LJ Reyes on rumored breakup with Paulo Avelino: “Kung ano man ang lumabas, hindi nanggaling sa akin iyon. Opinyon na iyon ng ibang tao."

Pahinga muna sa kontrabida roles ang Kapuso actress na si LJ Reyes sa bagong telefantasya ng GMA-7 na Aso Ni San Roque. Gaganap siya bilang ina ng bidang si Mona Louise Rey.


Malaki ang ipinayat ng Kapuso actress na si LJ Reyes.

Napansin ito ng mga taga-entertainment press na dumalo sa grand launch ng bagong GMA-7 telefantasya na Aso Ni San Roque, noong September 3, sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

Paliwanag naman ni LJ sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagkasakit siya kaya bigla ang kanyang pagpayat.

Kuwento niya, “Nagkaroon ako ng stomach flu. Hirap na hirap nga akong kumain kaya pumayat ako bigla.

“E, nag-start na kami mag-taping ng Aso Ni Roque. Kaya kahit hindi pa ako masyadong magaling, nag-taping pa rin ako.

“Ayoko namang maging dahilan ng delay sa taping.

“Napa-pack up nga kami dahil sa biglang pag-uulan, e. Ayokong maging cause of delay din.

“Kaya dinadaan ko na lang sa gamot para bumuti ang pakiramdam ko.

“Ngayon naman ay okey na ako. Kailangan ko na lang daw magpataba ng konti.

“Sumobra kasi ang payat ko, pati raw kasi mukha ko ay pumayat.

“Pero bumagay naman daw sa character ko sa series na si Lourdes.

“Kailangan mukha raw akong haggard kaya pasok ang biglang pagpayat ko!” sabay tawa ni LJ.



MOTHER ROLE. Dito sa Aso Ni San Roque ay gaganap si LJ bilang ina ng eight-year-old child actress na si Mona Louise Rey.

Okey lang ba kay LJ na gumanap siya bilang ina ni Mona Louise, samantalang two years old pa lang ang anak nila ni Paulo Avelino na si Ethan Akio?

Sagot ng 24-year-old actress, “Okey lang naman kasi ang role ko naman ay isang aswang. Hindi kami tumatanda.

“Kaya na-explain naman kung bakit puwede kong maging anak si Mona Louise.

“Tsaka wala naman akong hang-ups sa ganyan. Kahit na anong role ay puwede kong gawin.

“Ayokong maging choosy kasi baka mawalan pa ako ng trabaho, di ba?

“At maganda ang role na ibinigay nila sa akin. Lead character naman at maraming pagdadaanan si Lourdes sa paghahanap niya sa kanyang anak.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



TAKING A BREAK. Pahinga muna si LJ sa paglabas bilang kontrabida. Huli siyang napanood na kontrabida sa afternoon soap na The Good Daughter.

“Rest daw muna ako sa pagiging bad girl. Nagkasunud-sunod din kasi.

“Before The Good Daughter, super-kontrabida ako sa Time Of My Life. Kaya may space muna.

“Pero sa movie, lalabas akong kontrabida. Isa ako sa mga aswang na aatake kina Dingdong Dantes at Lovi Poe sa Tiktik: The Aswang Chronicles.”

Speaking of movies, pinuri si LJ ng mga kritiko dahil sa kanyang role bilang cheap prostitute sa indie film na Intoy Syokoy Ng Kalye Marino, na naging official entry sa New Breed category ng Cinemalaya Independent Film Festival 2012.

Maraming nag-akala na siya ang mananalo ng best actress award, pero napunta ito kay Ama Quiambao para sa Diablo.

Ayon kay LJ, “Okey lang naman ‘yon kasi talagang magaling naman si Ms. Amable Quiambao sa Diablo. She deserves it.

“Ako naman, hindi naman umasa na mananalo.

“Noong manalo ako noong 2010 sa Cinemalaya for The Leaving as best supporting actress, hindi ako umasa. Nagulat na lang ako nang manalo ako.

“Sa Intoy Syokoy, ginawa ko ang role ko. Hiningi ng role na mag-topless ako, ginawa ko naman.

“Talagang inilagay ko ang sarili ko doon sa character ni Doray. Ayokong maging half-baked ang performance ko.

“Nabasa ko nga ang mga reviews sa movie namin ni JM de Guzman at natuwa ako sa mga isinulat nila about our performances.

“Pinaghirapan kasi namin ang pag-shoot ng movie kaya masarap mabasa na pinupuri-puri ka.

“Yun ang mga gusto kong gawin ng mga project, yun talagang matsa-challenge ako.

“Kahit na deglamorized ako, it doesn’t matter.

“Ang habol ko ay ang magandang role at yung ma-test ka sa hanggang anong extent ang puwede mong gawin sa pagiging artista mo.”


PAULO AVELINO. Tungkol naman sa personal na buhay ni LJ, tikom pa rin ang bibig nito kapag ang pinag-uusapan ay ang ama ng kanyang anak na si Paulo Avelino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga usap-usapan na hiwalay na raw sila at ang pangako ng Kapamilya actor na pakasalan siya ay hindi na raw matutupad.

Sabi ni LJ tungkol dito, “Never naman akong nagsalita na tungkol sa amin ni Paulo.

“Mahirap nang magsalita at baka masisi pa ako. Kaya quiet na lang po ako.

“Kung ano man ang lumabas, hindi nanggaling sa akin iyon. Opinyon na iyon ng ibang tao.

“I respect Paulo dahil may anak kami. Yun na lang ‘yon.

“Basta ako, gusto kong maging busy sa trabaho ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN