba sa kanya ngayon?

“Mga anak ko. My children are always special.”

Pero masaya ba siya?

“I am alone, but never lonely!” ang natatawang sabi niya.



POLITICS. Sa susunod na taon ay magkakaroon na naman ng eleksyon para sa national at local positions.

Inamin ni Joey sa media na posibleng tumakbo na naman siya sa susunod na halalan, bilang representative o congressman ng first district ng Parañaque.

Matatandaang nanungkulan si Joey bilang vice mayor mula 1992 hanggang 1995, at mayor mula 1995 hanggang 2004 sa naturang lungsod.

Noong 2004 elections ay tumakbo si Joey bilang congressman ngunit natalo siya.

Noong 2010 ay muli siyang tumakbo, bilang mayor ulit, ngunit nabigo na naman siya.

Ayon kay Joey, marami pa ring lumalapit sa kanya at pinakikiusapan siyang tumakbo.

“Sinabi ko sa kanila na hindi ang posisyon ang habol ko rito.

“Kung sakaling makakatulong ako, bakit hindi? Doon muna ako.

"Pero hindi pa naman, malayo pa naman, so tingnan natin."

Na-miss ba niya ang pulitika?

Sagot ni Joey, “Kapag na-miss kasi, parang doon ka na nabuhay.

"Siguro kung may babalikan at kung kailangan nila ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually ngayon, para akong hinaharana sa bahay.

"Pero sabi ko, ‘Tingnan niyo muna kung kailangan ako. Huwag niyong isipin na kailangan niyo ako. Kailangan, kailangan tayo ng tao.’”

Kung sakali raw matuloy ang pagtakbo niya, magiging independent candidate si Joey.

Paliwanag niya, “Kasi, when your loyalty to the party stops, that’s when your loyalty to the people begins.

“Kasi, kanino ba ako dapat may loyalty—sa partido o sa tao? Sa tao siyempre.

“So, ang partido ko, tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN