Sen. Bongbong Marcos camp bent on proving issue of missing votes

May 28, 2016
<p>Pahayag ni Atty. George Garcia, abogado ni Sen. Bongbong Marcos, pag-uusapan nila ang mga susunod na hakbang hinggil sa isyu ng undervotes na higit sa tatlong milyon.</p>

Desidido ang kampo ni Senador Bongbong Marcos na ituloy ang kanilang laban kaugnay ng diumano'y higit sa tatlong milyong kaso ng undervotes o missing votes sa katatapos lang na bilangan para sa posisyon na bise presidente ng Pilipinas.

Kasunod ang hakbang na ito matapos na ideklara ng National Board of Canvassers (NBOC) si Camarines Sur Third District Representative Leni Robredo bilang vice president-elect ng bansa.

Ang NBOC ay binubuo ng mga magkahalong miyembro mula sa Senado at sa Kongreso.

Sa final tally of votes, tinatayang higit sa 260,000 votes ang kalamangan ni Leni kay Sen. Bongbong.

“Hindi perpekto at may mga diperensya po ang nangyaring computerized election ng 2016 at iyan po ay hindi kami titigil ng hindi po namin nalalaman ang katotohanan tungkol d'yan,” pahayag ni Atty. George Garcia, abogado ni Bongbong, sa panayam sa kanya ni Jessica Soho para sa State of the Nation news program ng GMA-7 kahapon, May 27, Biyernes.

Continue reading below ↓

Isa rin umano sa kanilang options ang pagpapasa ng reklamo sa presidential electoral tribunal.

Binanggit din ni Garcia na pag-uusapan nila ni Sen. Bongbong ang iba pang legal options kaugnay ng kanilang ipinaglalaban.

“Ito po ay gagawin kung anu't anuman yung mga bagay na legal na remedyo alang-alang sa mga naniniwala sa amin at naniniwala sa amin na itutuloy pa ang laban.”

Pakiusap pa ni Garcia sa publiko, na unawain ang kanilang kampo sa kanilang misyong patunayan ang kaso ng undervotes na 3.902 million.

“Wala naman po kaming inaakusahan na napunta yung boto kay Ganito o natanggalan ng boto si Ganito.

“Yun po ay serious concern ng lahat dahil sa isang computerized na eleksyon, hindi naman po natin puwedeng basta tanggapin na bakit merong boto na hindi ma-account o nawawala na lamang,” hayag ni Garcia.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Pahayag ni Atty. George Garcia, abogado ni Sen. Bongbong Marcos, pag-uusapan nila ang mga susunod na hakbang hinggil sa isyu ng undervotes na higit sa tatlong milyon.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results